City of Love

17 3 1
                                    

Sunday came, and Yuri had kept her poise since the day of their planned photoshoot. She was just thankful that all their shoots were only for solo profiles, which indicates their beauty. She's sure if her cousins decided to do it as a couple theme, they would partner her with Dave, especially since he was the VIP there.

Kung magrereklamo siya, paniguradong kahihiyan iyon para sa kaniya. Baka talagang makatanggap siya ng samu't saring masasamang salita mula sa fans ng binata. Kung sa pagpost pa nga lang nito sa larawan nilang dalawa ay kung ano-ano na ang nasasabi ng mga tao. Paano pa kaya ngayon? Baka mas lalong bumaho ang imahe niya sa publiko.

Nakahinga lamang siya nang maluwag noong nagdeklara ang kaniyang  pinsan na mananghalian muna bago magtungo sa susunod nilang destinasyon na pagkukuhanan nila ng litrato.

"Amora, bakit ang tahimik mo yata masiyado? I-enjoy mo naman itong photoshoot! Puro seryoso rin ang aura mo sa mga naunang pictures! Lagyan mo naman ng kaunting pagngiti!" imporma ni Crys sa kaniya noong sabay-sabay silang nakapasok sa pinakamalapit at kilalang Cafeteria sa Manila, ang International Café.

She rolled her eyes. It wasn't her choice! Her given theme was Lily, which means the sweet and innocent beauty. So she has to look sweet yet looking confused in the photo, and smiling in the camera won't make her look like it.

Her cousin, Dahlia is Dahlia, which symbolizes beauty, commitment, and kindness.

As for Crystianna's choice, she picked her favorite Crysanthemum which describes their friendship, happiness, and well-being.

"Iyon nga ang role ko, hindi ba?" sarkastiko niyang sagot at umirap, o pangalanan na nating "playsafe answer." Dahil sigurado siyang aasarin lamang siya nito kapag nagbanggit pa siya ng kung ano-ano. "Sige nga, turuan mo ko. Paano mo 'yon ia-act sa harap ng camera?"

Mayamaya'y tumawa ito tila nang-uuyam. "Sus! Natatakot ka lang na baka i-partner ka kay Dave, e! Akala ko ba naiklaro mo na sa kaniya? Bakit parang ikaw yata ang hindi mapakali?"

Umirap ulit siya. "Tigilan mo nga ako, Crys. Wala ako sa mood."

"Asus! Kunwaring wala sa mood! Kilala kita, hoy! Nasa labas at galaan ka tapos mawawala ka sa mood? Aminin mo na lang kasi na natatakot ka ma-ipares sa kaniya!"

That was true. She's usually in her hyper mode when they are outside. But today is different.

"Hindi ako nagjo-joke! Wala talaga ako sa mood simula kanina pang umaga, Crys. Pero sige, aaminin kong natatakot din talaga ako at ayaw ko ring makapares siya. Remember what happened last last Sunday?"

Kinakabahan din siya sa maaaring mangyari. Lalo na't matagal-tagal din nawala sa buhay niya si Dave. Kaya hindi niya alam kung kaya niyang umakto na parang wala lang ang kinahantungan ng nakaraan nila.

"Okay, sabi mo, e," pag sang-ayon na lamang ni Crys kahit halata sa boses nito na hindi naniniwala sa kaniya. "Pero nabasa mo na ba 'yong comments ng iba kay Dave sa update niya last week? Sa twitter..."

"Oo. Hindi ko na lang pinapansin dahil wala naman silang alam. Isa lang naman silang mga supporter na masiyadong naaaliw sa mga iniidolo nila. At syempre, doon sila kakampi. Kaya kung ano pa maging reaksyon ko, kung na kay Dave lang tainga nila, wala rin akong magagawa."

"Pero nagpost si Dave, ah? He was defending you..."

"Dapat lang talaga 'yon dahil kasalanan din niya." Huminga siya nang malalim. "From the very first time he approached me, I cleared everything to him, Crys, and you know that. But what did he do? He posted our pictures with a caption that will surely get his fans' attention. Sa friends pa nga lang ay kita mo na posibleng kahinatnan."

Lily of the ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon