Chapter 1

16.6K 142 53
                                    

>> Chapter 1 <<

     In-off ni Francine ang t.v. nang marinig ang tinig ng mga magulang mula sa labas ng kaniyang silid. Sinipat niya ang oras sa digital clock na nakapatong sa side table. Alas-siyete  trenta y dos ng umaga. Patamad na bumaba siya mula sa malambot na kama sa okupado niyang silid ng resort-style hotel unit na inupahan ng kaniyang mga magulang. Pagbukas pa lang niya ng pinto ng silid ay bumulaga na kaagad sa kaniya ang ingay ng kaniyang mama at papa. Nagmamadali ang mga ito. Pabalik-balik na parang laging may nakakalimutan kung saan. Pinapaalalahanan ang isa’t isa ng kung ano mang kailangan nilang dalhin. Sa sobrang pagka-absorb ng mga ito sa paghahanda sa pag-alis ay ni hindi siya napansin ng mga ito.

     “’Ma, ‘Pa. Bakit ganiyan ang ayos ninyo? Maglilibot lang tayo sa Tokyo”, tanong niya kahit alam na niya ang dahilan sa ayos ng mga ito.

     “I’m sorry, hija. May breakfast meeting kami ng Papa mo at sina Mr. Nakamura. This is a big business deal, baby. It’s very important”, paliwanag ng kaniyang Mama nang sabay na matigilan ito at ang kaniyang Papa sa pag-aayos.

     Tumango lang siya bilang sagot.

Why am I not so surprise?

     Nilapitan siya ng kaniyang Papa.

     “Hija, I know we promised you that we’ll go around Tokyo today. Pero tumawag si Mr. Nakamura kagabi at ngayon ang napagkasunduan naming schedule for meeting. Masyadong busy siyang tao at importanteng mai-close namin ng Mama mo ang deal with him, kaya we have no choice, hija, but to agree to see him now.”

     “I understand”, mahina niyang sagot.

     “Look…we promise after we finalized everything, we’ll go anywhere you want. We’ll even see the whole Japan if you want. We can stay for a couple more days”, pang-aalo ng kaniyang Mama.

     “No, it’s okay. It’s not necessary.”

     “Are you sure, hija?”

     Tumango siya.

     “Alright.”

     “Honey, we have to go”, ang kaniyang Papa.  

     “Okay, baby.” Hinalikan siya ng kaniyang Mama sa noo. “We’ll go now. Take care, okay?”

     Tango lang uli ang isinagot niya.

     “Do you have everything you need, France?”

     “Yes, ‘Pa.”

     “You have your credit card, right? That’s good here, too. You can order a room service if you get hungry. Or you can go down. Maraming restaurant outside the hotel. Keep your cell phone on. Your mom and I will call you later.”

     ‘Yun lang at nagmamadali nang umalis ang mga ito. Naiwan siyang nag-iisa sa hotel room. Kahit lagi siyang naiiwang mag-isa ng mga magulang ay okay na rin siguro sa kaniya. Sanay na siya. Simula pagkabata niya ay sa yaya na siya lumaki. Ang mga katulong ang lagi niyang kasama at kalaro. Pati nga bedtime stories ay ang yaya Pacita niya ang gumagawa. Lumaki siyang masagana sa lahat ng bagay except for one. Her parents’ attention. Kaya naman masaya talaga siya nang ianunsiyo ng kaniyang magulang na magbabakasyon sila sa Japan bilang selebrasyon ng thirteenth birthday niya. Matagal na niyang gustong makapunta sa Japan. Masyado siyang fascinated sa mga buildings na designed ng mga Hapon. Pati ang Japanese maple tree na gustung-gusto niya ay nakakapagpa-excite sa kaniya kapag naiisip niyang makakakita na rin siya nito. Hindi yung sa mga magazine lang. Gustung-gusto niya ang pagpapalit nito ng kulay ng mga dahon tuwing fall season sa Japan. At ang hugis ng dahon niyon na para sa kaniya ay kakaiba sa lahat. Parang bituin ang hugis ng mga iyon. Para tuloy sa kaniya ay espesyal ang maple leaf.

Thank God I Found You ~ CS book 1 (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon