SIMULA

313 7 1
                                    

Nandito ako ngayon sa isang bar dahil dito ako dinala ng mga kaibigan ko- totoong mga kaibigan nga ba?

Ayaw ko sana sumama dito pero di nila ako tinigilan kinulit ng kinulit nila ako at ginawa pang rason ang pagiging brokenhearted ko dahil sa walangyang boyfriend ko na iniwan ako dahil daw di ako sapat para sakanya gusto niya daw yung isang babaeng makakapagprovide ng needs niya.

Tch. needs?! Seriously?

Kasi sa pagkakaalam ko hindi importante yun. Kung talagang mahal niya ako dapat marunong siyang maghintay. Hindi yung makikipagbreak siya tapos the next day meron ng iba.

Shit! Ansakit eh. 2years na kami pero nabura lang yun dahil lang sa di ko magampanan yung pangangailangan niya.Pero inaamin ko hindi talaga ako maganda kaya di rin ako noon makapaniwala na niligawan niya ako. Manang na manang kasi yung pananamit ko hindi ako katulad ng iba diyan na parang walang perang pambili ng damit na susuotin.

Den,magmumukmok ka na lang ba diyan? Oh come on kailangan mong mag enjoy hindi dapat hindi ka masaya. Yung boyfriend mo nga siguro ngayon 'nag-eenjoy' na kasama yung 'ipinalit' niya sayo hahahaha,” sabi sakin ni Miera habang dinidiin talaga na may ipinalit sakin yung g*gong 'ex' ko.

Eh di mag-enjoy siya,” sagot ko na parang walang gana.Inirapan lang ako ni Miera at sinabing pupunta lang siya sa dance floor meron pa siyang iniwan na inumin sakin,sabi niya dapat magtry rin ako uminom paminsan minsan.

Tinignan ko yung drinks. Napabuntong-hininga ako.Wala naman sigurong masama kung titikman ko diba?.

Kinuha ko yun at dahan dahang ininom.Pwe! Ano ba yan! Anpangit ng lasa.

Padabog kong ibinaba yung baso. Inilibot ko ang paningin at nakita ko si Miera na nakipagsayawan na kasama ang isang lalaki. Tch. Anlaswa nilang tingnan.

Napahawak ako sa tiyan kasi biglang sumakit ito. Napanguso ako. Nasaan ba ang restroom dito. Nasusuka ako huhuhuhu.

Tumayo ako para hanapin ang restroom ng biglang merong humablot sakin at napsubsob ako sa matigas na bagay at doon ko napagtanto na dibdib pala iyon ng isang lalaki.

Eto ako ngayon nakakulong sa bisig niya.Napakahigpit iyon na parang ayaw niya na akong makawala. Pipiglas na sana ako pero bigla siyang kumalas at hinawakan ang aking mukha at ginawaran ako ng isang halik. Nagulat ako sakanyang ginawa at tila naging estatwa hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Itinigil niya ang paghalik sakin at isinandal ang kanyang noo saakin pagkatapos tinitigan ako diretso sa aking mga mata. Pagkatapos nun nagulat ako ng magsalita siya.

Heath, Sweetie. I miss you, don’t you ever dare run away again coz this time I’m gonna make sure. You’re going to be ‘mine’ alone.”

------------------------------
Sorry for the typos and grammatical errors.

-RIEZA_

Mistaken (Re-editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon