Chapter 47: Shattered Dream

1.1K 129 22
                                    


Hindi ko dala ang phone ko sa mansiyon. Sinadya kong iwan 'yon sa kotse. Ayoko ng distraction ngayon. Ayokong maramdaman ni Sabrina na may kahati siya sa atensiyon ko ngayon.

Buhay ko ang nasa phone na 'yon at malamang na kung may tumawag man, sobrang importante n'on kasi kailangan ako. Pero namili na ako ngayong araw, at gusto kong sanayin ang sarili ko na humindi sa mga bagay at tao na kaya ko namang hindian.

Nakatambay ako sa kama ni Rico, nagbabasa ng management book niyang may bookmark sa gitna, at hinihintay makabalik si Sab. Sa daming beses kong nag-I love you sa kanya, ngayon lang siya nag-react. Hindi ko alam kung mao-offend ba ako o maiinis.

Hindi naman ako nagkamali. Bumalik siya sa kuwarto ni Rico, sabog-sabog ang buhok na hindi pa tuluyang natutuyo, masama ang tingin sa akin, at parang si Tita Tess kung manukat ng titig.

"You're joking, right?" sabi pa niya.

Grabe na talaga 'to. Lahat na lang.

"I'm confused," dugtong niya. Naupo pa sa dulo ng kama kung saan ako nakaupo. "Is this a Valentine's Day prank?"

"Sab . . ." awat ko.

"Sabi mo kasi, huwag akong mapo-fall sa 'yo."

"Yeah, I said that."

"What happened?"

"Shit happened." Isinara ko ang hawak kong libro at ibinalik sa side table. Pagtingin ko kay Sab, napasimangot ako kasi mukhang ayaw niya ring tanggapin ang sinabi ko. "Hindi naman ako nagsisinungaling."

"Wait." Itinaas niya ang magkabila niyang kamay para patigilin ako. "You love me because you realized it just now?"

"I love you since the day I'm allowed to feel it. Bakit ba?"

Nangunot ang noo niya, nalito yata. "Since what?"

"Huwag ka kasing mag-overthink."

"Paanong hindi ako mag-o-overthink, bigla-bigla ka na lang nagko-confess. Valentine's Day ngayon. Baka bukas, may prank vlog ka na naman."

"Hindi nga 'to prank! Para namang timang 'to." Napakamot na lang ako ng ulo.

"So, mahal mo 'ko?"

My God, Sabrina.

"Sure ka na diyan sa tanong na 'yan, Sab?"

"Naguguluhan kasi ako!"

"Naguguluhan ka kasi ayaw mong tanggapin na lang. Puwede mo namang isiping, 'Thank you for loving me, Clark. I appreciate it so much,' tapos normal na. Kahit hindi ka na mag-I love you, hindi naman sasama ang loob ko."

"Wait! Nanliligaw ka ba? May tulips sa kitchen, bigay mo raw."

"Tulips lang yung pink sa flower shop ni Tita Hellen ngayon. Ubos na roses nila kanina pang umaga, e."

"Nanliligaw ka nga?"

"Hindi."

"E, ano 'tong mga paandar mo today?"

"Valentine's Day, siyempre."

"Ano tayo?"

"Tao."

"Claaark!" tili niya at nagdabog pa ng paa! Ang lakas tuloy ng tawa ko.

"Bakit ba kasi overthinker ka?" Mula sa gitna ng kama, halos gapangin ko na ang higaan para lang kunin ang kamay niya at ipalapit siya sa akin.

"If this is a joke, this is not funny," naiiyak na sabi niya, parang inaaway ko naman. "Ang complicated na nga ng situation ngayon, gaganituhin mo pa 'ko."

ABS #4: CLARK MENDOZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon