bestfriend

57 4 3
                                    

March 28 20**


Happy Birthday bestfriend!! , bestfriend may regalo ako sayo binili ko yung gusto mong rubber shoes , yung red na may black diba lagi mo yung tinitignan pag pumupunta tayo sa mall tapos tuwing tinatanong kita kung gusto mo ba yung shoes sabi mo "hindi tiningnan ko lang maganda kasi yung colors nung shoes" , kala mo hindi ko alam noh! hahaha pero bago mo makuha yung gift ko umuwi ka muna dito , bestfriend miss na miss na kita umuwi ka muna oh! tawagan mo ko kapag gusto mo ng kausap ha! sige babye na, happy birthday ulit.I love you bestfriend .


____


Naalala mo ba noon bestfriend, una tayong nagkilala nung natapunan kita ng kape, ang init pa naman nung kape takot na takot ako nun kala ko may gagawin kang masama sa kin pero nagulat ako ng tinignan mo lang ako at nginitian hindi ka lang man umaray non kasi nga diba mainit yung kape.

Pagkatapos ng nangyari nun lagi na kitang nakakasama tinutukso na nga tayo non eh kasi ba naman sabay tayo pumasok, sabay din tayong mag resses, sabay tayo ng umuwi minsan nga dun ka pa natutulog sa min eh!

Pero tuwing tinutukso tayo ng mga kaklase natin, ang sabi mo lang " mag bestfriend lang kame " oo nga naman talaga namang mag bestfriend tayo pero ewan ko, tuwing sinasabi mo yan para may tumutusok sa puso ko, alam mo yun ang sakit na marinig mo sa taong gusto mo na bestfriend lang kayo.


______


May 14 20**


Hi bestfriend , alam mo ba bestfriend ang boring ng bakasyon ko nakakalungkot nga eh. Siguro kung andito ka ang saya ng bakasyon ko , bestfriend uwi ka na miss na miss na kita, marami akong iku kwento sayo, marami ka ring iku kwento sa kin ha! bye na bestfriend . i miss you and i love you bestfriend .


______

Naalala mo ba nun tinawag kita sa pangalan mo pero bigla ka nalang nagalit ang sabi mo " pwede ba wag mo ko tatawagin sa pangalan ko!!" napakunot naman ang noo ko kaya tinanong kita " bakit? may problema ba kung tawagin kita sa pangalan mo " huminga ka muna ng malalim at saka ka sumagot sakin ang sabi mo " hindi ano kase ...." ang tagal mo bago sumagot para kang nagiisip ng dahilan " ano.....mas sanay kasi ako na tawagan natin ay bestfriend kaya sana yun nalang din ang tawag mo sakin " yan ang sabi mo kaya bestfriend ang tawagan natin

Tuwing natatawag kita sa pangalan mo nagagalit ka sa kin kaya sinanay ko na tawagin kang bestfriend, alam mo ba para tuloy pinamumuka sa kin na hanggang bestfriends lang talaga tayo.

Salbahe kasi 'tong puso ko e magmamahal na nga lang sa maling tao pa sa bestfriend ko pa

_____


June 5 20**

Hello bestfriend ! Alam mo ba ngayong pasukan ang dami ko agad naging friends pero syempre ikaw pa rin ang bestfriend ko hindi ka nila mapapalitan noh! hahaha! ikaw? kamusta ka na diyan? pag uwi mo kuwentuhan mo ko ha! i miss you bestfriend and i love you! i miss you so much!


_______

Naalala mo ba nun nag celebrate tayo kasi eight years na tayong mag bestfriend , akalain mo yun mag bestfriend pa din tayo di lang man nag level up hahaha.

Best Friend [OS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon