This is just a silly cliche high school love story hihi
Minjeong's POV"MINJEONG!!!"
Hays eto nanaman yung mga kaibigan kong maiingay. Halos magtinginan ang mga kapwa ko estudyante saamin sa lakas ng boses ni Ryujin.
Si Ryujin classmate ko na yan simula elementary ewan ko ba hanggang sa mag 4th year high school na kami magka-klase padin kami. Sawa na ko sa mukha niya eme hahah
Kasama niya pala si Yujin, Naging kaibigan naman namin si Yujin nung 1st year kami. Actually naging kaibigan ko lang naman si Yujin dahil nga sa social butterfly naming friend na si Ryujin.
"Oy Minjeong antayin mo kami." Sigaw din ni Yujin dahil ngayon binibilisan ko lakad ko papunta sa classroom namin.
Pumasok na ko sa pinto at naramdaman ko naman ang biglang pag-akbay sakin ni Yujin.
"Minjeong alam mo ba itong si Ryujin tambay don sa labas ng CR." Tinignan ko naman siya dahil naintriga ako, bakit naman tatambay si Ryujin sa labas ng CR eh ang baho nga doon.
"Fake news ka Yujin!!! Nasaktuhan mo lang na doon ako nakatayo!! Papunta akong umbrella no." Pag aapila ni Ryujin.
"Ah basta eto na nga. May bagong crush nanaman si Ryujin don sa classroom sa tabi ng CR." Ngiting ngiti na saad ni Yujin habang si Ryujin naman parang nahihiya.
"Para kang ewan mahiya Ryujin, di bagay sayo." Sabi ko at tumawa kami ni Yujin.
"Sino naman yung bagong napupusuan nitong mokong na to?" Tanong ko tsaka umupo sa upuan ko, habang silang dalawa nakatayo sa harap ko.
"Wala yon Minjeong!! Wag ka nagpapaniwala jan kay Yuyu." Saad ni Ryujin.
"Kung wala lang yon di ka tatambay don sa labas ng CR na mabaho." Tawa ko habang tinitignan si Ryujin.
"Ayon sa aking source, Section 3, Karina Yoo. Transferee." Sagot ni Yujin.
"Grabe Ryujin taga section 3 pa talaga nagustuhan mo, baka mamaya beauty and brain yon paano ka?" Pang-aasar ko at tumawa kami ni Yujin, Sinimangutan lang kami ni Ryujin.
"heh!" Yan lang ang tanging reply saamin ni Ryujin.
"Hi Minjeooong!" Napatingin kaming tatlo kung saan nanggaling ang boses.
"Ayan na yung may crush sayo minjeong" Nginitian ako na mapang-asar nila RJ at Yujin.
"Aga mo ngayon Somi ah!" Sabi ni RJ.
"Maaga kasi pumasok si Minjeong kaya inaagahan ko na din baka sakaling ma-crushback na ko ni MJ" Sabi ni Somi habang papunta saamin.
"Kelan mo ba kasi i-crucrushback si Somi" Tanong na may kasamang pang aasar na sabi ni Yujin.
"Ewan ko sainyo ako pa natripan niyo, Nakagawa na ba kayo ng mga assignment natin?" Tanong ko sakanila.
"ha?"

BINABASA MO ANG
Crush
Fanfic"Minjeong, Be honest with me." "May gusto ka din ba kay Karina?" "Baliw, H-hindi no. Eh crush mo yon eh."