Chapter 01

3 0 0
                                    

CHAPTER 01


Lakad-takbo na ang aking ginawa pagkatapos kong magbayad sa drayber ng tricycle. May nakabangga pa nga akong kapwa estudyante kaya't nagsorry agad ako. Patuloy ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang anunsyo sa speaker na nakakalat sa buong iskwelahan. 

"Requesting all students to please be at the gym for we are about to start our flag ceremony. Thank you."

"Excuse me!" Hindi na ako nagsayang pa ng oras at tuluyan ng tinakbo ang pasilyo.

Lumiko ako pa-kanan at pumasok agad sa silid na may sign sa pintuan na Grade 12 STEM-A. Mabilis na inilagay ko ang bag sa pinakamalapit na upuan sa pintuan at lumabas papunta sa gym.

Pagkarating sa gym, hindi ako agad nakasali sa linya ng mga kaklase ko dahil hindi ko pa sila kilala. Malay ko kung sino sa kanila ang nasa parehong classroom ko.

This provincial high school is huge! Karamihan sa mga estudyante ay galing pa sa malalayo dahil hindi marami ang iskwelahang pang-sekundarya sa lugar na 'to. 

I was standing in the entrance for already a minute. The place was chaotic with students conversing with their friends. I was hoping someone will usher me to my designated line.

"Hi! Transferee ka?" unti-unti ko ng nabawi ang aking paghinga nang may lumapit sa akin. "Opo." Tanging nasambit ko. Hinawakan ko ang aking dibdib para ikontrol ang aking paghinga.

I am friendly pero introvert pa rin naman ako. Naunahan lang ng kaba dahil sa dami ng tao kaya't hindi ako lumapit ninuman.

"Ako si Roko. Ikaw?" inilahad niya sa akin ang kanyang kamay at ngumiting hindi pinapakita ang ngipin.

He seems harmless so I accepted his hand. "Anna."

"You look troubled standing here kaya pinalapit ako ng SSG President sa'yo." Tinuro niya ang babaeng hindi malayo sa amin na busy sa pagsisita ng mga estudyante. She looks strict in her round glasses plus she's tall. Definitely someone who has authority over other students.

"Would you like me to help where your classmates are?" he continued.

"Yes, please. I'm from Grade 12 STEM-A."

Lumitaw ang galak sa kanyang mga mata nang sabihin ko ang grade level at section ko. "Great! I'm one of your classmates! Halika, ihahatid kita sa linya." 

Agad siyang naglakad patungo sa pinakaharap ng gym. Tila isa akong sisiw na sumusunod sa kanyang ina. Sa kabutihang palad, wala sa akin ang atensyon ng mga estudyante dahil tumunog ang mic sa stage.

"Dito ka. Iwan na muna kita, huh? Kita nalang tayo sa room." sabi niya nung narating na namin ang linya.

"Salamat." sinserong pagpapasalamat ko sa kaniya bago siya lumayo.

Magulong nagsibalikan kaming lahat pabalik sa room. Umupo ako sa upuang pinaglagyan ko ng bag. Halos nasa loob na ang lahat at sa tantiya ko'y nasa 40 kaming estudyante. May ilang upuan na may bag na pero wala pa yata ang may-ari.

The room has a cream-colored wall.  Instead of green boards, we got white boards. The chairs are all metals but was painted with chocolate brown. And the most important of all, their are 4 ceiling fans which seems to be newly installed.

"Hello." Natigil ako sa pag-obserba ng aming classroom dahil sa pamilyar na tinig. He passed by my place and sat on the chair in front of me. I smiled and replied. "Hi."

"Simula pa nga lang ng pasukan tapos high blood na ako!" A girl irately sat beside me. Medyo nagulat ako ng makilala kung sino ang katabi ko.

It was none other than the SSG President.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All in Good Time (Claro Cortez #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon