Anger
Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya at ibinaling sa isang mestisong nakatingin sakin mula pa kanina. Nginitian ko lamang iyon at ibinaling din sa iba.
Pinagmasdan ko ang mga taong imbitado roon. Maraming mga kilalang tao at kung iisipin party ito ng mga mayayaman.
Maraming koneksyon ang mga Valdez kaya hindi kataka taka na apple of the eye ang panganay nila. Pero kung tutuusin Fuego parin ang nangunguna.
I looked again on the other side, hindi na napansin na nakalapit na pala sakin ang lalaking mestisong iyon. Singkit ang mata matangos ang ilong, naka pormal ang suot at maayos ang pasada ng buhok.
Ngumiti sya sakin at naglahad ng kamay, "You Seems so lonely here, mag isa kalang?" Inabot ko ang kamay ko at makipag shake hands sa kanya saka agad binitawan.
Tumango lamang ako sa kanya at ngumiti.
"By the way Sean Dewis,"
"Elixa Rohen." He mouthed a big "O" then looked at me head to foot.
"Sabi na nga ba kaya pala muka kang pamilyar sakin."
"Really?" Now i got so confused.
"Yes, madalas kitang napapansin abroad. Siguro hindi mo ako nakikita pero ikaw napapansin ko and sino ba ang hindi nakakakilala sa nag iisang Doctor na Architect pa? Your background is so f*cking good!" Pareho kaming natawa sa sinabi nya.
And boy! He's eyes look so cute lalo na kapag ngumingiti!
"Should I take that as a compliment?"
Humalakhak ulit sya, "You can say that?"
Nahagip ko ulit ang tingin banda sa Fuego na iyon. May mga kausap syang iilang Engineer din at isang babae pero ang tingin nya ay nasa sa akin.
Problema nya?
"You were the CEO of the Luis Prime Company?" Ibinaling ko ulit ang atensyon sa kanya.
"Yes"
"Kilalang kilala ang pangalan mo rito, maraming tycoon ang pinag uusapan ka at ang pag angat ng kompanya mo, kung tutuusin nasasapawan mo na ang Valdez."
"I don't think so, maraming koneksyon ang pamilyang iyan at hindi lang naman sa real estate nakatuon ang negosyo nila."
"Well hindi mo iyan masasabi lalo na at nagkakaproblema ang kompanya nila ngayon." Ininom nya ang whiskey na dala, at lumapit ng kaunti sa akin.
"I heard, maraming nag back out na investors sa bagong project at ang iba gusto pa silang kasuhan ng estafa" he whispered.
"Why?"
"I don't know " nag kibit balikat sya sa akin. "Something fishy nga e, ilegal yata ang iba kaya ganoon." He sighed.
"I'll check him." I heard Zimon on earpiece, nakikinig rin pala ito.
"Anyway -" natigil kami sa pag uusap ng may biglang tumabi sakin at hinawakan ang aking braso.
Galit na galit ang mga mata, nag eeskrima ang kilay at kunot ang noo.
"Engineer, kamusta?" Si Sean na nakangiti.
"I'm fine, you may leave now, we have something else to talk about. He said coldly. This br*te! Napanis tuloy ang ngiti ni Sean.
"Oh okay." Marahan nyang tugon saka ngumiti sakin. "Bye for now Doc. Architect, Later? He winked at me, I smiled at him.
Umalis sya kaagad at iniwan kaming dalawa roon.
Now I turned to him. He looked so pissed.
"What are you doing here?" Oh diba bungad nya agad.
"Sociali-"
"You're not invited here!" Hindi nyako pinatapos! Pigilan nyoko masas*pak ko ito!
"Well, i invited myself." I smiled and winked at him.
Pumikit sya ng mariin at hinilot ang sintido.
Yung Lolo nyo oh nagagalit!
"Mag usap tayo!" Galit na titig muli ang ipinukol nya sakin. Inalis ko ang aking braso sa kanyang pag kakahawak.
"Nag uusap na tayo." I said sarcastic.
"In a private-"
"For what?" Bumaling ako sa malayo at napansin ang pag tayo ni kier Valdez.
Lumipat ito sa pinakamadilim na pwesto ng mga VIP at roon nakipag kwentuhan. Hindi ko na napansin na tinitingnan din pala ng mayabang na ito ang tinitingnan ko kaya bumaling ako sa kanya.
"What are you looking at?" He asked me.
Umismid ako, "A disappointment."
Kumunot ang noo nya at hinarang ako ng nagsimula akong humakbang paalis.
"What the f*ck did you say?" Oh ayan magwawala na.
"Bingi ka?"
"You said a meaningful word to me!"
"Hindi ko alam na matatamaan ka sa sinabi ko kahit obviously naman na wala akong sinasabing pangalan!"
"Ako lang ang kausap mo bakit hindi ako magtataka?"
"As long as i didn't mention any other names, you're not allowed to react that way, Engineer."
"You're not funny!"
"Never said i was." Sarkastiko kong sinabi. Gulat sya sa sinabi ko at mas lalo ko pa yatang inasar.
I heard Zimon cough, nakalimutan kong may suot pala akong earpiece.
Umalis ako sa harap nya iniwan sya roon. Pumunta ako malapit sa pwesto ni kier at sa matandang kausap upang makasagap ng impormasyon pero masyadong maingat ang music na pinapatugtog ng DJ kaya wala akong gaanong marinig.
Hindi ko na rin nakita ang Fuego na iyon hindi na yata sumunod.
YOU ARE READING
BURN ME WITH YOUR LOVE
RomanceQian luvien Monte is another name for Elixa vien Rohen. Son of a former agent who fled to a quiet life in concealment. Especially after her parents passed away, she used to stay alone. She believed she was the sole member of the family still alive...