XII

258 7 2
                                    

XII

"Dude, sigurado ka ba talaga sa desisyon mo?" nag-aalalang tanong ni Paul sa kaibigang si Marchaus. "Hintayin mo na lang muna ang resulta ng investigation bago ka mag desisyon..."

"I can't. Hindi ko kaya na hindi makita si Kalliea." sagot nito kaya napa buntong-hininga ang kaibigan.

Walang duda, in love na nga talaga ang kaibigan niya kay Kalliea.

"Iba talaga pag in love!" Naiiling na turan ni Paul. "Sige una na ako." Paalam nito at tinapik sa balikat ang kaibigan.

Nasa mini bar ito ng mansion at dun siya nanatili kapag mayroon siyang problemang dinadala. Napatingin siya sa hawak na baso na may lamang alak kaya tinungga niya na ito at inubos saka muling sinalinan ang basong gamit niya.

Ang wine na iniinom niya ay Screaming Eagle Cabernet Sauvignon 1992 na nagkakahalaga ng kalahating-milyong dolyar, regalo ito ng isa sa kanyang mga kaibigan nung kasal nila. Galing Bordeaux France ang wine kaya sobrang mahal nito.

Naubos niya na ang laman ng wine ngunit di pa rin siya kuntento kaya kumuha ulit siya ng isa pa, ang kinuha niya naman ay ang pinaka-kilalang wine sa Pilipinas na tinatawag na tuba. Maasim na matamis ang lasa nito pero iba ang epekto nito sa kanya kumpara sa kaninang ininom niya na di man lang siya tinablan ng kalasingan.

Sina Kalliea at Kallaine naman ay nag punta na sa kusina dahil katatapos lang nilang magdilig ng mga bulaklak sa labas.

"Nang, saan po si Marchaus?" tanong niya.

"Ara to sa mini bar Ma'am, ga inom guro... Gina pa to siya waay nag guwa." sabi ng katulong. (Nasa mini bar Ma'am, umiinom siguro... Kanina pa yun siya di lumalabas."

"Ah, sige po! Thank you." ngumiti siya sa katulong at binaling ang atensyon sa anak. "Magbihis ka na muna sa taas, pupuntahan ko lang si Papa mo." utos niya kay Kallaine na agad naman nitong sinunod.

Nang mawala na sa paningin niya ang bata ay pumunta siya sa mini bar. Naroon nga si Marchaus, nakasubsob ang mukha nito sa mesa habang nakaupo sa bar stool.

Napatingin siya sa hawak nitong baso, wala na itong laman kaya dahan-dahan niyang inalis ito mula sa kamay ni Marchaus. Ngunit malakas ata ang pakiramdam ng binata dahil mabilis niyang hinila si Kalliea palapit sa kanya na naging dahilan ng paglapat ng mga labi nila.

Hindi alam ni Kalliea kung ano ang gagawin, kinakabahan siya na parang naeexcite. Pinipilit niyang kumalas ngunit sobrang higpit ni Marchaus. Wala na siyang nagawa at nagpadala na lamang sa sinasabi ng kanilang mga katawan.

Kinabukasan, pagkagising ni Kalliea ay ramdam nito ang sakit ng kanyang katawan lalong-lalo na ang kanyang ulo. Bumangon ito at nagtungo sa banyo para maghilamos.

Pumasok naman sa isipan niya ang mga nangyari kagabi at nang maalala iyon ay napapikit siya at kinagat ang labi. Pagkalabas niya ng banyo ay naroon si Marchaus sa kama, nakaupo ito at nakatingin lamang sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin dahil parang nakukuryente siya sa mga titig ng asawa.

"Anong oras na?" Tanong niya upang mabawasan ang pagkailang.

"It's already 9 in the morning. Ang sarap ng tulog mo." pang-aassar naman ni Marchaus.

"Kasalanan mo iyon." wika ng dalaga at nagpunta sa closet para maghanap ng maisusuot. "Kumain na ba si Kallaine?" pag-iiba niya ng usapan.

"Yes."

"Ikaw ba?" tanong niya ulit.

"Not yet. Hinihintay ko na gumising ka." tugon ni Mayor. "Si Kallaine nga pala na kay Mama. Sinundo niya rito kanina habang tulog ka!"

VEFS#01: Mayor Niyo Ang Asawa Ko (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon