Si Eli na Matagumpay

7 0 0
                                    


I. Si Eli na Matagumpay

Matagumpay.

Kung meron mang salitang magdi-describe ng kinalalagyan ng buhay ngayon ni Eli Salazar, 'yun ay ang salitang 'yan – MATAGUMPAY.

Bukod sa mukha naman talaga siyang matagumpay dahil sa tindig niya kapag naglalakad o uupo man o makikipagsalamuha sa ibang tao... 'yung tipo na kahit pawisan ay mukhang mabango pa din idagdag pa ang awra nito na maaring pagkamalang masungit na minsan ay totoo naman. Mabuti na lamang at kayumanggi ang kulay niya kung hindi ay napagkamalan na siguro siyang binabae lalo na't maypagkakulot ang buhok niyang madalas ay gupit bao.

Sa isip niya, wala na siyang mahihiling. May maganda at stable siyang trabaho sa isang kumpanya na tinitingala at pinagkakaguluhan ng iba na makapasok o makakuha ng pwesto dito. Isa na siyang Head Department Officer ng isa sa higanteng telecommunication company sa bansa na may pangalang JAGUAR. Makalipas lamang ang pitong taon na pagtatrabaho niya dito bilang Admin Assistant ay nakuha na niya ang promotion sa kasalukuyang posisyon.

Bukod dito, meron siyang sariling business kung saan hawak niya ang pamamalakad. Isang photo studio. May tatlong branch na ito sa kasalukuyan. Pinangalanan niya itong Photography Eli, halaw sa pangalan niya. Ito ang naisip niyang ipangalan dito sapagkat saklaw nito ang marubdob na passion niya sa paglilitrato. Noong una ay hobby niya lamang ang pagkuha ng mga portrait ng mga taong nais niyang maging subject, ngunit 'di nagtagal ay naisipan niyang gawin itong business at sinimulan niya na nga ang pagpapatakbo nito kahit kakaunti pa lang ang naiipon niya. Ang paniniwala niya kasi, hindi magkakatotoo ang isang bagay na inaasam mo kung hindi ka gagawa kahit maliit na hakbang upang isakatuparan ito. Kaya naman, sa P10,000 na naipon niya, sinimulan niyang paunti-unti na bumili ng mga gamit para sa unang branch ng Photography Eli hanggang sa nadagdagan na ng nadagdagan ang mga ito at gumanda na ang mga kagamitan sa patuloy na paglago ng negosyo. At makalipas nga lamang ang 9 na taon, eto siya... nagmamay-ari na ng tatlong branch nito.

Kung minsan ay naiisipan niyang mag-resign na lamang sa pagiging empleyado at magtuon ng buong atensyon sa kanyang business, ngunit naisip niya na sayang din naman ang kinikita niya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Saka na lamang siguro, kapag tapos na ang bahay na ipinapagawa niya sa isang subdivision sa Tagaytay at kapag tapos na niyang mabayaran ng buo ang kulay itim na Pajero niyang ni-loan gamit ang kanyang trabaho. At oo, wala siyang garahe.

Hindi lang sa career matagumpay si Eli, maging sa buhay pag-ibig niya. Sa ngayon, kuntento at wala na siyang hahanapin pang iba sa kasintahan niyang si Rita.

Hindi man galing sa mayaman na pamilya ang kanyang kasintahan, minahal naman niya ito ng lubos at naging tapat dito.

College pa lamang ay magkakilala na ang dalawa at nagkaroon lamang ng lakas ng loob si Eli na magtapat ng pag-ibig kay Rita nuong narealized niya na ayaw niyang mapunta sa kahit kaninong lalaki ang babaeng kasa-kasama niya sa klase. Kaya naman nung may nagtangkang manligaw kay Rita nuong malapit na silang magtapos ay gumawa ng paraan si Eli upang sa kanya mabaling ang atensyon ng babae at kalimutan ang lalaking nagtatangkang manligaw sa kanya.

Epektibo naman ang nangyari. Ngayon nga ay mahigit isang dekada na silang magkarelasyon ng babaeng saktong-sakto sa puso niya. Anu pa nga ba ang mahihiling niya kung ang kanyang nobya ay 'sing sarap magluto ni Chef Boy Logro. Naghihintay na lamang siya ng tamang panahon sa kanyang pagpo-proposed kay Rita at paplanuhin na din nila ang kanilang kasal at buhay may pamilya. At hina-hayaan muna niyang i-enjoy ni Rita ang buhay ng isang researcher sa isang 'di kasikatang TV program ng isang TV station ng bansa.

Ang pamilya naman ni Eli ay tahimik na naninirahan sa kanilang probinsya ng Silang, Cavite. Palibhasa ay nag-aaral pa ang dalawa nitong kapatid na kasama ang mga magulang niya sa bahay, sina Erik at Ehra na 17YO na kambal, kaya ninais ng mga ito na hindi iwan ang probinsya. Bukod pa riyan, tahimik ang buhay sa probinsya. May kaya sa buhay ang pamilya ni Eli kaya naman hindi niya kailangan na buwanang magsuporta sa mga ito.

Sa Pagitan ng Walang HangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon