Ano ba naman tong araw na to nakakabadtrip
Halos di na nga natin maabot abot yung tao mukhang nagalit ko ata
Sayang naman
Nang matapos ang aming klase ay agad akong nagpasya na umuwi na lang muna at mukhang badtrip si crush
Di na niya ako tiningnan eh
Makulimlim ang kalangitan ngayon at mukhang ilang minuto nalang ay babagsak na ang ulan
Maglalakad nalang ako ngayon sayang naman pera ko total malapit lang naman bahay namin dito, mga apat na kilometro lang naman
Wag ka munang uulan ha, nako at baka lagnatin ako di ko na makita yung Uno ko
Ilang minuto pa lang ang nalakad ko ay biglang pumatak ang ulan
"Hala ka" mahinang sabi ko
Tumakbo ako ng mabilis mas mabilis kay speed, speed? Sinong speed? Speed ba pangalan non? Ahh basta yung mabilis tumakbo
"Ahh! Kabayo!" napasigaw ako ng may biglang bumuseno sa likod ko, napatigil naman ako sa pagtakbo
Isang kulay blue na Range Rover na sasakyan ang aking nakita na nasa gilid ko na ngayon
"Get in" isang malamig na boses ang narinig ko galing sa loob ng sasakyan
Nagulat ako sa nakita ko
Hala ka, ready na akong makidlatan
Ano to blessing para sa akin
"Uno" sambit ko
Lumabas siya sa sasakyan niya dala ang isang itim na payong
"Pasok, ihahatid kita sa inyo"
"Ha? Wh-Sige ba basta libre" nararamdaman ko sa tiyan ko na may parang war of butterflies doon
Ano to free ride ng future husband ko
Yiee ang sweet parang ako
"San ka nakatira?" biglang tanong nito sa akin
Hindi na ba siya galit sa akin?
Ano ba kasi mali sa sinabi ko? Nakakaiyak naman to
"Sa Moore Homes lang" sabi ko
Hindi na siya umimik
Ano to? Teka ang bilis naman yata, parang kelan lang ay patingin tingin lang ako sa kanya, halos di pa nga mapansin
"Yung sinabi mo kanina" nagsalita siya
"H-huh?"
"Ahh yung Alliah ba?" tanong ko
"Yes, do you know her?" huh? Her?
"Ahh, hindi eh, pasensya na, tiningnan ko kasi yung bagong post mo kaninang umaga, yung may duyan, nakalagay kasi sa caption mo yung Alliah eh, di ko alam na napalakas ata yung pagkakasabi ko" paliwanag ko sa kanya
Ang haba parang pansit
Pero teka Tama nga kutob ko, tao ang pinaguusapan namin
Natahimik siya sa sinabi ko at nagpatuloy siya sa pag dadrive
"Sorry, I was rude earlier" biglang sabi nito
"Ahh hindi okay lang naman" sabay tango ko sa kanya
Malungkot si crush, ano ba yan
"Diyan mo nalang ako ihinto sa may kanto" sabi ko nang nakita kung malapit na kami
Tumango lamang siya
Swerte naman ng araw na ito, kaso nga lang di naman masaya yung Uno ko
Ano ba kasi nangyari? Sabi niya her so malamang babae
Babae.... Baka ate niya o mama
O baka naman...Hay nako tama na nga, basta nakausap ko crush ko
Once in a life time lang to mangyari kaya pasalamat ko at umulan
Papansinin din niya kaya ako bukas?
Pano kung hindi?
Biglang huminto ang sasakyan at ibinigay niya sa akin ang payong
"Ahh, salamat sa paghatid sa akin tsaka dito sa payong" Sabi ko at lumabas sa sasakyan
Hindi pa ako nakakalakad papalayo ay narinig ko siyang sumigaw
"Anong pangalan mo?! " sigaw nito
Namula ang aking mukha
"Kaila!" sigaw ko pabalik
YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThe only thing that Kaila Andrea Virero can do to her long time crush Dean Uno Caveza was to admire him from afar It's because he's hard to reach and their worlds are different