40

778 11 0
                                    

Isang malalakas na putok ang namayani dito sa loob ng mansyon, hindi namin gaano nakikita kung sino ang mga naandito kasi hindi pa din bumabalik ang kuryente.

" Sh*t these black swan is a piece of sh*t, they give me headache" saad ni Waven na ngayon ay nasa harap ko.

" Ano bang relasyon niyo jan sa black swan na yan?, At kayo yung pinag bubuntungan ng galit?" Tanong ko.

" They're my dad's friends, but binabaliktad nila kami, every shity they do, kami ang may kasalanan, cause they are so powerful" saad niya at binaril ang taong nasa harap niya.

" Makapangyarihan din naman kayo ah " i said and change the magazine.

" Yeah, but not as powerful as the black swans" saad niya.

" Fvck, I'm out of magazines" saad nito.

" Ubos na din bala ko!" Saad ko din tumingin naman ito saakin.

" Give me your gun, stay close to me, I'll protect you from any cause" saad nito, wala naman akong nagawa at ibinigay sakanya ang baril.

Dahan dahan kaming pumasok sa isang silid dito sa loob, the mansion is so big kaya kung saan saan na kami nakarating.

" Ubos na ang bala " saad niya kaya naman napataranta ako.

" What?!, What we gonna do now?!, Yan kasi hindi ka nagdadala ng extra bala!" Sermon ko sakanya.

" Pwede bang mamaya kana mag sermon asawa ko?, We need to get out of here " saad niya.

" Pano?, Eh wala na nga tayong bala, anong gagawin mo sasagupain mo yung mga bala?" Saad ko.

" We need a plan wife, we're not gonna die, kaya chill kalang jan" patawang saad niya.

Aba tarantado toh ah!

" Wala naman akong sinabi na mamamatay tayo " saad ko at inirapan siya.

" Just be quiet and help to figure out how we got out here" saad niya.

Nakaramdam naman ako ng isang kamay na nakahawak sa braso ko, sisigaw na sana ako ng biglang may nilagay ito na panyo at inilagay sa ilong ko.

Waven!, Help!

⁠✿⁠⁠✿⁠⁠✿⁠⁠✿⁠⁠✿⁠⁠✿⁠⁠✿⁠⁠✿⁠⁠✿⁠⁠✿⁠

Someone's P.O.V

NAGTAKA ang binata ng walang sumagot sakanya, inilingon niya ang kanyang sarili at napagtanto na wala na ang kanyang sa asawa sa kanyang likuran.

" Sh*t Sahaya where are you!" Sigaw ng binata at nagmamadaling lumabas upang hanapin ang kanyang asawa.

Ilang oras din naghahanap ang binata at hindi pa din nito nakita ang kanyang asawa, nakaramdam ito ng presensya sa kanyang likuran kaya inilingon niya ito.

Tatlong armadong lalaking nasa kanyang harapan.

" San niyo siya dinala?!" Galit na sigaw nito sa mga lalaki.

" Gusto mo siyang makita?, Sumama ka saamin ng maayos at makikita mo siya " usal ng lalaki.

Napa kuyom naman ng kamay ang binata at ngumisi sakanila.

" I'm not stupid jerk " saad niya at sumugod sa lalaki.

Sipa, suntok lang ang ginawa niya, hanggang sa isa nalang ang natira.

Pinulot nito ang baril na nasa sahig at tinutok ito sa lalaking nagsalita kanina.

" Now tell me, where is she?, Or else sasabog yang utak mo dito " matiim na saad nito.

Hiding The CEO's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon