Chapter 10: Flashback....

8 0 0
                                    

Kassandra POV

Lumipat na ko ng school nung nag HS ako. So, kasama ko na ung pinsan ko. Madami akong natutunan sa HS, lalo na ung pag tawa ng sagad ung wala ng bukas, tapos ung kainan overload, meron pa soundtrip ng malakas sa loob ng room tapos lahat kami kakanta. Rock kung rock \m/

2nd yr.....

"Kambal gala tayo?" Si Yang. Dba sabi ko kambal ko siya. Wag literal ah. Tawagan lang namin yan. Napag kakamalan kasi kaming kambal. Hahaha. Ewan kong totoo.

"Sige." Masyado pa kasi kaming close dati. As in sobrang close.

3rd yr....

Dito parang nag lalilo ako sa kanya. Lilo? Umiiwas yun. Hehehe. So, yun na nga. Kasi may boyfriend na siya nun. Minsan nga nag tatampo ako sa kanya kasi ung dati naming samahan wala na. Kaya ayun naging kaibigan ko na sina Charisse, Catherine, Nenick at si Jane. Lagi na kaming mag kasama hanggang ngayon padin. Hahaha.

"Be. Mag kaaway kami ng boyfriend ko." Si Yang. Araw araw naman yan ganyan e. Tapos sakin siya lalapit, ako naman ikocomfort ko.

"Ganyan talaga be. Nag mahal ka, masasaktan ka din. Dba sabi ko nga sayo Matatapang lang ang pwedeng mag mahal. Pero maayos din yan." Hahaha. Magiging Dj na nga ko sa kanya e.

Minsan naiisip ko din kung anong feeling ng may nag mamahal sayo. Akala ko puro depression lang ang mahahatid nito sayo, hindi pala. Hahaha. Dati kasi sobrang bitter ko. Kaya siguro wala akong lovelife nun. Hindi pala masamang mag mahal. Ngayon ko lang nalaman. Mukha pa kasi akong pagkain nun tapos ang isip bata ko pa. Iiyak ng walang dahilan. Dba parang baliw lang.

Everything has changed. People change. Things change. Basta may change.

End of flashback.......

"Hoy! Anong pipiliin natin na gown? Tulaley ka na naman e." Si Jane.

Andito kasi sila sa bahay para mag sukat ng gown for JS. Yung mga gown dinala dito para daw sabay sabay na kami mag sukat. Mga excited e, isang linggo pa. Hahaha. Malapit na din pala.

"Hindi noh. May iniisip lang." Ako.

"Sus. If I know! Hahaha. Kamusta na kayo ni Nathan? Ikaw ah, di ka man lang nag sasabi." Si Catherine.

"Ito nalang akin." Sabi ko.

"Hahaha. Iniiba usapan." Silang lahat.

"Tumigil nga kayo. Wala." Sagot ko.

"Oh? Talaga? Nasa stage na nga kayo ng ligawan thingy e. Pumapag ibig na si Kassandra. Akala ko bitter lang siya forever e." Si Nenick.

"Hahaha. Pag ibig ka dyan. San niyo na naman yan nasanghap?" Ako.

"Edi sa mga boys. Hahaha. Pinag malaki pa talaga ni Nathan na nanliligaw siya sayo. Yieeee. Enebe! Peg ebeg na ituuu. Hahaha." Aw. Natatats ako. Hihihi. Si Jane.

Mga 2months na din kasi siya nanliligaw. Pati nga kela Mama e, todo ligaw din. Hihihi. Akala ko nga magagalit si Papa, hindi pala. Wag lang daw pababayaan ung pag aaral.

"Haha. Parang ewan lang e." Ako. Pero kinikiig na talaga sa loob.

"Kelan mo pala siya sasagutin? Baka mag sawa na yun ah. Hahaha." Si Jane. Sasagutin? Sa JS ata. Hm? Sige.

"Hahaha. Malapit na. Wag kayong ano." Ako.

Mas excited pa talaga sila kesa sakin.

"Yun naman pala. Edi lahat na tayo may mga lalaki. Maganda yan. May inspirasyon na lahat. Saka wala ng bitter satin. Hahaha." Si Charisse. Bitter daw? Hindi na noh.

Mga 6 ng hapon natapos kami sa pagsusukat. Ewan. Daldalan lang naman ung nang yari e.

Masaya padin ako kasi kahit may nanliligaw sakin, hindi ko padin nakakalimutan ung mga shunga shunga kong mga kaibigan. Dapat kasi balance lang.

PS. Masaya na ko kung anong nang yayari ngayon. Inlab na si Kassandra. Di na siya bitter. Hahaha.

-------------

Just a friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon