01

25 3 2
                                    

RPW

Hakiro's POV

Naisipan kong gumawa ulit ng account siguro eto na lang ang ipa-pangalan ko "Hakiro Takahashi" sige okay na siguro 'yan, nakakainis wala kasi akong magawa I mean madami talaga akong gagawin kaso nakakatamad at ang boring, kaya naisipan kong maghanap ng kaibigan sa internet. Wala naman masama kung susubukan diba? hindi naman eto ang first time ko gusto ko lang gumawa ng bago dahil ayaw ko na sa una kong rp acc, nakakainis lang at ang sakit ng ala-ala ko dun.

Pagkatapos kong gumawa ay nag add na agad ako ng madami at nagpalit ng pfp madami naman nag comment hindi ako nabigo, pero panay lang ito nagpapa react sa profile nila. Medyo nainis pa nga ako kasi kaibigan ang hanap ko dito hindi mga nagpapa react sa profile nila pero ginawa ko na lang kasi baka ganun talaga ang gawain sa rp. Nag decide na nga lang din ako maghanap ng maka-kaibigan sa mga nag-comment. Habang nag s-scroll ako may nakakuha ng atensyon ko para kasing ang tino ng account nya kaya kinapalan ko na ang mukha ko at chinat sya.

"Hi pwede ba tayo maging magkaibigan? Ganda kasi ng port mo actually yan talagang port ang gusto ko maging kaibigan." Okay na kaya toh? sige okay na, sinend ko na agad at sakto naman na online sya at nag reply agad

"Yes sure" Hays salamat naman pumayag.

Mas kinapalan ko na din ang mukha ko na ayain sya dahil gusto ko madami akong kaibigan kumbaga squad ba or circle of friends.

Kung okay lang sayo, gawa tayo squad ng mga kpop port?

"Sige ba! mag post na lang ako, hintayin natin may mag comment"

By the way bago ka lang dito?

"Oo ganun na nga, ikaw ba?"

Hindi naman, gumawa lang ulit ako

"Gawa ka na gc, may nag comment na isa ako na lang mag add"

Gumawa na muna ako kaso hindi pala pwede na dalawa muna ang member kaya sya na lang ang pinagawa ko kasi sya ang mag a-add sa isang member.

Ayun, Park Chaeyoung ang name nya kapangalan ni Rosé sa blackpink

Ay ayun pala ang port nya, ang port naman nung kaibigan ko si Bambam tapos akin ay si Lisa ng blackpink.

"Hii" bati niya

Hello, welcome

Madami na din ang nag comment kasunod na nasali ay si Drein, Drein Blake Playton.

Ang saya ko dahil kahit bagong magkakakilala pa lang kami ay kala mo sobrang tagal nang magka-kaibigan kung makapagusap.

Madami pa nga akong gagawin pero hindi ko na muna inintindi ang saya kasi nila kausap, nakakalimutan ko ang mga problema ko.

Pero mapapamura ka na lang talaga sa mga katarantaduhan nila, mas nakasundo ko si Duke at Drein dahil mas mag kaka vibes kami dun din kami naging trio.

Buong maghapon ako nakatutok sa phone at hindi iniintindi module ko, napapagalitan na nga ako pero wala pa rin akong pakeelam dahil nage-enjoy ako kausapin sila.

Maya maya lang ay nagchat sakin si Chaeyoung, of course para maging close kami.

TIME SKIP

Ginawa ko muna ang mga module ko dahil napapagalitan na talaga ako at hindi na din naman sila online, maya maya lang ay may nagchat sakin akala nya pa nga nung una lalake ako buti nal ang ay nasabi ko agad, ang saya nya kausap tapos di ko namamalayan nagiging malandi na pala usapan namin HAHAHAHAHA Hakiro ano ba talaga? kaibigan o gf ang hanap mo?

Dahil nga okay na kami naisipan ko sya isali sa squad namin pinaltan nya din ang name nya ng Akira, pansin ko nga minatch nya sa name ko.

Maya maya lang ay nag-online na ang mga kumag

"Hi nagbabalik ang pogi" -Duke

"Mas pogi ako" -Drein

Manahimik nga kayo satin tatlo ako lang naman ang pogi

"Wala naman pogi sainyo ni isa, nagtatalo pa kayo"  -Chae

"Sus baka nga crush moko" -Duke

"Kapal mo!" -Chae

Alam nyo dyan nagkatuluyan lola at lolo ko e.

Ang hirap dahil sa messenger lang kami naguusap nila Duke pero masaya naman at nagagawa ko pa din talaga matawa.

Maya maya lang ay may inadd si Drein, Luna? Lunaa Montefalco

Natawa nga ako kasi ang jeje ng surname nya HAHAHAHAHAHA nagtataka din ako sa name nya double a pero pakeelam ko ba?

Winelcome namin sya dahil ganun naman ang ginagawa namin kapag may bagong member.

"Hi sainyo mwhehehe" - Lunaa

Natawa ako bigla dahil kambing tumawa pero mabait naman sya at siguradong makakasundo nila Chae.

Sumunod naman isali si Akisha, wow talaga kasi halatang bias nya talaga si jungkook.

Hindi na muna ako lumapag sa gc dahil naguusap kami ni Akira, landi talaga.

What time kapo mag out?

"Bago mag 3, baby. Madami pa ginagawa, busy pa rin talaga."

Okay lang hihintayin kita

"You should sleep na"

Gusto pa kita kausap

"May gagawin pa ko, sige na anong oras na"

Nag out na sya at eto ako pinipilit matulog, naguguluhan ako bakit ko ginagawa toh. May gf ako sa ra pero niloloko niya 'ko at hinahayaan nya lang ako. Napaka sakit sobra gusto ko na siyang hiwalayan pero ayaw niya, hindi ako toh pero siguro nilalamon ako ng mga galit ko.

Gumaganti ba 'ko sakanya? hindi ko na alam yung mga bagay na hinihiling ko na gawin sakin ng gf ko na never niyang nagawa ay nagagawa sakin ni Akira. Hirap na hirap na 'ko, ganto pala feeling ng maloko pero ganto din yung feeling na gumaganti ka habang gumagamit ng iba, pero iba na talaga yung nararamdaman ko sakanya.

Hakiro Takahashi: Arren Luan Rivera

A/N: Don't forget to vote, I hope you enjoy reading it, thank you so much!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A/N: Don't forget to vote, I hope you enjoy reading it, thank you so much!

2021 Where stories live. Discover now