Since that night, I have never seen him again. I went there countless times, and I saw nothing but memories. Three months had passed since I stopped visiting that place, but I never stopped hoping that one day we would see each other again.
I remember that night as a wonderful night like I didnt try to end my life, I often see myself smiling while reminiscing the old times.
Uyy si ate naka ngiti, may jowa siguro yan sa school kaya siya kinikilig.
Nabaling ang paningin ko sa aking kapatid na ngayon ay nasa-aking harapan na. Hindi ko namalayan, nakangiti na pala ako habang nag-aayos ng gamit pa-uwi sa dati naming bahay.
Matagal na kami dito sa Cauyan ngunit hindi ko ginusto ang lumipat ng eskwelahan, naki-usap akong sanay maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa Jones, kung saan ko inumpisahan ang lahat.
Pumayag ang aking mga magulang at hinayaan akong umuwi ng Jones every sunday afternoon at bumalik ng Cauyan every friday evening. Naging ganon nga ang routine ko sa mga nakalipas na tatlong buwan at ngayon ay pabalik nanaman ako ng Jones, minsan ay naihahatid ako ng aking ama ngunit minsan ay hindi dahil sa maraming gawain sa restaurant.
Mama, si papa? Nag tungo ako sa kusina kung saan naroon ang aking ina na abala sa paghahanda ng pananghalian.
Umupo ako sa bar island at pinagmasdan siyang magluto. Lumingon siya saakain habang inihahalo ang kanyang putahe, kumuha siya ng kaunting karne rito at lumapit saakin. Inilahad niya ang hawak niyang sandok at ngumiti.
Kinuha ko ang hawak niya at kinagak ang karne, malambot ito at medyo maalat na matamis ang lasa. Tumango-tango habang ngumunguya, naka masi lang si mama sa aking ekspresyon.
Masarap ma, pero mas masarap kung daragdagan mo ng ketchup, nanaig yung hinalo mong asukal at malapit ng maging lasang cake dahil doon.
Ngumiti ako at inilahad ang sandok sakanya, tinawanan niya lang ako tska siya umalis pabalik sa kanyang niluluto.
Nasa resto ang tatay mo, pumunta kana doon at dalhan mo siya nito. Sabihin mong ito iyong bagong recipe na ginawa ni Maya. Magpahatid kana rin at maaga pa naman, nandoon na yong katulungan niya sa kusina.
Inabot niya saakin ang isang bag na naglalaman ng tupperware, kinuha ko ito at pumanhik na sa labas. Naglakad lang ako papuntang resto, tirik ang haring araw at sobra ang init ng panahon ngunit hindi ko na inisip ang sumakay ng tricycle.
Sa kabilang kanto lang naman ang resto at kayang kayang lakarin. Wala pang kinse minutos ay nakarating na ako, pagpasok ko ay marami ang taong kumakain at medyo maingay ang palagid.
Naririnig sa buong lugar ang maingay na stereo, mahilig sa music ang may-ari ng restaurant kaya naisip niya ang ganitong concept. Nag tungo ako sa staff room kung saan alam kong naroon ang aking tatay.
Hindi ako nagkamali dahil nandito nga siya at kasama niya si tito Kimo ang kaibigan ni papa at ang may-ari nitong resto. Nabaling ang atensyon nilang dalawa saakin nang akoy lumapit, naka ngiti silang tumitig saakin.
Inilahad ko ang aking hawak na bag sa aking tatay at umupo sa kabilang bahagi ng sofa.
Yan daw yong bagong putahe na ginawa ni tita Maya sabi ni mama pa.
Saad ko bago tumayo. Lumingon saakin si tito kimo at pinagmasdan ang aking kabuuan.
Uwi kana Hillary? Tanong niya saakin habang ang mga mata ay naka-tuon sa hawak kong duffel bag.
Bumaling ang tingin ko sa aking hawak at muling sumulyap sa gawi niya.
Opo tito. Magalang kong sagot.
YOU ARE READING
Semicolon
RomanceI've been trying to love and protect everyone, doing my best not to let them down and to make them proud of me. But I couldn't do the same for myself; I'm always dissatisfied in how I react and make decisions. I've never been satisfied with any acco...