"Kai! Kai! Bilisan mo na diyan! Six thirty na!"
"Opo ma! Magsusuot nalang ako ng sapatos!" sagot ko kay mama
Unanag araw nanaman ng pasukan namin ngayong taon
Simple lang buhay namin dito, may kaya kami pero minsan nauubos din ito
Pero kahit ganon, hindi naman nagkulang ang pagmamahal ng mga magulang ko sa akin
Nang matapos ako sa ginagawa ko ay lumabas ako para hanapin si mama
"Ma, hindi niyo na kailangan na magbigay ng baon sa akin ngayong linggo, binigyan na ako ni papa ng isang libo, tsaka baka umabot pa yun sa susunod" sabi ko sa kanya ng nakita ko siya sa labas na nagwawalis
"Sigurado ka ba? Marami pa naman kayong dadating na projects na kailangang gawin, baka kulang yan" si mama
"Hindi na po, kaya na to, magsasabi nalang ako kapag wala na talaga" sagot ko dito
"Oh sya sige na pumasok ka na"
Fourth year high school na ako ngayon
Syempre ngayong school year nato ay dapat maka graduate ako ng makapag senior high ako
Hindi pwedeng bumagsak at baka di ko na makita ang crush ko
Oo, crush ko, may crush ako dito sa campus, halos lahat naman siguro ng tao dito sa paaralan ay may crush
Naririnig ko nga na may mali daw sayo pag wala kang crush, pero ako syempre di naniwala sa sabihing iyon
Well nagkacrush rin naman ako kalaunan pero iba yata tong sa akin
Ilang taon na akong pasunod sunod sa crush ko, di ko nga alam kung bakit crush ko yon
Sino crush ko tanong niyo?
Edi si Robin Padilla ay este
Dean Uno CavezaSosyal ng name no? Crush ko eh, kaya dapat lang na sosyal
At dahil na din sa sobrang pagkasosyal madaming nagkakagusto sa kanya
Handa na nga akong tumalon ng building eh nung nalaman kong classmates kami pero di ko ginawa, magpapakasal pa ko no
Maganda, mayaman, matalino, sexy
Lahat niyan ay may gusto sa kanya pati nga ata mga pusa may gusto din sa kanya, lapit ng lapit ehDean Uno Caveza a smart, handsome and most of all hot rich daddy
Pero wala namang epek yun sakin
Hindi naman ako bumabase sa panlabas na anyo, ang mas importante sa akin ay mapagmahal at syempre may takot sa diyos, isang tao na mabuti, tapat at may responsibilidad sa lahat ng ginagawa niyaDi kagaya ng iba dyan basagulero, addict at manyak
Dami kong sabat no?
Ganon ako pagdating sa crush koNang makapasok ako sa room ay bumungad ang isang mahalimuyak na pabango na nanggaling sa crush ko
Bango naman...
Sa likod niya ako umupo dahil syempre gusto ko siyang makita
Nakaupo lang siya at busy sa kanyang cellphone, maiingay ang mga katabi niyang mga lalaki, sa harap niya naman ay tatlong babae na mukhang mayayaman
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang Instagram at hinanap ang account niya
Nakita ko naman din agad iyon
Meron siyang bagong post
Mukha niya iyon na nakatingin sa isang duyan
Nong meron sa duyan?
Binasa ko ang caption nito
"Alliah"
Mukhang napalakas ang boses ko sa pagkakasabi nun at nakita ko kung papaano lumingon ang ulo niya sa akin
Natakot ako sa pinakita niyang tingin sa akin, ito ay malamig na may halong galit
Mabuti nalang at dumating na ang aming guro
Anong problema niya? Sa unang pagkakataon ngayon ko lang siyang nakitang ganito makatingin
Galit ba siya? Baka di na niya ako magustuhan nito
YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThe only thing that Kaila Andrea Virero can do to her long time crush Dean Uno Caveza was to admire him from afar It's because he's hard to reach and their worlds are different