Chapter 51: Coastal

1.2K 112 33
                                    



"Hi, Clark."

"Sab?"

"Ano'ng nangyari?" kinakabahang tanong ko.

"Nag-away si Mum saka si Kuya."

Doon pa lang sa pagbalik ni Sab sa bahay ko, alam ko na agad na may malaki na kaming problema.

Pumunta nga kasi si Sab sa bahay hapon pa lang. Ang kuwento niya, hinahanap na nga raw ni Jaesie si Rico. Si Mel din hinahanap si Pat. Pero kayang kausapin nang madalian si Mel kasi aware siya sa Coastal. Si Jaesie kasi, hindi ko sigurado.

Inutusan ni Rico ang kapatid niya na mag-spy kay Tita Tess during a call para malaman namin kung gaano ba kagalit si Tita Tess kasi pati pala si Tita, hinahanap din si Rico. Pero sa call pa lang, tanggap na naming ginising namin ang dragon sa mansiyon ng mga Dardenne. Tapos ngayon, kung kailan gabi pa, hinatid ni Kuya Bong si Sabrina sa bahay ko.

Hindi naman sa ayoko si Sabrina sa bahay, pero ayokong nasa ganitong panahon siya nasa bahay ko. Kasi mas nararamdaman kong malaki nga ang problema habang ang katwiran ni Tita Tess, ayaw niyang ipakasal ang bunso niya sa akin at ayaw niyang nagsasama kami ni Sab sa iisang bubong nang hindi kasal.

Ganoon na ba hindi ka-safe sa mansiyon para dalhin ni Tita Tess si Sab sa bahay ko?

"Sana nag-dinner ka muna roon para masarap ang nakain mo." Hagod-hagod ko lang ang buhok ni Sab habang pinanonood siyang kumain ng takeout food na binili ko diyan sa labas ng subdivision namin. Mamantika ang dinner niya, pero sabi ko, tonight lang niya kakainin 'yon. Bukas, gulay na dapat siya.

"I can't eat sa house. Ang scary nilang lahat," sabi lang niya habang ngata-ngata ang hita ng fried chicken na naliligo sa gravy.

"Si Tito Ric?"

"May meeting pa 'yon sa office. Not sure if nakauwi na siya."

Naaawa ako kay Sabrina. Naiipit siya sa conflict ng kuya at mama niya, hindi pa siya komportable sa bahay nila. Wala na siyang sariling bahay kaya ang hirap niyang hanapan ng lugar kung saan siya dapat mag-stay. Walang matakbuhang kaibigan, hindi ko rin maisip kung saan siya puwedeng iwan kapag wala ako.

Pirmahan ko na lang kaya yung agreement saka authorization kay Tita Tess?

Nangingilid na ang luha ko habang pinanonood na kumain si Sabrina. Para siyang bata na walang kaalam-alam na nagkakagulo na ang buong paligid niya, basta ang alam lang niya, may nag-aaway.

"Pagkatapos ng wedding ni Leo, alis tayo," sabi ko kay Sab.

Napalingon siya sa 'kin at nagtatanong ang tingin habang kagat ang manok na kinakain niya.

Yumuko lang ako sa kinakain niya para hindi ko masalubong ang tingin niya sa 'kin.

"Alis tayo. Punta tayo sa malayo," mahinang sabi ko, pilit tinatago ang pagbasag ng boses ko.

"Like . . . a vacation?"

Pinilit kong ngumiti saka tumango. "Oo, vacation. Doon tayo sa malayo."

"Malayo means?"

Ang lalim ng paghinga ko at nakagat ang labi habang iniisip ang partikular na sagot sa tanong na 'yon.

"Kahit saan mo gusto," nakangiting sabi ko sa kanya. "After ng wedding ni Leo, alis na tayo. Yung tayo lang dalawa. Bakasyon tayo. Layo tayo sa kanila kasi magugulo sila, e."

Natawa siya nang mahina sa sinabi ko at siniko ang braso ko. Wala siyang sinabi pero nakikita ko sa ngiti niya na gusto niya ang sinabi kong magbabakasyon kami.

ABS #4: CLARK MENDOZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon