CHAPTER 1 - We Are Young

8 0 0
                                    

Yaaaay here we come to the first chapter! You can comment here para malaman ko feedbacks nyo about the flow of the story. Thankyou :)

Chapter 1 - We Are Young

ANDREI's POV

"Alas otso na, nasan na kaya ang barkada? Kanina pa ako dito bakit wala pa sila? Filipino Time nga naman talaga oh!" naiinip na sabi ko.

"Oh! Yael pare kanina ka pa diyan?" sabi ni Josh, sabay tapik sa balikat ko.

"Oo par kanina pa, bat ang tagal niyo?!" nakabusangot na sabi ko.

"May ginawa lang kami saglit par. Tara sibat na tayo." sabi niya.

Tulad ng mga tao, lahat tayo kailangan magsaya, kailangan maglibang, kailangan magpakaiba. Kaya ngayon eto kami maglilibang.

"Pare? San yung gig ngayon?" tanong ko sa tropa.

"Tomas Morato daw par." sabi ni Josh

"Ang layo dude." sabat ni Ambert

"Okay lang yan par, pampadagdag kita din yan, tsaka exposure narin yan no." sabi ni Ven, habang nakaakbay kay Ambert.

Sila. Silang tatlo ang mga matalik kong kaibigan, kabanda, kapatid, kapuso, kapamilya at lahat lahat na. Kami ang magkakasama sa mga kalokohan, kasiyahan, kalungkutan. Pag may problema ang isa, problema na ng lahat. Kumbaga "one for all, all for one" kami. Nagkakasundo kami dahil sa musika. Parepareho naming hilig ang pagtugtog. Si Josh, Si Ambert, Si Ven at Ako. Kami ang BARKATROPA.

---

Si Josh Aguilar, ang Drummer ng banda, gwapo, chinito at playboy! Sa aming apat siya ang pinakamatinik sa babae, paano ba naman kahit di niya kilala lalapitan niya FEELING CLOSE, pero mabait yan wala akong masabi sa ugali niya.

Si Ambert Caringal, ang Bahista. Astig yan mga chong, ibang klase, walang katulad. Pag siya binigyan mo ng gitara hindi na titigil yan sa pagkalabit ng mga strings. Kaya nga ang daming nagkakagusto sa kanya, kaso ayaw naman niya. May balak yata tong maging matandang binata. Sayang ang GWAPO MO CHONG!

Si Ven Zabala, ang Lead Guitarist. Isa pa to, kung si Ambert walang tigil sa pagkalabit ng gitara eto naman sasabayan ng sayaw pag naggigitara, mapa live na tugtugan o kahit sa practice lang namin, pero imba to chong ibahin mo siya sa dalawa, dahil si Bang masaya na sa buhay may pamilya, pano ba naman, 14 years old palang may binuntis na ano? Imba talaga to no? haha.

At ako naman si Andrei Yael Nuqui. Ako ang vocalista ng Banda, tahimik lang....... Pag tulog pero pag nandiyan na ang tropa ihanda niyo na ang inyong tenga dahil nandito ako para mambulabog sa inyo. POGI DIN AKO. (Ehem, sariling puri.)

YAN AKO NOON NUNG KASAMA KO PA ANG MGA KABANDA KO. NUNG BUO PA KAMI.. NAPAKASAYA NAMIN NOON, TILA BA KAMI LANG ANG TAO SA MUNDO. WALA KAMING PINOPROBLEMA, BASTA TUMUGTOG LANG KAMI OKAY NA. KASO NUNG NAGANAP YUNG AKSIDENTENG YUN NA KUMITIL SA BUHAY NG DALAWA KONG KABANDA, NAG-IBA NA ANG BUHAY KO.. NAGBAGO NA ANG LAHAT. HINDI NA TULAD NG DATI.

FLASHBACK**

(LAST YEAR)

"Alas otso na, nasan na kaya ang barkada? Kanina pa ako dito bakit wala pa sila? Filipino Time nga naman talaga oh!" naiinip na sabi ko.

"Oh! Yael pare kanina ka pa diyan?" sabi ni Josh, sabay tapik sa balikat ko.

"Oo par kanina pa, bat ang tagal niyo?!" nakabusangot na sabi ko.

"May ginawa lang kami saglit par. Tara sibat na tayo." sabi niya.

Tulad ng mga tao, lahat tayo kailangan magsaya, kailangan maglibang, kailangan magpakaiba. Kaya ngayon eto kami maglilibang.

YOU ARE MY LOST LYRICSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon