Prologue

45 4 1
                                    

"Wow! Magkakaeclipse ulit mamaya."



Masayang sabi ko habang hinihigop ang mainit na kape. Nagkibit balikat lang ang bestfriend kong si Ingrid at bumalik na sa pag-aayos ng kuko niya. Hindi na bago sa'kin ang pagiging maarte niya. Paano ba naman, simula ng ipanganak kami ay kasama ko na siya.



"Nagreply na ba?" Pag-iiba niya sa usapan. "Hindi pa nga eh." Malungkot na sagot ko.



Kanina ko pa rin hinihintay ang reply ni Xavier. Siya ang head engineer ng kumpanyang pinapasukan ko. Boss ko siya sa loob ng opisina pero sa labas ay boyfriend ko siya. Syempre, hindi pwedeng malaman ng iba dahil panigurado ay matatanggalan ako ng trabaho.



"Teka, hindi pa nga pala ako nakakapaghanda ng damit ko para mamaya. Jusko!" Pag-aalala ko at dali daling pumunta sa kwarto para humanap ng damit. "Ayan kasi, masyado kang naghihintay sa reply ng taong 'di ka naman ma-flex at maipagmalaki." Pagsusungit ni Ingrid.



Aba, bastos 'to ah! Bakit naman kailangan umatake ng gano'n? Akala mo naman ang ganda ng lovelife niya eh hindi nga siya makaamin sa kuya ko.



"Tutulungan na kita maghanap. You're so baduy pa naman." Sabi niya. "Alam mo, sumusobra ka na ha! Pasalamat ka, mahal kita kundi nasabunutan na kita." Sarkastikong sambit ko. Ngumisi lang siya.



Dali dali akong nagpunta sa kotse ko at pinaandar ito. Sana naman ay hindi traffic sa EDSA ngayon. Hindi ako pwedeng ma-late sa event na gaganapin mamaya. Wala rin akong kaide-ideya kung para saan ang party pero kailangan raw pumunta dahil may importanteng announcement.



Nakarating ako sa venue na marami ng tao. Agad hinanap ng mata ko ang boss slash boyfriend ko pero hindi ko siya mahagilap. Kumuha na lang ako ng wine at umupo sa bakanteng upuan. Maya maya pa ay nasulyapan ko si Xavier. Agad akong tumayo at hinabol ito.



"Xavier!" Tawag ko rito. Lumingon siya sakin ngunit hindi nagpakita ng kahit anong reaksyon. Bigla na lang siya tumalikod at umaktong parang hindi ako kilala. Anong problema no'n?



Napabalik ako sa reyalidad ng biglang may nagsalita sa mikropono. "Good evening, ladies and gentlemen." Bati ni Mr. Sanchez, tatay ni Xavier.



"I am pleased to announce the engagement of my son, Xavier Sanchez and Miss Sydney Gutierrez."



Oh.



Nagpalakpakan ang mga tao at ang iba ay naghiyawan. Habang ako ay hindi malaman kung paano pipigilan ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.



"Congrats, Xavier – I mean, Engr. Sanchez!" Bati ko habang pilit pa rin sa pagpigil ng luha ko.



"Lynea..." Banggit nito at bakas sa boses niya ang lungkot at pag-aalala.



"Mauuna na ako." Pagpipigil ko sa kanya at binigyan ko siya ng pekeng ngiti.



Tumalikod ako at unti unting lumakad palayo.



Palayo sa taong pinakamamahal ko.



Palayo sa taong akala ko kasama ko sa pagbuo ng mga pangarap naming dalawa.



Palayo sa taong akala ko ay mapapangasawa ko...



...ngunit ngayon ay ikakasal na sa iba.

In the Shadow of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon