Chapter 5

2 2 1
                                    

It feels so good. Ang peaceful ng paligid. I'm really happy na magbabakasyon kami ngayon sa hacienda. Makakapagrelax na ako kahit sandali. Si Calyx lang nga yung naiisip ko na mamimiss ko.

Matagal naman na akong nangungulila kay Cal. Pakiramdam ko nga ang weird ko na. Nakakainis. Bakit ko ba kasi nagustuhan yung kaibigan ko?

Yori texted me a while ago, tinatanong kung nasaan ako. I replied, telling him I'm going on a vacation. Sabi niya kasi, nasa labas sila ni Sel ng bahay namin, but there's no one there. I told him na sabihin nalang kay Sel.

I'm happy na nagiging close na ni Yori si Sel. Nakaraan pa kaming tatlo laying magakakasama at may nararamdaman na talaga akong something sa kanila.

Sanaol nalang.

"Amaris, horse riding tayo!" Tawag ni Ate Polaris.

***

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang ulan na tumutulo mula sa itaas. Kinailangan naming pumasok sa loob ng villa kasi biglang bumuhos yung ulan.

Nagpaalam ako kila Mommy na papasok ako sa loob ng kwarto ko. May mga sarili kaming kwarto ditong magkakapatid, kasi bata palang kami ay lagi na kaming nagbabakasyon dito.

Magbababad muna ako sa jacuzzi. Ang lamig kasi ng panahon.

I was scrolling down my ig feed, but I felt annoyed when I saw Alyssana's post. She was with Calyx. From what I saw, hindi naman sila nagdate ata eh. May meeting silang officers, tapos siyempre magfefeelingera si ate girl kay Calyx.

Maraming comments ang bumungad sa post ni Alyssana. Puro mga 'slay queen' at mga 'sanaol nakasungkit ng pogi' yung comments.

Alyssana Raqcuel has a lot of friends. Kaya lang, no offense pero halata namang namamlastik lang sila para sa pera at fame.

I got bored in my ig feed kaya lumipat ako sa twitter. Bumungad sa akin agad yung mga tweet ni Calyx, Yori, At Selena. Yung mga tweets ng love birds puro mga kilig moments tapos mga interaction nila. Nakakabwisit yung kiligan nila. Sanaol.

Si Calyx naman, panay ang tweet ng 'imy'. May mga comment pa si Yori, puro 'omsim' lang naman sinasabi. Gago talaga.

When I got bored again, I took selfies at tiningnan rin ang mga pictures namin kanina nang maghorse riding kami. Pati yung view ng hacienda. Grabe, ang ganda talaga dito. Parang Camp John Hay sa Baguio yung vibes niya.

After I checked, nagpost ako sa Instagram. Hindi ko rin maitatanggi na medyo marami akong followers. Eh bakit ba, kasalanan ko bang maganda ako.

Tumayo na ako mula sa jacuzzi at nagsuot na ng maayos na damit. Malamig ngayon kaya naghoodie ako tapos shorts.

I ended up spending my time inside the room, my laziness enveloping me. Nanood lang ako ng kdramas, but I couldn't stand watching Happiness without Calyx beside me. So switched in another kdrama.

I heard a knock from my door, it was Ate Polaris. "There's someone outside looking for you, Amaris. Bilisan mo."

I became excited since kanina pa ako nakasalampak sa higaan ko. Baka si Yori 'yon or si Sel. Baka si Jaile. Or si Calyx. Ewan.

Okay naman na akong makita si Calyx ngayon. Naiilang lang ako kasi ang tagal naming hindi nagpapansinan.

Napahinto ako sa gulat nang masilayan si Calyx, nakahoodie nanaman. Nag-aantay siya habang nakaupo sa couch. I didn't actually expect to see him here.

"Isabelle," his familiar voice echoing, the one I missed.

I felt so speechless. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Follow me."

I led him to my room. Which pumasok naman siya. I closed the door, and after, nagtitigan lang kami. We just stared each other for almost a minute. I didn't want to do this but I couldn't resist.

Shet, nakaraan pa ako nangungulila.

Saktong kumilos ako ay kumilos rin siya. Agad Kong sinalampak ang katawan ko sa kaniya.

We hugged. I really missed him so much. Hindi ko alam paano niya nalaman na nandito kami sa hacienda since I didn't tell him, but still, I'm glad he's here.

We ended up watching Happiness again together, and I recommended other more kdramas para maiba at makanood kami ng something new.

I felt so happy. Hindi namin pinag-usapan yung naming away. Basta nagyakapan lang kami alam na namin 'yon. Matic na. Bati na.

Smile TodayWhere stories live. Discover now