Maraming lisensyadong nagsisilbi sa lipunan ngunit ilan sa kanila ay sahod ang nasa ulo. Iilan na rin ang mga empleyado ang nagpapakita ng tunay na serbisyo. Tama, tayo ay nagsusumikap upang makaahon sa hirap at makakuha ng permanenteng trabaho ngunit ang iba ay nawawala na sa tamang pwesto. Iisa ang puso ngunit libo-libo ang minamahal na tao. Maghapong bunganga niya ay gumagana, hindi na rin magawang bigyang oras ang kanilang pamilya dahil sa kanilang propesyon at naging tahanan na nila ang eskwela. Sila ang nagsisilbing ikalawang ama at ina na kailanman hindi dapat mawalan ng pag-asa na maghatid ng pangangailangan sa kanilang mga mag-aaral. Malinaw sa guro bilang tagapagdaloy ng kaalaman patungong karunungan at kasama na rin dito ang pagbuo ng pagkatao na maaring pagsisilbihan ng kanilang mga mag-aaral.
Simula noong ako ay tumungtong sa kolehiyo masasabi ko na nag-iba na ang aking mundo. Marami na ang mga bagay na hindi ko na madalas nagagawa kumbaga naging limitado na ang aking galawan. Ayoko nang masayang ang bawat segundo at natutunan kong bigyang importansya lahat ng mga bagay na mayroon ako. Siguro dahil malapit na ako sa mundo ng pagiging guro. Napapansin ko lahat ng aking naging guro simula elementarya hanggang ngayon ay nararamdaman ko kung gaano nila binibigyan halaga ang bawat segundo sa pagtuturo. Kung paano nila inaalagaan ng mga katulad kong estudyante upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan. May mga guro na kahit wala na silang sapat na pagtulog para lang makagawa sila ng maayos na daloy ng aralin na kanilang ibabahagi sa kanilang mga mag-aaral. Napagtanto ko na bilang isang guro hindi sapat ang pagiging matiyaga dapat mayroon kang puso na kayang patibayan ang iyong nararamdaman para maintindihan ang pagkakaiba ng mga estudyanteng tinuturuan. Dahil dito, napatunayan ko na iba ang antas kung paano maging isang epektibong guro sa hinaharap. Kaya sa mga kapwa ko estudyante ay iparamdam din natin ang tunay na pagmamahal sa ating mga mahal na guro dahil nararapat din nilang maranasan ang malinis at walang kumplikadong pagtingin. At higit sa lahat, tanggapin at ipagmalaki natin sila dahil sila ang tunay na namumuno upang tayo ay magkaroon ng masagana na pamumuhay at tayo ang kanilang magiging repleksiyon sa kanilang pagsisikap at pagbibigay sakripisyo upang makamit natin lahat ng ating inaasam sa buhay.
Iba na ang ikot ng mundo, pahirap nang pahirap ang kalidad ng bawat aspeto sa buhay kaya dapat maging matibay sa anumang hamon. Ika nga nila "Hindi ka bibigyan ng Panginoon ng pagsubok na hindi mo kaya", minsan dumarating din tayo sa punto na gusto na nating bumitaw dahil sa mga pagsubok o problema na kinakaharap. Ngunit sa tuwing nararanasan natin ito, nais ko lamang ibahagi sa inyo na ordinaryo lamang na makaranas ng ganitong pangyayari dahil parte na ito sa buhay ng mga tao nang mawalan ng gana o di kaya ay mabigo. Kaya, palaging piliin na manatili sa pakikipaglaban dahil lahat ng paghihirap ay may kaakibat na kaginhawaan. Samakatuwid, mangarap ng may misyon at aksyon upang ang ninanais ay magagampanan at tayo ay magiging motibasyon sa iba at magkaroon ng malinis na atensyon.
YOU ARE READING
Tinig ng aking Puso, aking Nilikha
Não FicçãoBinibigyan-diin ang kahalagahan ng mga guro bilang tagapagdaloy ng kaalaman patungong karunungan.