Prologue

61 1 0
                                    

Sa planetang Arklishnite ay may siyam na faction. Realm of Lunula, Empyreal Union, Pearl of the Orient Seas, Duke Dynasty, Kingdom of Iris, Golden Middlemist, Jasmine  Dominion, Royal Falcon of Azure at ang Gothic Empire, lima dito ang major nation. Ang Realm of Lunula, Empyreal Union, Pearl of the Orient Seas, Royal Falcon of Azure at ang Gothic Empire. 

Isa lang ang layunin ng bawat faction sa planetang ito, ang mamuhay ng payapa, may pagkakaisa, walang mataas, walang mababa, lahat pantay ang pagtingin sa isa't-isa. Ngunit dahil sa kagustuhan ng Gothic Empire na pamunuan ang planetang Arklishnite ay umaklas sila sa samahan, maging ang Realm of Lunula ay tumiwalag din sa grupo at gumawa ng sariling samahan na tinatawag na Scarlet Monarch kasama ang Duke Dynasty. Nabuo rin ang Luna Grey laban sa Scarlet Monarch na binubuo ng anim pang faction.

Matapos ang pag-aklas ay nagkaroon ng giyera sa pagitan ng Luna Grey at Scarlet Monarch, inabot ng halos limampu't apat na taon ang giyera, marami ang namatay, naulila, nasiraan ng ulo, nagsakripisyo at nagbago ng layunin dahil sa giyera. Natigil lamang ito ng mamatay ang pinuno ng Gothic Empire na si Emperor Abigor Goshen, ang pinakamalakas na Emperor sa buong Arklishnite.

Labing limang taon na ang lumipas matapos mamatay ng Emperor ng Gothic Empire, kaya muling nanumbalik ang kapayapaan sa pagitan ng Lunar Grey at Scarlet Monarch. Labing limang taon na rin ang dumaan nang mabuo ang Mid-Autumn Gala sa buong planeta kung saan ang bawat faction ay may representative na sumali sa tatlong contest, ang dual combat, semestral combat at faction combat.  

Ang mananalo sa ika labing anim na taon ng Gala ay gagawaran ng kahit anong dalawang kahilingan. Ito ang pinakamataas na award sa mga nakalipas na taon, kaya puspusan ang paghahanda ng karamihan sa festival na ito. Lalo na ang mga nasa tertiary at dynamic trope dahil dalawa sa trope ng hindi nila matalo, ang primary at secondary trope kung saan halos lahat ay may dugong bughaw.

Kung lahat sila ay puspusan ang paghahanda para sa Gala, ako naman puspusan ang paghahanda para makapunta sa planetang Arklishnite dahil nandito ako ngayon sa Magical World.


"Princess Zaey! Hinahanap na po kayo ng kamahalan. Nasaan na po kayo?"

Napalingon ako matapos marinig ang boses ng isa sa mga nagbabantay sa akin.

TMW III: The Princess of Ice and Fire Phoenix (Curax Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon