"A-ANO ang dapat nating pag-usapan?" nabubulol na tanong ni Apple.
Sa halip na sumagot ay humila si Marvey ng upuan sa tabi niya at umupo roon. Ibinaba nito ang dalang folder sa mesa sa tapat niya. "Draft of the contract," he said.
"Nagpadala ka na ng draft kay Tita Fides. We agreed. Kaya nga may contract signing tayo ngayon," paalala niya rito.
"Hindi ba niya sinabi sa iyo na may mga binago ako sa kontrata?"
Umiling siya. Imposibleng hindi iyon sasabihin sa kanya ni Tita Fides. Tiningnan niya nang diretso sa mga mata si Marvey. Nangingislap ang mga mata ito.
"Quit playing games, Mr. Zablan."
"I am not playing games with you." Itinuro nito ang folder sa harap niya. "See for yourself."
Nanginginig ang kamay niya nang simulan niyang buklatin ang folder. Iilang salita pa lang ang nababasa niya ay isinara na uli niya iyon.
"T-that is not a contract. Nagkamali ka yata ng nadala."
"Oh!" eksaheradong sabi nito. Kinuha nito ang folder at binuksan iyon. Pagkatapos ay nakangiting bumaling uli sa kanya. "I got the right one."
Tumayo siya. She would not just sit there and listen to him. Hinawakan nito ang kamay niya.
"Come on, Apple. Don't you want to marry me?"
Totoong ikinabigla niya ang narinig. Kanina pa siya nasa-shock sa mga pangyayari. Isang marriage contract ang nilalaman ng folder na ibinigay nito sa kanya. Kung paano ito nakakuha ng ganoon ay hindi na niya gustong alamin pa. Sure, he had connections.
"Will you marry me, Apple?"
"W-why would I marry you?"
"Dahil mahal mo ako."
Nanlaki ang kanyang mga mata at tumaas ang boses niya nang magsalita.
"At sino'ng nagsabi sa iyo ng kalokohang iyan?"
Nginitian siya nito. Tumayo ito pero hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay niya. "I guess mali ang sagot ko sa tanong mo." Pinakatitigan siya nito.
"Marry me, Apple, because I love you."
"A-ano'ng sinabi mo?"
"I said I love you. Mahal kita, Apple. Pumayag ka nang magpakasal tayo dahil hindi ko kaya na iniiwasan mo ako."
"M-mahal mo ako? How could that be possible?" Umiling-iling siya. Nagkakandabuhul-buhol na yata ang paghinga niya.
"Why would it be impossible for me to fall in love with you?" balik-tanong nito sa kanya.
"Pero nangyari lang ang lahat sa atin dahil gusto mong mapapirma ako ng kontrata sa Zablan Music, 'di ba? Pinlano mo ang lahat. Hindi mo ikinaila ang tungkol doon. And there's no way you can deny it now."
"I didn't deny it because it is true. Totoong pinlano kong magsolo tayo sa Boracay para kumbinsihin ka."
Tinangka niyang hilahin ang kamay niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito roon. "Listen to me, Apple." Hinaplos ng isang kamay nito ang pisngi niya. And she could literally feel her knees melting.
"Pinlano kong kumbinsihin ka na pumirma ng kontrata sa Zablan Music. Why would you take it against me? I am a businessman."
Natigilan siya. Bakit nga ba niya isisisi iyon dito? Alam niya ang posisyon nito sa kompanya. Lahat ng ginagawa nito ay para sa ikabubuti ng kompanyang kumalinga sa kanya sa nakalipas na ilang taon.
"After the Boracay vacation, hindi ka na nawala sa isip ko. Hindi mo lang alam kung paano ako parang maloloko na hindi mo ako kinakausap."
"Ang dapat mong ginawa ay magpa-presscon at ipaliwanag ang tungkol sa article ni Felice Tantoco," hindi napigilang sumbat niya rito.
"At ano'ng isasagot ko sa itatanong ng press people tungkol sa ating dalawa? I can't deny that something happened to us in Boracay, can I? What if they ask me how I feel about you? Ayokong sila ang unang makaalam tungkol sa damdamin ko para sa iyo. Masisira ang diskarte kong magtapat sa iyo."
"A-and what exactly do you feel for me?" God! She could see the answer in his eyes. Hindi pa man ay nalulunod na siya sa sobrang kaligayahan.
"I love you," madamdaming pahayag nito.
Pumatak ang kanyang mga luha. Hindi niya napigil iyon. Totoo pala ang tears of joy.
"Sshh!" saway nito sa kanya. Ipinulupot nito sa kanyang baywang ang braso nito.
"Ayokong makita kang umiiyak. I promise myself I will make you happy for the rest of my life."
"B-bakit ako maniniwala sa iyo, Marvey?" tanong niya.
"Dahil nagsasabi ako ng totoo," sagot nito. "Kung hindi ka pa rin naniniwala, hintayin natin ang alas-tres. I will announce to everybody that we're getting married. Nasisiguro kong anumang hindi magandang isyu tungkol sa atin ay mawawala na."
"What about the contract signing?" naguguluhan pa ring tanong niya.
Bumuntong-hininga ito. "We will still sign the contract. Alam ko namang hindi mo basta maigi-give up ang singing career mo. And I won't take it against you. Ang gusto ko lang ay masigurong akin ka habang ipinagpapatuloy mo ang career mo. But by the time you're ready to be my wife, sana ako na lang ang maging priority mo. And, of course, ang mga magiging anak natin."
"That is selfishness." Napangiti na siya. Ang hirap palang pigilin kapag sobrang saya ng isang tao.
"Can you blame me?" Titig na titig ito sa kanya. "Malaki ang mawawala sa kompanya n'yo kapag hindi na ako nag-renew ng kontrata. I am your gold mine."
Pumalatak ito. "That is how much I love you. Malaki ang mawawala sa kompanya. But I will gain my profit as your husband."
"Paano mo naman nasabi iyon?"
"I am a wise businessman, Apple. I know a sure nvestment when I see one. At noong nakita kita, alam Cong habang-buhay akong magiging masaya kasama ka." Inangkin nito ang kanyang mga labi.
Buong-puso niyang tinugon ang halik nito. Wala na siyang dahilan para magpakipot pa.
"A-ano na lang ang sasabihin ng papa mo?" kapagkuwan ay sabi niya. Tinitigan siya nito. Punung-puno ng pagmamahal ang mga mata nito.
"Believe me, sasabihin niyang ikaw ang pinakamagandang investment na pinuhunanan ko."
"Ano naman kaya ang sasabihin ng mga magulang ko tungkol dito?" aniya nang maalalang darating din doon ang mga magulang at mga kapatid niya.
"Alam na nila. Nauna na akong namanhikan sa kanila."
"Pumayag si Mommy?" gulat na sabi niya.
"You know what a successful businessmen have in common?" wika nito na hindi sinagot ang tanong niya. Umiling siya. Wala naman siyang alam sa pagnenegosyo.
Inilapit nito ang bibig nito sa tainga niya. "The power to convince. At mayroon ako noon, honey. I convinced them that I would be the best husband for you."
"Ang yabang mo..." But she silently agreed. Dahil nang mga sandaling iyon, kumbinsidung-kumbinsido siya sa mga salita nito.
"Let me you hold you like this, Apple. Mamaya ay darating ang mga imbitado sa presscon. Hindi na kita masosolo pa." Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. Naramdaman niyang hinahalik-halikan nito ang buhok niya.
"What would you tell the press people?"
Inilayo siya nito nang bahagya. Nagtama ang kanilang mga mata. "Sasabihin ko sa kanilang pakakasalan kita at mamahalin kita habang-buhay."
Ngumiti siya at kapagkuwan ay niyakap ito nang mahigpit.
Ilang sandali pa at isa-isa nang nagsidatingan ang mga press people. At sa harap nga ng mga ito ay sinabi ni Marvey ang mga eksaktong katagang iyon.
Nang tanungin siya kung pumapayag ba siyang magpakasal dito ay tumataginting na "oo" ang isinagot niya. Wala nang nagtanong pa pagkatapos niyon.
Everyone just dreamily sighed at such a wonderful story of their love.
❤️***WAKAS***❤️
BINABASA MO ANG
Les Hommes d' Affaires Series 1 - Marvey Zablan
RomantikA Novel By Sharmaine Galvez "I know a sure investment when I see one. At noong nakita kita, alam kong habang-buhay akong magiging masaya kasama ka dahil ikaw ang pinaka-magandang pinuhunanan ko." Hindi makapaniwala si Apple na kasama niya sa Boracay...