•••***•••" love, wake up.. " mahina kong ginising si Sarah. Maaga akong aalis para sa isang engagement. I have to go kahit na alam kong may dapat kaming puntahan ni Sarah , ngayon..
"Hmmm.. alis ka na?" She's asking me pero nakapikit pa ito. Kaya minabuti ko na lang na maupo muna sa gilid ng kama namin. .
It's been 2 weeks simula nung bumalik kami from Italy, at nagsimula na din kaming tumanggap ng trabaho. . "I'm not yet sure kung anong oras matatapos ang training namin sa camp, pero hahabol ako- -
" wag na. . " walang emosyong sagot nito. Alam kong nagtatampo ito. But I have obligations with the Army also.. I couldn't just not go and re-schedule the said training.
" lovey.. " sinubukang kong gawaran ito ng halik pero tumalikod lang ito sa akin.. " I'm sorry.. " tanging sambit ko , tumayo ako sabay dukwang at halik sa ulo nito. . "Love.. baby ko.. "
" ingat. "
" you know I can't go knowing na galit ka sa akin. Hindi ako makakaalis nito - - lovey.. " she covered herself with our duvet. . "Im going.. " sabi ko na lang at malungkot na umalis ng kwarto. .
Kung bakit kasi nagsabay pa ang training ko at ang supposed na lakad namin ni Sarah. .We were supposed to visit a very dear friend of ours. . At ngayon lang din ito bakante dahil paalis na ito patungong Australia, . Matagal na nila itong plinano, but then this training happened. .
Dumaan muna akong kusina para mag check ng inihahandang breakfast nila, plus I need my coffee.
" manang, dont forget to wake Sarah up to eat her breakfast. Mga 7 siguro. "
" ok po sir. Paghahanda ko po kayong almusal?"
" hindi na po, itong kape lang. ok na. "
" ah sige ho."
" we have avocado ba dyan?"
" opo.. "
" gusto ni sarah yan, . Gusto nya yan with egg ."
" gawan ko po syang avo toast mamaya, para mainit init pa yung tinapay at itlog. "
" sige., and her juice, vitamins , please remind her to take them"
" yup! Kami na po bahalang mag baby kay ma'am" sabi nito sabay tawa. Kasi nakikita nila kung paano kong binibeybi masyado si Sarah. Kulang na nga lang subuan ko ang asawa ko eh.
After kong maubos ang kape,dumiretso na akong garahe..
" sir, ready na po ang sasakyan. "
" i'll drive na lang. Walang driver si Sarah , mamaya. Ipag drive mo sya."
" sige po sir. "
" and don't forget to update me. Kung san kayo pupunta, sino-sino kasama"
" yes sir! "
" and please be extra careful sa pagmaneho. "
" opo naman sir. Doble ingat po lalo na at si Ma'am Sarah, kasama. "
" ok , thanks. "
It's still 6 in the morning, and training will start at 7. Kailangan ko lang bilisan at nang matapos kami agad sa gayon makasama ako sa lakad nina Sarah. .
Maingat akong nagmaneho, at ang bigat ng pakiramdam ko,. Hindi ako sanay na galit or nagtatampo si Sarah sa akin. Hindi ako sanay na hindi sya ang naghahanda ng agahan ko. At lalong hindi ako sanay na di sya kasabay mag agahan. Kaya kahit anong pilit ko na maging magaan ang byahe, hindi ko magawa.