4

88 6 3
                                    

"Easy, there."I heard my Kuya giggled noong nakayakap na ako sa kanya, which made me... Somehow happy.

I haven't seen him for so long and I'm so glad he's here right now.

I was happy for a moment, pero bigla kong naramdaman na gumalaw ang kamay ni kuya para guluhin ang buhok ko, kaya agad akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya habang nakasimangot. Pero huli na ang lahat dahil nakangiti nya nang hawak ang buhok ko at halatang sinasadya nyang guluhin ito ng husto

"Kuya! Ano ba yan, minsan na nga lang tayo magkita ganyan pa ugali mo." Iwas ko sa kanya bago ayusin ng todo ang buhok kong medyo mahaba na. Natatakpan na nito ang aking kilay at nagsisimula narin syang maging medyo kulot. Bagsak naman yung buhok ko pag maikli pero kapag nalampas na sya sa may kilay bigla nalang ito bubuhaghag, kaya lagi akong nagpapagupit na medyo mataas ang bangs sa kilay.

At dahil mahaba na naman, kailangan ko na uli syang pagupitan ang kaso hindi lang talaga ako makahanap ng time dahil sa schedule ko sa school. Busy rin sa mga subject na kailangan reviewhin para sa midterm exam sa isang araw, san pa kaya lulugar ang selflove at self-care doon?

"Mas bagay sayo ang mahaba ang buhok, Kyle. Hindi kita eyebags mo." Ang tawa ni kuya kaya tinignan ko rin ito ng masama, bago pagmasdan ang kanyang mukha para humanap ng kalait-lait sa kanyang mukha.

Pero wala naman masyadong kalait-lait eh, at alam ko rin sa sarili kong bawal ko sabihin kay kuya 'yon. Alam mo na, madali kaseng lumaki ang ulo nya, manang mana sa pinagmanahan. Nakababa ang buhok nya ngayon na bihira mo lang makita dahil laging naka-gel ito at naka-ayos pataas. It's already long and has now starting to curve. Well it doesn't even bother him because it looks soft and bouncy. Bumagay sa mukha nya na maamo.

Nagpapadala lang yata sa itsura nya ay yung kanyang matang medyo singkit. Sa huli wala na akong nagawa kung hindi laitin nalang kung gaano na sya katanda ngayon. Ayon lang naman ang kalait-lait sa kanya eh pero depende parin sa tao kung may daddy issue sila. Pero still, he's old and that's a fact.

"Ikaw nga ugod-ugod na nagreklamo ba ako?" Saad ko kay kuya. May eyebags man ako okay lang at least pogi parin.... Pogi lang, 'di naman mataas grades ko eh. Hindi pinansin ni kuya ang sabat ko sa kanya, sa halip ay tumawa lang sya at umiling-iling. Napa-irap naman ako sa galawan nya. Ang boring! Matanda na talaga sya oh.

Noong pagka-irap ko ay nahagip ng mata ko ang babaeng katabi ni kuya na busy sa kanyang cellphone. Kaya mas lalo lang akong napasimangot. Na-miss ko sadya si Ash, sarap nya kaseng asarin. Pero ngayon na nga lang kami magkita tapos hindi nya man lang ako papansinin?

Mas lalo lang akong na-inis ng makita ko itong tumawa dahil sa pinapanood nya sa kanyang cellphone kaya inis kong hinablot ang suot-suot nyang earphones para maagaw ang atensyon nya.

"Hindi mo man lang ba babatiin ang pinakamamahal mong kapatid?" Ang nakangiti kong saad para inisin sya.

"Ano ba?! Kyle naman eh!" Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat ng marinig ko ang sinabi nya. How dare she?

Dahil sa inis hindi na ako nakapagpigil na pingutin sya. Sino ba namang hindi maiinis? Eh pati yung mismo mong bunsong kapatid ay hindi ka narin nirerespeto. Kanina yung mga seniorhigh ngayon yung kapatid ko naman? Ano bang ginawa kong kasalanan? Siguro demonyo ako noong nakaraang buhay ko.

Idiniin ko pa ang pagkakapingot ko sa kanya dahil sa naalala ko na naman yung kanina na nakapagpasigaw sa kanya dahil sa sakit.

Hahablutin na rin sana ni Ashley ang tainga ko ng sinaway na kami ni kuya.

"Ashley, Kyle, tama na yan."

Inambaan ko pa si Ashley ng isa bago ako tumigil. Ngayong wala na ako sasabihin sa kanila wala sa sariling napa-tingin ako sa direksyon papunta sa library at nagulat ako ng makita ko yung lalake kahapon na busy makipag-usap sa isang teacher dito sa campus.

Pero agad namang nawala ang atensyon ko sa kanya ng biglang nagsalita ulit si kuya.

"By the way Kyle, anong nangyari sa pants mo? Nadapa kaba? Ang lampa mo naman." My kuya asked while making a low chuckle. He bend down and started to dust off my pants na lagi nya namang ginagawa.

Hindi ko na sya pinigilan dahil hindi ko rin naman talaga kita kung saan madumi, kanina ko pa rin kase pinapagpagan, hindi pala natagtag yung alikabok.

"Ah, Kyle pupunta na kami sa Dean's office. Sasama ka paba?"  Tanong ni kuya sakin matapos nyang pagpagan ang pants ko.

"Hindi na, kailangan ko pang pumunta sa library para mag-review."

"Wow, ang sipag, masyado kaseng pakitang tao." Sabat ni Ash bago ako inirapan ng tumingin ako sa kanya. Pero sa huli napagdesisyunan ko nalang na magkunwaring hindi ito narinig na alam kong makakapagpa-inis sa kanya.

"Tumigil ka na nga Ash, and by the way Kyle kanina ko pa napapansin yung mga masasamang tingin ha. Pag nalaman kong may ginawa ka naman kalokohan, ay siya hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa inyong dalawa." Mahinang saad sakin ni kuya ng pasimple s'yang lumapit sa tenga ko bago magpaalam na aalis na sila. Tumalikod na sila kuya habang hatak hatak si Ash papunta sa kanilang pupuntahan. So, napansin na ni kuya...

Tumango ako, kahit pa hindi na kita ni kuya dahil naglalakad na sila papalayo sakin. I don't want to cause trouble, really, but things keep coming to me like I'm a fucking magnet of bad luck.

Wala naman kase talaga akong ginawang masama, it's all that guy's fault. I mean, pogi s'ya, I understand it. But, having a schoolmate that is famous like a superstar... Ang hirap lang paniwalaan. Para akong nasa fictional world kung saan lahat ng tao ay OA.

Kase naman, bakit gugustuhin mong makisali sa away ng bestfriend mo? I don't even know who's Brianna, fuck shit.

As if naman kaseng may karapatan silang magalit ng gano'n. Unang una walang sila... Well, based on my observation. So, why would a totally sane person would go to such extent just to make sure their ship is sailing? Waiting for their ship to be chosen, continuing to live inside their own fantasy world where things go their way.

Bakit hindi nalang kaya sila matulog habang buhay? Doon nalang sila tumira. Mga hayop eh. Sila 'tong perwisyo sa mundo eh. Wala na ngang ambag, salot pa sa lipunan.

Pero ano pa ba ang magagawa ko, I'm already involved in this 'big deal issue', and the best thing to do for now is to lay low kase alam ko namang huhupa at huhupa rin ito dahil nga nalalapit na ang midterm and after that, ano bang exam ang susunod pagkatapos ng midterm? Edi finals. I'm pretty sure na pagkatapos ng midterm ay magiging busy narin ang mga tao, dahil sa mga susunod na activities na dadating. Siguro naman sa puntong yon ay hahayaan na nilang humupa ang issue, right?

Mga estudyanteng hindi nalang talaga nag-aaral ng ayos ang makaka-alala pa non. Buti nalang at uso ngayon ang pag-aaral. Hindi na daw kase aesthetic pag bobo.

Nang tuluyang hindi ko na sila makita  ay tumalikod narin ako at nagsimulang maglakad papunta sa library kung saan ko naman talagang planong pumunta kanina pa. Tinignan ko rin ang relo ko at nakita ko ang oras na maga-alas nuebe na. Shit, bat ang bilis ng oras? Masyado bang matagal ang pagbati ko kala kuya? Nakakairita. Again I ruined a perfectly good time to review siguro kailangan ko na talaga bawasan ang procastonation ko sa isang araw.

Habang naglalakad ako I was planning my own schedule for the day, even though I don't think I'll be able to do things accordingly in my mental schedule... Pero alam kong magiging malaking tulong ito sa mental health ko dahil sa totoo lang, I don't really think I can continue this shit if I just go with the flow. Hindi kase laging nagana yon. Pag ginawa ko 'yon baka maging pusher nalang ako ng drugs pag 'go with the flow' ang motto ko sa life.

"Kyle....right?" Nawala ang focus ko sa pag-iisip about sa mental schedule ko ng biglang may tumawag sakin sa may likod ko. Hindi ko kilala ang boses na iyon but for sure it's a girl.

Haharangan na naman ba nila ako katulad ng nangyari kanina? Ay nakupo, hindi pwede nandito ang kuya ko. Buti nga at hindi na nagtanong about sa pants ko kanina pero kung malalaman nyang nakikipag-away ako sa babae eh baka ako'y pabalikin sa probinsiya namin. Hindi ako nito makakaganti ngayon.

Tumingin ako sa babaeng tumawag sakin sa likod. I'm already expecting a slap... A hard slap rather pero ang sumalubong lang sakin ay isang malungkot na ngiti ng babaeng pamilyar...

And I was right pamilyar nga sya because that girl.... That girl was the girl who was chasing Grey yesterday.

-
Edited: 05/05/24

Akin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon