Kabanata 7

12 1 2
                                    


In a relationship

Hindi ako makatingin kay Arthur nang mag dinner kami. Ngayon ay kasama na namin si Lance. Ngayong magkakasama yung magkakapatid ay mas napansin ko ang pagkakahawig nilang apat. They all look chinito because of Chinese blood but you cannot ignore the Suarez blood on their faces. They all look good and handsome. Hindi na ako magtataka kung sikat silang lahat sa school at kilala ng lahat.

They are popular in Manila I'm sure mas lalo na dito.

Masaya ang naging dinner. Maraming kwento si tita Laila habang mapagbiro naman si Albi at Lance. Minsan ay nakikisama si Paris sa usapan habang si Arthur naman ay palaging nakakunot ang noo at naaasar kay Albi sa tuwing inaasar nito ang kapatid.

Hindi nga lang ako makatingin ng diretso kay Arthur the whole time dahil naaalala ko pa rin yung nangyari kanina!

I said my goodnight to tita Laila bago ako umakyat sa kwarto ko. Nagpaalam na rin ako kay tito Benedict at sa magkakapatid. Maliban na lang kay Arthur na hindi pa rin tapos kumain. Mukhang totoo nga na malalakas kumain ang magkakapatid na ito. Pero hindi halata sa kanila dahil pare-parehas magaganda ang kanilang mga katawan.

Kinabukasan ay maagap akong nagising. Marahil ay naninibago pa ako sa bago kong kwarto. I took a shower and wore my simplest attire. Jeans and shirt partnered with white sneakers. When I opened the door of my room ay nagulat ako nang makita si Arthur na lumalabas sa kwarto na katapat ng kwarto ko. Nagkatinginan kaming dalawa.

"T-That's your room?" gulat kong tanong. Magkatapat lang ang aming kwarto?!

"I told you not to talk to me. Nakalimutan mo na ba?" taas kilay niyang tanong. Huminga ako ng malalim.

"I was just shocked that your room is just across mine!" sambit ko. Napansin kong nakabihis din siya. He's wearing a gray shirt, maong and boots. Kumikinang ang kanyang dog tag na nakasabit sa kanyang leeg. Hindi na siya nagsalita at nilampasan na lang ako. Umigting ang panga ko. Tita Laila didn't tell me na magkatapat lang kami ng kwarto.

I sighed heavily. I guess... I don't have a choice! Maybe it's their way to make us close!

"Oh sabay kayong nagising ah! Come here, breakfast is ready!" anyaya sa amin ni tita Laila. Nakaupo na si tito Benedict sa table.

"Good morning tito Benedict," bati ko.

"Good morning, hija," balik niyang bati.

"Hindi kami sabay nagising. We just happen to come outside our room at the same time," Arthur's mood is sour in the morning.

Inignora na lang siya ni tita Laila at nginitian na lang ako. Umupo na lang ako sa dati kong pwesto kagabi. Si Arthur naman ay umupo sa tapat ko.

"Tulog pa po sina Albi?" tanong ko nang mapansing wala pa yung tatlo.

"Naku, mamaya pa ang gising ng mga yun. Si Arthur lang ang maagap magising sa magkakapatid," tita Laila said. Tumango ako. I looked at Arthur. He's sipping his coffee while scrolling on his phone.

"Oo nga pala. Ngayon ang enrolment niyo 'di ba? Arthur! Isabay mo na si Miah ha!" suhestyon ni tita Laila. Napakurap-kurap ako. Isasabay ako ni Arthur? Mukhang malabong mangyari yun!

"I have something else to do. I can't," Arthur immediately declined.

"Walang makakasama si Miah sa school. Sige na, samahan mo na si Miah," si tito Benedict naman ngayon. Nag-angat na ng tingin sa akin si Arthur. Nagulat ako nang bigyan niya ako ng matalim na tingin. Sa tingin niya pa lang sinasabi niya sa aking gumawa ng paraan para tumanggi o hindi mangyari ang gusto ng Mommy niya!

Days with you (SUAREZ SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon