VI

314 10 3
                                    

VI

Lumabas si Kalliea ng mansion para mag jogging, tulog pa naman ang mga tao sa mansion dahil alas cuatro pa lang ng madaling araw.

Isang buwan niya na ring nakakasama si Mayor sa iisang bubong at kung minsan ay hindi sila magkasundo sa mga bagay bagay pero nagagawan naman nila ng paraan upang ayusin.

Tumigil ito sa mini park ng Villa at naupo sa isang swing na naroon, habang hinihintay ang pag sikat ng araw. Napalingon ito nang maramdaman niyang may umupo sa kabilang swing, ito ata yung tsismis na bagong lipat nilang kapit-bahay.

Hindi naman sa tsismosa siya pero narinig niya lang nung naubusan ng load ang WiFi ni mayor at nagpaload ito sa tindahan.

"My name is Lei, Ikaw?" Tanong ng binata kay Kalliea kung titigan ay matanda lang siya rito ng dalawang taon.

"Ako ba ang kausap mo?" Lumingon pa ito, nakakahiya naman kasi kung bigla itong sumagot tapos iba pala ang kausap nitong katabi niya.

"Yes, bukod sayo wala naman akong ibang kasama rito. Don't tell me, may nakikita kang hindi ko nakikita." natatawang saad ng binata kaya umismid si Kalliea.

"Bakit mo tinatanong? Crush mo ako?" Sumeryoso ang mukha ni Lei dahil sa tanong ni iyon.

"No."

"Aysus, kayo talaga. Ilang taon ka na ba hijo?" Nang-aasar nitong tanong.

"I'm 20, why?" sagot ni Lei.

"Bata ka pala ng dalawang taon sa akin tapos yung asawa ko naman matanda ng 14 years sa akin." nakangusong saad ng dalaga.

Hindi nito napapansin ang sinabi kaya biglang natulala si Lei dahil sa edad nito ay mayroon na itong Asawa.

"May asawa ka na?" Gulat na tanong ng binata at dun lang din natauhan si Kalliea kaya nakagat niya ang ibabang labi.

"Kalimutan mo na. Mauuna na ako," paalam nito dahil baka malaman pa nitong si Mayor ang Asawa niya.

"Teka!" Pigil ni Lei pero kumaripas na ng takbo si Kalliea. Napailing na lang ito dahil napaka agresibo ng dalaga.

Pagkabalik sa mansion ay sumalubong sa kanya ang seryosong mukha ni Mayor, para itong Tatay na galit dahil hindi umuwi ang anak.

"Sinong kasama mo?" Kumunot ang noo ng dalaga dahil pagkapasok pa lang niya ng bahay ay yun kaagad ang tanong sa kanya.

"Wala." Sagot nito at umirap. Sa loob ng isang buwan sobrang higpit ni Marchaus sa kanya at ang rason nito palagi ay responsibilidad niya si Kalliea dahil asawa siya nito.

"Bakit ka naman pawisan?" napalunok na lang ito dahil ayan na naman yung mayor nilang panay ang pagtatanong dinaig pa ang Tiyahin niya.

"Nag jogging po kasi ako." sagot nito at naiinis na ngumiti.

"Ikaw lang?" Tumango na lamang ito dahil kanina pa siya nabubwesit sa mga tanong nito. Kunti na lang ay sasapakin niya na ang binata. "Jogging tayo bukas." Sabi nito at namewang na pumanhik sa kanyang silid.

Napa buntong-hininga na lang ang dalaga nang mawala na ito sa paningin niya. Pumanhik na rin ito sa kanyang silid at kaagad na dumiritso sa shower.

VEFS#01: Mayor Niyo Ang Asawa Ko (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon