Kabanata 1

24 1 0
                                    


Devil

Bata pa lang ay napapalibutan na ako ng mga tutor sa iba't ibang subjects ko sa school kahit pa araw-araw naman akong pumapasok sa school. At bata pa lang alam ko na ang responsibilidad ko bilang nag-iisang anak ng Zhang family.

My dad is Filipino-Chinese habang si mommy naman ay pure Chinese na nag migrate lang dito sa Pilipinas dahil na engage siya noon kay daddy. Zhang Island Bank Corporation is our family business. At dahil nag-iisa akong anak buhat ko lahat ng responsibilidad kaya naiintindihan ko kung bakit hindi ako normal na bata katulad ng iba.

I was five when my mother taught me etiquette, how to act like a girl, a woman, and how to be mindful of my every action. She taught me many things and I was obliged to learn it all. Kaya naman sa murang edad nasanay na rin ako sa ganoong buhay. Nasanay akong sumunod at hayaan ang mga magulang kong kontrolin ang buhay ko.

At kahit minsan hindi ko naisip ang sumuway. Marahil ay dahil kahit hindi ako malapit sa aking mga magulang malapit naman ako sa aking angkong, my grandfather. Siya ang palagi kong kasama at sa tuwing nalulungkot ako siya ang aking kasangga sa lahat ng bagay.

Most of the time ay palaging wala sina mommy at daddy sa mansion kaya masayang masaya ako kapag bumibisita si angkong.

"Nǐ hǎo ma, qīn'ài de?" (How are you, darling?) angkong greeted me with a tight hug as soon as he stepped onto our house. Masaya rin ako sa kanyang yumakap.

"Wǒ hěn gāoxìng nǐ zài zhèlǐ, angkong!" (I'm so happy that you're here, angkong!) maligaya kong sinabi. Humalakhak siya. Boring na boring na ako dito sa bahay. Wala akong magawa kundi ang magbasa o kaya naman tumugtog ng piano. Halos dalawang araw na rin simula nang umalis si mommy at daddy para sa isang business trip.

"I have a present for you," he said. Mabilis akong naging excited sa sinabi niya. Nilabas niya ang isang box sa kanyang bulsa at doon ay nakita ko ang isang bracelet.

"Thank you, angkong!" maligaya kong sinabi at kinuha ang bracelet at sinuot yun sa aking pulso. Kumikinang ito sa aking maputing balat.

"I know that you're so bored here already. At alam ko rin na nag-aalala ka sa paparating na graduation mo," he said. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya yun nalaman pero tama siya.

Next week na ang graduation ko sa senior high school ang problema sinabi sa akin ni mommy na next month pa sila makakauwi sa Pilipinas. Kaya ibig sabihin walang aakyat sa stage na kasama ko sa aking graduation!

Alam kong medyo disappointed sa akin si mommy. Well, hindi kasi ako ang naging summa cum laude. I am only a cum laude. Hindi umabot ang grades ko sa requirements na hinihingi. Pero ginawa ko naman ang makakaya ko para doon. Sa totoo lang ay masaya na ako kahit cum laude. Pero hindi ko maintindihan kung bakit... ramdam ko ang disappointment kay mommy.

"Sa tingin ko... ginawang excuse lang ni mommy ang business trip pero ang totoo... disappointed siya sa akin dahil hindi ako ang summa cum laude ng batch namin," malungkot kong sinabi kay angkong.

"Miah... hindi 'yan totoo. Your mother is not disappointed. She's just busy..." pagcocomfort sa akin ni lolo. Huminga ako ng malalim. Kahit ganito nagpapasalamat pa rin ako kay lolo dahil nandito siya ngayon. Angkong is my dad's father. And lolo is a Filipino-Chinese, nakapangasawa siya ng Chinese which is my grandmother, ahma. But sadly, ahma died in her 30s kaya si daddy lang ang naging anak nila. Hindi na rin naman nag-asawa si lolo ng iba dahil naging busy siya noon sa kompanya at kay daddy.

At noong siya ay mag 60 years old ay hinayaan niya na si daddy at mommy ang mag manage ng business. Kaya naman halos bilang sa daliri ang mga panahong kasama ko sina mommy at daddy.

Days with you (SUAREZ SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon