Kabanata 4

8 0 0
                                    

"Hija, sigurado ka ba sa desisyon mo?" tanong ni Lola Selya. "Hindi biro ang past life regression. May maitutulong man ito sa buhay mo ngayon ay maaari ka pa rin maapektuhan sa mga makikita mo."

I have to do it. I need answers.

Tumango ako. "I'll be fine, po."

Lola Selya is my Grandmother's good friend. She's a psychic and a faith healer. She does things science can't explain. Supernatural things.

She heals using herbs and prayers, does past life regression, reads people's lives using cards, and her third eye is open, too.

She stared at me, still hesitant. I nodded and gave her a small smile. She sighed.

She made me sit on the single couch. She sits next to me. "Sumandal ka, Hija."

Sinunod ko siya at dahan dahang sumandal. I made myself comfortable since I'll be sitting here long.

"Handa ka na ba?" Tanong ulit ulit.

I nodded. Ready.

"Ipikit mo ang mga mata mo. Simula ngayon ay sundin mo lahat ng sasabihin ko, maliwanag?"

Tumango ako. I closed my eyes.

She made me visualize things, breathing exercises. The last thing I heard was her counting from 3 to 1 before I fell into a deep slumber.

"Ano ang iyong ngalan, Binibini?"

"Ama, sa tingin niyo po ba ay maaabot ko ang mga pangarap ko?"

"Nandito na ako. Hindi ka na mag-iisa."

"Pasensiya na, anak. Palaging tatandaan na mahal na mahal ka ni Ama."

"Hindi ako paladasal na tao. Ngunit dahil sayo ay natuto akong humiling na sana huwag ka nilang ilalagay sa kapahamakan."

"Lo siento. Te amo con todo mi corazón."

Tunog ng pagsisibak ng kahoy sa labas at huni ng mga ibon ang nakapag pagising sakin. Minulat ko ang aking mga mata at nakitang may liwanag na.

"Napakagandang umaga! Ang ganda ko kasi," wika ko at bumangon na.     

Humikab ako at tumingin sa bintana. Natanaw ko ang mga kapitbahay na nasa labas. Mayroong mga batang naglalaro, mga magsasaka na nag aani sa bukid, ay mayroong mga nag kokolekta ng kahoy pang luto. 

Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Tuwing gumigising ako ng umaga ay hindi ko na nadadatnan ang aking ama dahil maaga siyang pumapasok upang magtrabaho sa mga Lianco. Minsan pa ay doon siya natutulog sa tuwing mayroong inuutos sa kaniya ang gobernador. 

Paglabas ko ng kwarto ay imbis na aso ko ang sumalubong ay ang nakakasulasok na amoy ng dumi niya.

Ang sangsang naman!

Ang pag gusot ng muka at pagtakip ko ng ilong ay kasabay ng pag salubong sa 'kin ng alaga kong aso. 

"Anong kinain mo kagabi at ganito ang amoy ng dumi mo, Tala? Nakakahilo!" Napangiti pa rin ako nang iangat niya ang mga paa niya na parang nagpapabuhat. Natawa ako dahil nilabas niya ang kaniyang dila at nagwawagayway ang buntot na tila bang natutuwa na makita ako.

"Maganda ba ang iyong gising?" Natawa ako nang kumahol siya na parang sumasang-ayon sa sinabi ko. 

Pagtapos kong ayusin ang sarili ko ay pupunta ako sa bahay ampunan kasama si Tala upang turuan ang mga bata. Tinuturuan ko silang mag sulat at mag basa. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ghost From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon