“Rean, samahan mo 'ko,” boses ni Laticia na pumukaw sa atensiyon ko.
Laticia is a friend of mine. She’s my best friend as well. We even came from the same school back when grade school and junior high, that’s how inseparable we are.
Hindi ko nga in-expect na magkakaro’n ako ng kaibigan. With my personality? Napakalabo, nagkataong mahiyain pa ako.
“Saan?” tanong ko habang inaasikaso ang mga school works na nasa ibabaw ng table ko.
Graduating na rin kasi, sabay-sabay ang gawain. May research, NAT exam, idagdag pa 'yong preparation na ginagawa ko para sa entrance exam sa university na papasukan ko sa college.
I had so much in my hands. Pero laban lang, wala naman akong choice.
“May crush kasi ako kaso INC. In-invite ako dumalo ng pamamahayag nila, hindi naman na ako nakatanggi.” Malandi talaga. Pa’nong 'di makakatanggi? E marupok 'to sa pogi.
Kumunot naman ang noo ko sa narinig. “Crush? Mukha pa ba tayong nasa preschool?”
“Luh, bitter mo naman po, Ms. Lorzano. Symptoms na siguro 'yan ng menopause.”
I want to roll my eyes at her. She’s being so ridiculous again. “Alam mo naman siguro na hindi pumapatol 'yang mga 'yan sa mga hindi nila ka-religion. Bawal 'yan sa kanila,” pagpapaalala ko.
“Masarap nga raw 'pag bawal e,” pagpipilit niya.
Gusto ko na lang matawa. Siya mismo ang sumusuong sa trauma. Pumayag din naman akong sumama sa kaniya. Hindi ko naman siya p’wedeng iwan na lang do’n, baka ano pang kahihiyan ang gawin niya.
Later on, we reached the venue. Kasalukuyan nang nag-uumpisa ang sinasabi nilang pamamahayag. We were actually running late since I was having a hard time choosing what to wear.
My original plan is to actually wear shorts but Laticia insisted that I should wear a skirt. She pointed out that it was the most suitable outfit for this. I just didn’t argue anymore.
“Laticia!” A guy greeted my companion once we finally arrived.
“Good evening, Zai. Isinama ko pala 'yong friend ko, si Rean. Rean, si Zai.” Nakipag-shake hands ako roon sa Zai.
“Dylan, rito! Pumunta ka muna rito, p’re.”
Napalingon ako roon sa isang direksiyon nang may tawagin siyang lalaki roon. Nagtungo siya sa kinaroroonan namin.
Natigilan ako nang sandaling tuluyan ko nang makita ang lalaking tinutukoy n’ong Zai. He’s wearing a white polo that really fits to him. Sobrang linis niyang tingnan sa suot niya, 'yon kaagad ang napansin ko.
He have this light atmosphere. Lalo na’t nakangiti siya habang naglalakad patungo sa amin. May pagkasingkit pa naman ang mga mata niya kaya tila nawawala ang mga ito 'pag ngumingiti siya.
Napakapino niyang lumakad, napakaganda ng postura nito na mapagkakamalan mong isang modelo. Nang umihip ang malamig na simoy ng hangin, doon bahagyang nilipad ang kaniyang buhok. It just make him more look attractive. Wait! Did I just praise him?
“'Di ka pa pumapasok, p’re?” tanong niya sa kaibigang tumawag sa kaniya.
“Kinakausap ko pa mga akay ko, kakarating lang nila." Roon naman humarap si Zai sa direksiyon namin ni Laticia. “Si Dylan pala, best friend ko. Dylan, si Laticia at Rean, mga inimbitaban kong dumalo sa pamamahayag.”
“Hello po, magandang gabi—” Pareho ko ay ganoon din ang naging reaksiyon niya nang makita ako. I’m not concluding things, okay? Alam kong natigilan siya saglit after niya 'ko makita.
YOU ARE READING
Once the Horizon Embrace the Aureate Veil
RomanceRean unknowingly embraces the ocean of comfort he can provide for her. However, being aware of the growing feelings within her, she still engaged herself along-with him. Even though she knew the consequences it might cost and the belief barrier betw...