Kabanata 32

555 18 1
                                    


Maaga akong nagising ngayong araw dahil sa naging bilin ni senyorito na kailangan kong sumamasa kanilang pamilya, batid kong masasaktan ako pero wala naman akong pagpipilian kung hindi ang sundin ang utos niya eh

Bago ako umalis ay inasikaso ko muna ang aking anak para sa pagpasok sa eskwela, si kuya Jeff palagi ang naghahatid sa kaniya para hindi kami mahuli ni Janna sa trabaho. Habang kasama ko kanina si Maliah ay ibang iba siya, hindi siya maingay at masigla gaya noong mga nakaraang araw, pansin ko rin ang kaniyang namumugtong mata

"Anak bakit ganiyan ang mata mo? maga yan ah, may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ko na ikinailing naman agad niya

"Wala po mama nikagat lang po siguro ng ant kasi di ako nag wash ng face bago matulog" napatango naman akosa sagot nito kahit hindi masyadong kumbinsido sapagkat imposible namang kinagat ang mata niya ng sabay hindi ba?

"Ganoon ba anak, siya sa susunod ay maghilamos ka bago matulog ha? Para dika na kakagatin ng langgam" hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at hinalikan siya sa noo

"Kapag may problema ka lapit kalang kay mama ha? Makikinig ako palagi" malambing na sabi ko, ngumiti siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit

"Love love po kita super mama, wala po akong problem kasi andiyan ka po" napangiti naman ako ng sobra sa kaniyang sagot at pinagpupupog siya ng halik

**************************

Nakarating ako sa tirahan nina Clifford at sa harap pa lamang ng gate ay nakita ko na ang mga tauhan niyang nagkalat ganoon din si Gio, lumapit agad ako doon

"Gio paalis naba? Pasensya na may inasikaso pa kasi ako sa bahay"

"Ok lang Azulan sumakay kana nandoon na sa loob si boss Clifford" si boss Clifford?

Pagkakatanda ko ay buong pamilya niya ang kasama bakit siya lang ang binanggit? Ah baka naman sa ibang sasakyan nakasakay yung pamilya, dami ba namang nakaparada ditong isasama eh

Pagkasakay ko sa sasakyan ay agad bumungad sa akin si Clifford na may malamig na tingin, ano bang bago?

"Faster you're wasting my time" iritang sabi nito, hmmpp kung naiinip naman siya ay pwede naman siyang umalis na, katulong lang naman ako para namang di sila makakagala dito ng wala ako

"Pasensya na po senyorito may inasikaso lang po, nasaan nga po pala si senyorita? Sa sasakyan niya na lamang po ako sasakay at baka may kailanganin siya" matapos kong sabihin iyon ay kita kong mas lalong nabalot ng pagkairita ang kaniyang mukha

"Emergency, they won't come so you'll accompany me, just me" tila walang pakialam nitong sabi sa akin habang nakatingin sa labas

"Eh kung ganoon senyorito ay hindi na po dapat ako kasama dahil wala na naman po akong kailangang tulungan, hindi naman po pala kasama si sen-" agad niyang pinutol ang aking sinasabi gamit ng kaniyang masamang tingin

"Seems like you're forgetting who's the boss here, sinabi ko bang hindi kana sasama?"

"Hindi po" mahina kong tugon

"Then you'll come" inalis nito ang tingin sa akin at binalingan si Gio na ngingiti ngiti pa

"Drive now Gio bago pa tumalon ang isang to" natawa lalo si Gio sa sinabi ni Clifford at nagpasipop pa

Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig 🎶

Pag-awit pa nito gamit ang kaniyang Hindi magandang boses, sa katunayan ay masakit sa Tenga

"Stop f*cking singing Gio, just drive"

"Yes boss"

******************************

Madami kaming nilibot na lugar, magaganda lahat ng iyon, karamihan ah Hindi ko pa nararating. Oo nga't inililibot din naman ako ni Clifford dito noon ngunit hindi naman naging ganoong katagal ang aming pagsasama kaya't hindi rin namin napuntahan ang iba pang parte

"Ah Cliff-senyorito uuwi na po ba tayo?"

"No, we still have one place to go, that place si very important" tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi. Saan kaya ang lugar na iyon ay bakit importante?

Ilang sandali pa ay nakarating kami sa isang pamilyar na lugar, ang lugar kung saan niya kinuha ang aking unang halik, ang lugar na saksi aa kung paano niya napatunayan ang kaniyang nararamdaman sa akin, ang lugar kung saan niya ako inalok na mapang asawa. Naaalala niya ba? Kaya ba ito importante sa kaniya dahil sa mga rason na nasa isip ko?

"This place-"

"Naaalala mo?" Tanong ko rito na puno ng pag asa

"Yes, how can I forget?" Mas lalo akong nabuhayan ng pag-asa dahil aa kaniyang simanbit

"Kung ganoon ay -"

"How can I forget the place where I asked Triana to be my wife? Dito rin niya sinabi sakin ang tungkol kay Cronnix, our first born" sa kaniyang sinabi ay tila nawasak ng sobra ang aking puso, si Triana parin pala, kailan kaya magiging ako ulit? O baka naman kailan ba naging ako?

"Sobrang saya siguro ng pamilya niyo sir noh?" Nakangiting tanong ko dito kahit parang minamartilyo sa sakit ang aking puso.

"Yeah, we're happy" tumingo ito sa akin na tila ba inuusisa ang aking buong pagkatao

"Really happy" dugtong nito habang nakatingin ng deretso sa akin

Ngumiti na lamang ako sa kaniya at umiwas ng tingin "masaya po ako para sa inyo senyorito sana po ay mamuhay pa kayo sa hinaharap ng mas masaya"

Pagkasabi ko ng katagang iyon ay lumakad na ako palayo, hindi ko na siya hinintay pang magsalita, ayaw kong makita niya ang pagtulo ng aking luha baka lalo siyang magtaka, hindi ako pwedeng manghina sa harap niya

Habang naglalakad ako palayo ay may biglang humawak ng mahigpit sa aking kamay. Pagkaharap ko ay nakita ko si Clifford na matiim na nakatitig sa akin

"Bakit po?"

"Who are you really?" Nagtaka ako sa kaniyang tanong, hanggang ngayon ba ay pinagdududahan parin niya ako gaya noong sa hospital?

"Ako po si Azulan senyo-"

"D*mn I'm not asking for your f*cking name just f*cking tell me who are you?" Ano bang ibig niyang sabihin sa katagang kaniyang sinambit? Hindi ko maintindihan dahil Azulan naman talaga ang pangalan ko ngunit parang nagalit siya noong sinabi ko iyon

"Ano po bang meron senyorito? Si Azulan po ako katulong po sa bahay niyo, kung iniisip niyo po ang nangyari noon kalimutan niyo na po yon hindi ko po sinasadya iyon" lumuluha kong sabi, hindi nalang puso ko ang masakit ngayon pati kamay ko na dahil sa higpit ng hawak ni Clifford

"Yeah you're just a maid but how can you f*cking explain what's happening to me- I shouldn't, you're ruining my plans in life" tila nahihirapan nitong sabi, ganito ba ang epekto ko sa kaniya? Na kung dati napapasaya ko siya ngayon ay pinapahirapan na?

"Pasensya na po senyorito kung ano man pong nagawa ko sa inyo patawad po talaga, umasa po kayo hindi ko na po kayo lalapitan sa mga susunod na araw, salamat po" saad ko at pilit kinalas ang pagkakahawak niya sa akin, pasalamat na lamang ako at binitawan narin niya

Isipin mo yon Azulan? Dati ay parte ka ng plano ngayon ay taga sira ka nalang.

****************************
Shot puno sa mga kasamang nangarap pero di kasama sa pagtupad🍻🥂

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon