Ikaw ang pahinga ko, sa nakakapagod nating mundo.Ikaw ang gabay ko, sa t'wing ako natutuliro.Ikaw ang sandalan ko, sa t'wing ako'y napapagod ng husto.
Ikaw na nga ang pahinga ko, sa t'wing ako'y nalulungkot. Iyong yakap ang aking gusto.Ngunit ngayo'y wala na tayo.Hindi na mauulit muli at 'di na magbabago.
Ikaw ang pahinga—Ang sabi mo'y walang iwanan.Ngunit ngayo'y bakit hindi na mahawakan,Hindi ko lubos maisip na ako'y iniwan mo't ika'y hindi na mahagkan.
Ikaw ang pahinga ko, sa mundong ating ginawa,Ngunit ngayo'y iba na ang hawak mo.Hindi ko lubos maisip na iniwan mo ako sa ere, habang isinusulat ko pa ang pahina nating dal'wa.
𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐩𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲. 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐩𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐢𝐧 𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤𝐚𝐧. 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐩𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠𝐚 𝐤𝐨, 𝐚𝐭 𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐲 '𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨.