Ayesha Eyna Shin's POV
"Haaay." Kasabay ng pagbuntong hininga ko ang pagsesermon sa akin ni twin. Aba ang aga aga ba naman akong ginising.
"Medyo malayo yung school natin kambal, kelangan nating gumising ng maaga! Haha. May nakuha na rin pala akong raket! Mamayang gabi daw mag iistart na tayo." Tinignan ko si twineh pagkasabi niya non. 'Wag niyang sabihing maglalakad kami! Pinanlakihan ko siya ng mata at tinaasan ng kilay.
She just answered me with a wide smile. "So maglalakad nga tayo?! Felicity Reye Lee?! –ouch!" matapos niya akong hampasin sa braso eh tumakbo na siya palayo.
"Tara na! Arte nito! Come on!" pa-wave wave pa siya ng kamay. Kuuu! Maglalakad kami! Mamaya sisikat na ang araw! Mainit na! Kasura! Napakagat ako ng labi saka ako nagmarcha palapit sakanya.
Psh. Sa huli napangiti nalang ako. Aish. Hanga talaga ako dito sa babaitang 'to. Mahinhin akala mo maria clara ang dating, pero 'wag ka! Hindi na 'yan inosente. Well pareho kami. Maaga kaming namulat sa mga bagay bagay.
Halos thirty minutes ata bago kami nakarating sa school naming bago. Tiningala ko ang isang five storey building. So ito pala ang bago naming school. Nasaang lugar nga ba kami? Aish, ewan.
Nilibot ko ang paningin ko. Tumaas ang kilay ko nang may makita akong kumpol ng babae sa gilid ng entrance ng building. Aba mga hayop pinagbubulungan pa ata ako! Makangiti akala mo nang iinsulto! Akala mo ke gaganda! Kainis!
Chin up. Roll eyes.
"Chill." Bulong sa akin ni twineh.
Hayan nanaman ang maangas niyang aura. Nasaan ang maria clara? Haha. Ibang klase talaga si kambal. Hindi niya pinansin yung mga babaeng mukhang naintimidate sakanya. Maangas kaming naglakad papasok ng building.
Lahat sila nakatingin sa amin. Si kambal? Hayan, pokerface pero maangas.
May nahagip ang mga mata ko. Ay shet pogi! Okay compose yourself Ayeyna. Kunwari deadma. Tinitigan ko lang yung lalaki sabay iwas ng tingin. Oh goooosh! Si Mr. Right nakita ko na yata! Kyaaa!
Nasa 5'11 siguro ang height niya. Medyo maangas ang dating at masungit. Ni hindi nga ako kinindatan! Hihi. Sakto lang ang katawan, yummy parang feeling ko may abs siya. Kyaa! Napakagat ako ng labi.
"Huy." Naramdaman ko din ang pagkalabit sa akin ni twineh so I cleared my throat. Nginitian ko lang siya saka ko itinaas baba ang kilay ko. Meaning "I found my target, baby".
Natawa siya dahil nagets niya ang sinabi ko. I looked around. Ohhh Felicity got admirers. Ganyan kalakas ang appeal niyan. Dahil sa laging pokerface, kapag ngumiti makalaglag brief. I smiled with her.
What I gained? Haters. Lakas din ng appeal ko sa mga babae, hahaha lahat sila naiinis sa kagandahan ko. I rolled my eyes and flipped my hair. Paki ko sakanila.
BINABASA MO ANG
Unstoppables
General FictionTrue friends don't judge each other. They judge other people.. together! Kakayanin mo bang pasukin ang kahalayan ng dalawang to? Gwapo? Mayaman? May abs? Malaki ... ang ano ang katawan? Humanda ka, matanda o bata, may jowa o wala, mapapasaamin ka! W...