Chapter 2: Emergency Appointment

27 0 4
                                    

Chapter 2: Emergency Appointment

Napaisip rin ako sa sinabi ni Kaet, dahil hanggang ngayon ay magboyfriend girlfriend pa rin kami ni Kier. Hindi naman ako nagmamadali, actually hindi pa sumasagi sa isip ko na bumuo ng sarili kong pamilya. At tsaka masyado pa kaming bata para sa bagay na iyon, gusto ko pa ma-enjoy ang pagiging dalaga ko. Kung kami talaga ni Kier sa huli, kami at kami pa rin para sa isa't isa.

"Oh ano na naman ang iniisip mo?" Napalingon ako kay Kaet ng marinig ang sunod niyang sinabi.

"Iniisip ko kung paano nakawin ang anak mo, duh." Sabay irip kong sambit, napataas kilay naman si Kaet sa sinabi.

"As if matatakot mo ako sa ganyan mo, kung si Zandeer takot sa pataas kilay peg mo, pwes ako hindi."

Kung iisipin, mas madalas na nakakasama ko ang kambal kaysa kina Kaet at Zandeer. Masyado kasi silang abala sa duties nila bilang Hari at Reyna ng Kingdom of Air. Nalalapit na ang pag-alis ko dito sa Magical World patungo sa Arklishnite kaya paniguradong aabutin ng ilang taon bago ako makabalik dito.

"Ayaw mo ba talaga sumama sa akin sa Arklishnite?"

"Psalm, napag-usapan na natin ito diba? Hindi ko pwede iwanan si Zandeer sa paghandle ng political at financial problem ng Kaharian." Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa labas ng bintana kung saan natatanaw ko ang papalubog na araw sa di kalayuan.

"Huwag mo akong mamimiss."

"Huh? Anong pingsasabi mo?"

"Huh? Anong pinagsasabi mo? Okay ka lang Kaet? O sadyang nakalimutan mo ang time difference ng Arklishnite at Magical World?"

Biglang bumalikwas si Kaet at lumapit sa tabi ng office table niya. May kinuha siyang libro mula doon, tila may hinahanap siya na hindi ko alam kung ano.

"1 week is equivalent of 1 and 3/4 year at Arklishnite. Meaning 1 day is equivalent of 1 quarter in a year." Napansin ko ang librong hawak ni Kaet kung saan nakatala doon ang sinambit niya tungkol sa pagkakaiba ng oras mula sa Arklishnite at magical World. Hindi lang ang planetang Arklishnite dahil maging ang Magicae Orbis ay nakatala doon.

"Need pa talaga ng libro Kaet?"

"Kapag sumama ako sa'yo at inabot tayo ng 1 buwan. Pagbalik natin 36 years old na ako nu'n." 

"Natural. So, 'yan ba ang inaalala mo? Ang tumanda at hindi ka makilala ng asawa mo?"

Napaiwas siya ng tingin sa akin matapos ko sambitin iyon. Lumipas ang ilang minuto bago muling bumalik ang pagtugon ni Kaet sa pinag-uusapan namin.

"Bata pa ang kambal, at ayaw kong lumipas ang mga araw na wala sa tabi nila. Gaya ng sinabi ko kanina nasa gitna ng crisis ang Kingdom of Air dahil especially sa political issue at finance issue na hindi pa rin namin magawan ng paraan."

Alam ko ang problema na kinakaharap ng Hari at Reyna, dahil once ko na naranasan iyan magmula ng ipasa sa akin ng Ama ko ang posisyon bilang Commander of Kingdom Knights hanggang sa maging Reyna ng Kingdom of Magic.

"Si Zaey na lang isasama ko." Pabiro kong sambit, ngunit tinaasan ako ng kilay ni Kaet.

"Sabi ko nga charott lang, hays 'di ka na mabiro hmp." Agad ko na ring nilisan ang lugar na iyon at nagpaalam kay Kaet ng tuluyan.

.

.

.

Bumalik ako sa chamber ko upang makapaghanda sa pag-alis ko mamaya. Abala si Kier sa duty niya maging ang Hari at Reyna ng Kingdom of Magic. Si Quira naman ay kakabalik lang mula sa training kaya alam ko nagpapahinga yun ngayon sa kuwarto niya. Ayaw ko naman na abalahin ang pagpapahinga nun lalo na at hindi pa siya okay sa nangyari kay Coolen. 

TMW III: The Princess of Ice and Fire Phoenix (Curax Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon