UNEDITED.
Nandito ako sa likod ng school gym, nagpapahinga sa ilalim ng malaking puno, this is my hang out, my place, my hide out. Tahimik dito, ako lang mag isa kasi I bought this place sa school owner kaya pagmamayari ko ang lugar na to, ang likod ng school gym. Nung una nga ayaw pa pumayag, but of course because of the money, pumayag din sila. Kaya eto, property ko to.
"Brie~"
"Why Jade? I'm resting." Simpleng sagot ko sa tumawag ng pangalan ko.
"Can I accompany you?" tanong niya.
"Of course. You don't need to ask, you're my bestfriend so need to ask for permission." Sagot ko, naramdaman ko naming tumabi sakin si Jade at sumandal din sa puno.
"Ang tahimik talaga dito." Marahang komento ni Jade.
"Yep. And so relaxing. Anyway, what's the matter? Why all of a sudden?" tanong ko at bumaling sa kanya, pero kunot-noo lang ang sinagot niya sakin.
"You know what I mean Jade." Mariin kong sabi.
"Hay! Ikaw na talga Brie! You really know me." Sagot nito sabay nguso.
"Spill." Sabi ko at hindi pinansin ang nguso niya.
"Si George kasi~" alangang sabi nito. Tsk! George nanaman!
"Ano? Nabalitaan mo nanaman na may nililigawan siya?" medyo asar kong tanong sa kanya. Tumango siya bilang sagot.
"Hay nako Jade! Ikaw na talaga! Ikaw na ang dakilang may crush kay George! Tindi mo eh noh? 5 taon ka nang may crush kay George! Hindi ka naman umaamin sa kanya! Tapos pag may nababaitaan kang nililigawan siya pang Biyernes Santo yang mukha mo! Nako Jade ha! Ako nga eh tigil tigilan mo!"
"Brie naman eh~ Ang gwapo kaya ni George! Ang bait pa, tapos gentleman, friendly ...."
Patuloy siya sa pagsasalta pero hindi ko na pinakinggan, yan naman lagi niyang sinasabi sakin kapag sinesermuna ko siya tungkol sa pagkagusto niya sa George nay un eh! Jusko tong babaeng to! Matindi!
"Huy Brie! Di ka namn nakikinig eh!" asar na sabi niya.
"Galing mo Jade ah! Pano mo nalamang hindi ako nakikinig?" amuse kong tanong.
"Tsk! Wag ka nga Brie!" inis pa din na sabi niya. Tsk. Pikon.
"Hay nako! Tara na nga! Malapit na mag umpisa ang klase natin." Sabi ko habang hinihila siya patayo.
"Ewan ko sayo Brie~ ganyan ka naman palagi eh~" mangiyak ngiyak na sabi nito. Asus! Paawa pa ang bestie ko.
"Ikaw naman kasi Jade, ayaw mo makinnig sakin, sabi ko naman diba? Tigilan—"
"Sssshhhhhhhhhh!! Stop! Stop right there Brie!" putol ni Jade sa sasabihin ko. Pfft. Grabe na talag to. Malala na!
"Pfft. Fine. Fine. Titigil na." sabi ko at pinigilang matawa.
"Class, may bago kayong kaklase." Panimula ni Ma'am pag-pasok niya ng classroom.
"Bago? Eh halos kakatapos lang ng midterm ah? Pwede pala yun?"
"Transferee sa gitna ng semester? Ayos ah!"
"OMG! Sana lalaki at gwapo!"
"Pre! May bago! Sana chicks!"

BINABASA MO ANG
Who's my.... WHAT?!
Teen Fiction[HIATUS] Will they become a good couple? Or it will be the start of World War 3?