Prologue

10 1 0
                                        

"AHHH ang lamig ng tubig!" Sigaw 'ko nang buksan ko ang shower. Bakit kasi ang aga palagi ng pasok namin psh! I just ignored the coldness of the water and continued showering.  I can't be late, strict ang guard namin sa school.



"It's not your fault i ruined everything~" pagkanta 'ko. Damang-dama 'ko 'tong kanta ni Miley Cyrus, pero hindi pa nga ako nakakaranas ng lovelife eh hay buhay! Tinuloy 'ko lang ang pagkanta nang makarinig ako ng bulyaw sa labas ng banyo. 



"Bilisan mo siopao! Kapag ako na-late, aish." Pagalit na bulyaw ni Kuya Zaine. Kakapasok 'ko pa lang pinagmamadali agad eh, mainipin talaga 'tong si kuya. 



"Mama mo siopao" bulong 'ko sa aking sarili. Nagulantang ako nang biglang may sumagot. 



"Fiorella Limelle!" Dinig na dinig 'ko ang tining ng boses ni mommy. Ang hina na non ah! Minsan iniisip 'ko kung may kapangyarihan ba 'to si mommy e, ang talas ng pandinig jusmeyo! 



"Sarreh mammeh!" Sigaw 'ko pagbalik at binilisan na ang pagligo, delikado kapag nagalit ang dragon 'kong kuya psh. Paglabas 'ko ng banyo ay sumalubong agad ang apat na matang masasama ang tingin sa'kin. Nag-peace sign na lamang ako at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto 'ko. 



Nagbihis na ako at bumaba para mag-umagahan. Naabutan 'ko sina Mommy, Daddy, at Kuya Zaine na kumakain. Ampotchi hindi manlang ako hinintay! 



"Eat up Elle." Ma-awtoridad na sabi ni Dad. Agad akong tumango at naupo upang saluhan sila sa pagkain. Kumuha lang ako ng French Toast at Bacon. Hindi 'ko bet mag-kanin ngayon, P.E. namin eh. Binilisan 'ko ang pagkain dahil tapos na si Kuya Zaine, pagkaubos ay nagpaalam na ako kina Mom at Dad, at sumunod kay kuya. 



Mabilis magmaneho si kuya, kaya naman maaga kaming nakarating sa school. Nauna na ako papasok ng school dahil ip-park pa ni kuya yung kotse. Dumiretso na ako sa room at sumalampak sa aking upuan. Wala pa namang masiyadong tao kaya naidlip muna ako.





...

I saw a man's back facing me, then afterwards he turned to face me. Ocean eyes, dark presence, light-toned skin, perfectly carved jawline, pointy nose, plump lips, and six feet tall. Napasinghap ako nang lumapit siya, dahan-dahan akong umatras upang mapalayo sa kaniya. Pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay may nakapa akong harang sa aking likuran. I was strucked when he leaned forward at me.



"You.. not.. ordinary.." He whispered. But i didn't catch what he was saying. I only heared some words from his mouth and then he grinned at me. He then walked out and left me dumbfounded.



Akmang hahabulin 'ko na siya nang matisod ako sa libro..



"Fiorella Limelle Astley!" Agad akong nagising nang marinig 'ko ang boses na 'yon. Aish ang ingay talaga ng bunganga ni Hera!



"Ano ba?!" Inis na sigaw 'ko sa kaniya. Ngumiwi muna siya saglit at humakbang na papalapit sa akin.



"Gising na, padating na si Ma'am." Nakangiting sagot niya naman. Akala 'ko kung ano na! Tinanguan 'ko na lamang siya at umayos ng upo. Ngumiti na lang rin siya at bumalik na sa upuan niya.



Kami dapat ang seatmates ni Hera eh! Kaso sabi ng adviser namin ay masiyado raw kaming maingay kapag magkasama, kaya naman pinaglayo kami hay.



Itinuon 'ko ang aking pansin sa Adviser namin na naglalakad papasok kasama ang isang lalaki na kaedad lang rin namin. Infairness ang pogi ha! Anak kaya ni Ma'am?



"Good morning class, we have a new transferee today. Hijo, kindly introduce yourself infront." Iminuwestra ni  Ma'am Del Valle ang kamay niya sa harapan sabay lingon sa bagong estudiyante.



Tumango naman ito at nagsalita. "I'm Jude Nolverian Wood. 19 years old. Sleeping and drinking coffee is my cup of tea. That's all." Dire-diretsong pagpapakilala nito.



Ngumiti naman si Ma'am Del Valle at nagsalita. "You can sit beside Ms. Astley." Turo nito sa upuan na katabi 'ko. I can feel my blood going up my face kaya naman tinakpan 'ko ng panyo ang mukha ko. What the hell! Sa dinami-daming pwedeng pagtabihan ako pa?!



I saw Hera smirking in my peripheral vision, i simply took out my middle finger and raised it infront of her. She just chuckled and continued eyeing me and the transferee. Oh wait his name was Jude pala!



He sat beside me and didn't throw me a simple glance. What a jerk! Ni wala manlang hi? Or hello? Ang cold!



"Hi! I'm Fiorella Limelle Astley, it's my pleasure to have you as my seatmate!" Nilahad 'ko ang kamay 'ko at tinanggap niya naman ito. When our hands touched i felt something weird. It feels like we already knew each other or maybe not?



"It's my pleasure too, Fiorella." He said still pokerfaced. He seemed like a mystery to me. Cold and mysterious, huh.



I just focused on the class and ignored what i felt earlier.



The class was dismissed early, kaya naman dumiretso ako sa library para ibalik ang librong hiniram 'ko. I was about to go out but Jude entered the library. He was banging his head at every corner of the library like he was looking for someone and it suddenly stopped when he saw me.



Napahiyaw ako ng mahina nang makitang papalapit siya sa akin. Umatras ako palayo pero may nakaharang sa likod 'ko. Natulos ako sa kinatatayuan 'ko nang makitang nasa harapan 'ko na siya. He leaned down and whispered.



"You are not as ordinary as you think." Tinignan niya ako nang may nakakalokong ngiti sa kaniyang mukha.  He then walked out like nothing happened. This whole thing is familiar to me like it already happened..



Maybe because.. It already happened in my dream and he was the guy who was with me!



All Rights Reserved.
2023

Concealed DimensionsWhere stories live. Discover now