SHIEYIN'S POV
Isang linggo ang lumipas, lalo pa kaming napalapit ni Kiyoshi sa isa't isa, dahil napapadalas ang pagpunta niya sa bahay ni lolo. Sabay kaming kumakain ng agahan at minsan dinner din, tinutulungan namin si lolo sa trabaho niya and we're also doing extracurricular activities like: hiking, pinic, cycling and fishing.
Bumalik kami ni Kiyoshi ngayon sa bundok para muling panoorin ang paglubog ng araw. Pumayag naman ako dahil gusto ko ulit ito makita at ang kabuuan ng flower fields.
"Kiyoshi, alam mo ba kung anong hiling ko ngayon?"
"Hmm?"
"Hiling ko na sana, hindi na matapos ang summer." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya napatingin ako sa kanya. Pagkatingin ko sa gawi niya, napansin kong mayroon itong malalim na iniisip, kaya hindi ako nagdalawang isip na tanungin siya. "Okay ka lang?"
"Yin, Paano kung sabihin ko sa'yo na, mas Selfish pa ako kaysa sa'yo?"
"Hah? Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Paano kung higit pa doon ang hiling ko?" Yumuko siya, saka ito humugot ng isang malalim na hininga. "Paano kung ikaw mismo ang gusto kong hilingin? Paano kung sabihin kong, Gusto kita, ay hindi mali." He chuckled and looked at me lovingly. "Mas tamang sabihin na Mahal kita, Shieyin. Mahal na mahal talaga kita."
[... background music now playing : IDK you yet by Alexander 23...]
Napaawang konti ang bibig ko, hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko at para bang sasabog ang dibdib ko ngayon sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. "Yoshi, seryoso ka ba? Sabihin mong nagbibiro ka lang."
"Lagi kang naku-kwento ng grandpa mo sa akin simula noong dumating ako dito."
"Weh?! Ano namang mga kinuwento niya sa'yo?"
"Naikwento niya sa akin na..." Panimula niya, "halos lahat ng gawain niya gusto mong subukan, magsimula sa pagtatanim, pagdidilig, pagmimitas ng mga bulaklak, hanggang sa paghahanda ng mga 'to para i-deliver sa bayan. Gigising nalang daw siya sa umaga na nakahanda na ang umagahan at ang sarap daw ng mga luto mo. Nasabi din niya sa akin yung tungkol sa parents mo, wala daw silang panahon sa'yo kaya ginawa mo ang lahat para mapansin ka nila, pero sa bandang huli, nabigo ka lang. Sa kabila nun, mas pinili mo paring magpatuloy at maging masaya kasama ang lolo mo."
My heart went pit-a-pat. I'm so speechless. Napasinghap ako ng may naramdaman akong mainit na likidong tumulo sa pisngi ko, agad ko itong pinunasan at tumingin sa langit. Hindi ko maiwasang maging emotional dahil habang isa-isa niyang sinasabi 'yon isa-isa din itong nagf-flash sa isip ko.
Maliwanag ang mukha niya at nakatingin ito sa kalangitan, "Pinahahalagahan mo ang mga importante sa buhay at kahit hindi pa tayo nagkikita noong mga araw na 'yon ramdam ko kung gaano kabuti 'yang puso mo and I can't help but to fall in love with you. I know it sounds crazy, kaya may time na sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo but I can't. Hanggang sa isang araw, nandiyan ka nalang bigla sa harapan ko."
"Kiyoshi, bakit mo sinasabi lahat ng 'yan ngayon sa akin?" Tanong ko sa kanya nang sandaling nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita.
"Dahil ayaw kong sayangin ang pagkakataon."
I gaved him my sweetest smile, saka ko siya niyakap ng sobrang higpit na para bang may sariling isip ang katawan ko.
Pikit mata kong inamoy ang pabango niya. Grabe, ang bango naman niya.
Mukhang nagulat siya sa ginawa ko noong una kasi para siyang naestatwa, pero sobrang kasiyahan ang naramdaman ko ng sandaling yakapin niya din ako ng sobrang higpit.
YOU ARE READING
Summer love [SHORT STORY]
Short StorySummer Love "A chance to let your guard down, to be vulnerable, and to open your heart to someone new." Enjoy reading!