V. Si Eli Na Nagugulumihanan

1 0 0
                                    

V. Si Eli Na Nagugulumihanan

Pagkababa ni Eli sa sasakyan ay sinubukan niya muling tawagan ang Nobya. Mahinang ambon na lang kaya hindi na siya nagbukas pa ng payong o tumakbo papasok ng bahay.

Kanina niya pa ito tinatawagan pagkasakay pa lamang niya sa sasakyan kaninang pauwi siya galing sa Photography Eli. Limang minuto lamang ang layo ng bahay nila sa branch ng Photography Eli na pinanggalingan niya at sa loob ng minutong iyon, hindi nasagot ni Rita ang tawag niya.

Ang totoo, hindi niya gusto ang nararamdamang atraksyon sa babaeng ngayon ay katransakyon na niya. Hindi niya gustong magkasala sa Nobya niya kahit ilang minuto lang. Kaya naman agad siyang lumabas at umuwi kahit pa may kalakasan ang ulan dahil nakakaasiwa ang ganuong pakiramdam. Nuong una, akala niya'y nagagandahan lang siya sa dalaga na normal naman. Kagaya nang pagmay nakikita siyang maganda. Kagaya nang kung gaano siya nagagandahan kay Mica minsan sa opisina. O ngayon ay dating opisina. Ngunit nung nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap, bakit tila ba mas nahuhumaling siya dito? Hindi naman siya ganuon kaganda katulad ng mga artista pero para bang may kung ano sa dalagang ito na kapag mas kinilala niya ay tuluyan siyang mahuhumaling. Sa sandaling pag-uusap nila, magaan kaagad ang loob niya dito. Kaya naman siya na ang gumawa ng paraan para layuan ang kung ano pa mang pwedeng mamagitan sa kanila.

Totoong maganda 'yung singsing. Ngunit ngayon, ay parang ayaw na niya bilhin para maputol na ang maari pang maging ugnayan nila nung Elica na 'yun. Ipapabalik na lang kaya niya ang P5,000? Si Ehra na lang ang pakokontakin niya. Ngunit, isang bes na lang naman ang transakyon niya dito at pwede din namang si Ehra na lang ang makipagtransact at makipagkita dun sa Elica. Hindi pa makapagdisisyon si Eli.

"Hello, Hon... nasa tricycle na ko." Sabi ng nasa kabilang linya. Sinagot na pala ni Rita ang tawag niya.

"Ah, buti naman. I love you, Hon. Mahal na mahal kita. I miss you." Naglakad na papasok ng bahay si Eli.

--------

Kakagising lang ni Rita mula sa pahinga niya pagkauwi galing byahe. Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya. Alas sais na ng gabi. Nakita niyang may text message sa kanya ang nobyong si Eli, "text mo ko pag gising mo, Hon."

Bumangon siya at pumunta sa kusina na ilang metro lang ang layo sa higaan niya at hapagkainan. Maliit lang ang apartment ni Rita. Waring isang malaking kwarto lang ito na pinagsama-sama na ang mga bahagi ng bahay. Konting lakad lang niya mula sa kama ay nasa kusina na siya at hapagkainan, konting lakad mula duon ay ang CR at laundry area. Maliit na apartment ngunit malaki na kwarto ang maaring idiscribe sa tinutuluyan ni Rita.

Binuksan niya ang tukador kung saan nanduon ang mga de lata niya. Namili siya sa pagitan ng century tuna at san marino. Pinili niya ang hindi mamantika. Kinuha niya ang loaf bread sa tabi ng mga de lata. Umupo sa hapagkainan at binuksan ang easy open na san marino kasunod naman ang tinapay na nasa kalahati na lamang ang laman. Pinalamanan ang tinpay at kinagat.

Muling kinuha ang cellphone na naiwan niya sa higaan at bumalik sa hapagkainan. Nireply niya ang text ni Eli, "kumakain na ko, Hon. Kain ka na din."

Maya-maya lang ay tumunog na ulit ang cellphone sa reply ni Eli, "Oo, kakain na din kami dito. Pangat, pangatlong init na. Haha. Pero paubos na 'yung handa. Buti naman. Hehe"

Natawa si Rita sa text ng Nobyo. Pagkatapos ay naalala ang pabaon na ulam sa kanya ni Tita Rosie kung kanyang tawagin ang nanay ng kanyang Nobyo. Hindi siya nakapagsaing at tinatamad naman siyang magsaing pa. Kaya naman tumayo siya at kinuha sa bag na dala niya kanina. B8nuksan at inamoy niya ito. Hindi naman napanis. Agad niya itong nilagay sa maliit niyang ref sa tabi ng lababo. Bukas na lang niya ibabaon, naisip niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Pagitan ng Walang HangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon