Simula.

0 0 0
                                    

Mabilis kong pinatakbo ang aking Yamaha YZF-R15M pauwi dahil sa nakakaalarmang ibininalita sakin ni Zimon.

Na amb*sh ang SUV na sinasakyan ni Lolo mabuti nalang at agarang rumesponde ang mga alpha guards na nakasunod lamang Kaya hindi naasinta ng maayos ang SUV.

Halos kagagaling ko lang sa hospital at naalarma ako ng marinig ang balitang iyon.

Mahigpit na mag kaaway ang mga Monte at Valdez sa negosyo at sa politika. Hindi kataka takang sila rin ang ang dahilan kung bakit may aksidente na nagaganap malapit sa amin mukang mangyayaring frame up na magaganap!

Pag kababa ko sa motor dali dali akong pumasok sa mansion. Naabutan ko nga roon si Lolo na nakaupo sa sofa. Ang mga bodyguards ay nag kalat at nakapwesto kung saan saan. Ang nurse ay chinecheck ang kanyang kalagayan at si Dway at Zimon naman ay nakatingin sa laptop na may kung anong minamanipula.

"Hija!" Si Lolo na agad kong dinaluhan para yakapin ng mahigpit. "I'm fine don't worry"

Pag aalu nya sakin. Mabilis akong tumango sa kanya at yinakap ulit sya ng mahigpit.

"You need to rest muna po may ichecheck lang kami ni Zimon," sinenyasan ko ang dalawang nurse para alalayan si Lolo papuntang kwarto. Sumunod si Dway roon at naiwan kami ni Zimon.

"Ano nang plano mo?" Marahang tanong nya sakin.

Bumaling ako sa laptop na minanipula ni Dway Kanina nahack nya ang footage sa CCTV Banda sa pinangyarihan kaya Pinapanood ko ang kuha nito ngayon.

"Lint*k yang mga Valdez na iyan! Hindi na natahimik!"

"Noon pa man nangyayari na ang ganyang kaganapan mas lalong lumala ngayong pag kauwi mo."

"Wala namang nakakaalam sa katauhan ko hindi ba?" Lumingon ako sa kanya.

He nodded at me. "Wala ....hindi nila alam na may tagapag mana pa ang mga Monte."

"Mahihirapan tayo humanap ng butas sa mga iyan lalo na at marami silang kawanggawa sa mga tao rito. Nalalapit narin ang botohan sa pagiging gobernador at ang panganay ay tumatakbo sa posisyon, dagdagan pa ang bunsong babae ay ikakasal sa anak ng mga Fuego."

Mabilis akong napalingon sa huling sinabi nya. Fuego? Ikakasal?

"What?" Pag kukumpirma kong muli.

"Ipinag kasundo ng dalawang pamilya."

"And that he doesn't even know about her f*cking fiance?!" I growled like a an old man.

D*mn!

D*mn it!

Hindi talaga sya nag iisip! Kahit kailan ang hilig nya ipahamak ang sarili nya!

"I don't think that he knows his fiance very well. Alam mo ang ugali ng mga Fuego hindi sila basta basta nakikipag deal sa isang bagay lalo na kung hindi nila nagustuhan." Oh yeah I know that of course!

"Mahirap sang ayunan ang ganitong suliranin. Hindi tayo agad makakahanap ng solusyon. Ang Monte De Luis ang nangunguna sa asya na taga supply ng mga b*ril. Kung mag sasanib ang dalawang pamilya gagamitin ng mga Valdez ang kapangyarihang iyon upang mas lalong lumakas."

T*ngina talaga!

"Kung gusto mo makakuha ng impormasyon ang natatanging solusyon lamang ay ang mapalapit ka sa nag iisang anak ng Fuego, ipatigil ang kasal o ang akitin ang panganay ng mga Valdez... Pag isipan mong mabuti!" Napapikit ako sa sinabi nya.

Ayoko na maenvolve pa sa taong iyon.

"May event mamaya ang mga elite na yan malapit sa kanilang building. You can check them first before we proceed on our mission." Saad nya saka umalis.

Hindi ko na alam kung ano ang maaring paraan para itigil ang kasal.

Dahil kahit papaano, ayoko parin syang mapahamak.

Naghanda ako at pinuntahan nga ang event ng mga elite group.

Sa entrance palang unang bumungad sakin ang mga luxury car's. Aston Martin, Lamborghini, MC laren, Ferrari at iba't ibang brand.

"Ano to payabangan?" Tanong ko sa suot na earpiece konektado lamang kay Zimon.

"Just like that." Marahan nyang tugon.

Ibinalik ko ang tingin sa isang mestisong nakaupo sa VIP seats pinapalibutan ng mga babae.

"Joshren Dela Cruz, iyan ang kausap nya ay ang si Uno lacuesta. Mga kaibigan ni Thallus kier Valdez."

I need to check that.

Aalamin ko ang lahat ng iyon mamaya.

Ibinaba ko ang wine na iniinom ko at marahang hinawi ang buhok pabalik sa dating ayos. Ang suot kong backless v cut skirt paired with fitted jeans and boots ang mas lalong nagpapalabas ng dark feminine na tinatago sa kaloob looban.

Napansin ako ng isa sa mga bisita roon kaya ngumiti ako at mabilis na kumindat.

Pagbalik ng tingin ko sa kabila, hindi ko inaasahan ang bungad sa akin.

His brown eyes looking at me intently. Madilim tila galit na galit.

Nakatupi ang polo na suot hanggang siko na nagpapalabas sa maugat nyang kamay. Ang suot nyang slacks na itim ay hindi kaluwagan tama lang at brown leather shoes. Nagmumuka syang modelo. May hawak syang whiskey sa kaliwang kamay at ang kanan ay nasa nakapamulsa.

Walang duda.

Engineer Trius EL Fuego. Is Infront of me!

BURN ME WITH YOUR LOVEWhere stories live. Discover now