Chapter 8

298 7 0
                                    

KAGAYA ng sabi ni Marvey, bumalik ito sa kuwarto ni Apple pagkalipas ng dalawang oras. Ang totoo ay hindi siya nakapagpahinga. Nahiga siya sa malambot na kama pero hindi siya makatulog. 

She was so anxious about her rendezvous with him. Rendezvous? Napangiti siya sa ginamit na deskripsiyon sa pagkikita nilang iyon.

"Parang ang sarap ng halo-halo," natatakam na sabi niya habang nakatingin siya sa katabi nilang mesa. Kabababa lang ng waiter ng halo-halo na order ng mga foreigners na nakaupo roon. Dahil transparent ang kinalalagyan niyon ay kita niya ang mga sangkap ng halo-halo. Katulad ng ice cream, matagal na rin siyang hindi nakakatikim niyon.

Narinig niyang tinawag nito ang isang waiter. Um- order ito ng halo-halo.

"Huwag!" pigil niya rito. Napatingin ito sa kanya. "Akala ko ba, gusto mo ng halo-halo?"

Tiningnan niya ang halo-halo. Parang nag-echo sa kanyang tainga ang mahigpit na pagsaway ng mommy niya na huwag siyang tumikhim ng kahit anong malamig na posibleng makasira sa boses niya. Napabuntong- hininga siya at saka umiling. 

"Kahit gusto ko, hindi puwede," malungkot na sabi niya. It was the price she had to pay. 

"Bakit naman?"

"Baka masira ang boses ko."

"Masisira ba ng isang basong halo-halo ang boses mo?" 

Napatingin siya rito. Tatawa-tawa ito. 

"What is so funny?" nakataas ang isang kilay na sabi niya. Kahit ayaw niyang aminin sa sarili, unti-unti siyang nare-relax sa kompanya nito. Kanina ay "Mr. Zablan" pa ang tawag niya rito. But he convinced her enough that "Marvey" would be okay. Kaya kahit ito ang top man ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya, first-name basis kung tawagin niya ito.

Sa halip na sagutin siya nito ay bumaling ito sa waiter na kanina pa pala naghihintay sa order nila. Kahit anong pigil ang gawin niya ay um-order ito ng dalawang halo-halo special.

"Hindi ko kakainin ang in-order mo," aniyang sinimangutan ito.

"Let's see." Ngiting-ngiti ito. Maging ang mga mata nito ay tila nanunudyo.

Napailing siya. Hindi niya inakalang ganoon pala kakulit ang lalaking ito. Kung titingnan kasi ito ay parang seryosung-seryoso ito sa buhay. Pero may itinatago pala itong kakulitan.

Nang dumating ang in-order nitong halo-halo ay kumutsara ito ng ice cream na ube flavor na nasa ibabaw. Ang para sa kanya naman ay ibinaba ng waiter sa mismong tapat niya. Naamoy niya ang inihalong gatas doon.

"Ang sarap!" exaggerated na sabi ni Marvey. Even his facial expression was exaggerated.

She rolled her eyes. Desidido siyang patunayan dito na hindi siya basta-basta bibigay sa panunukso nito.

"Ayaw mo ba talagang tikman, Apple? This is the best halo-halo I've ever tasted. Kompleto sa sangkap. Yummy."

Pinanood niya itong kumain. Para ngang sarap na sarap ito. He even licked his lips. Nakailang subo pa ito bago siya hindi nakatiis. Padarag na dinampot niya ang kanyang kutsarita, kumuha ng ice cream at tinikman iyon. Napapikit siya nang maramdaman niya ang lamig sa loob ng kanyang bibig. It slowly melted in her mouth. She felt heavenly.

"Bakit hindi kaya advertising ang pinasok mo, Mr. Zablan? I'm sure, magki-click ka sa field na iyon. Ang galing ng convincing power mo, eh," sabi niya habang hinahalo niya ang halo-halo. Sa dami ng sangkap na ube niyon ay naging violet ang kulay niyon. Lalo tuloy siyang natakam.

Nakailang subo siya ng halo-halo bago niya ito tiningnan. Siguro ay hindi na niya makakalimutan pa ang hitsura nito habang nakatingin sa kanya. Nakangiti at nakatitig ito sa kanya. But she had the notion he couldn't really see her. Para bang nananaginip ang hitsura nito.

Les Hommes d' Affaires Series 1 - Marvey ZablanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon