Hirap na hirap na ako rito sa app na ito, ewan ko ba kung bakit ako nagdownload ng wattpad. May nascroll kasi ako sa isang suggested facebook page na parang line sa isang kwento at sobrang nahooked ako rito. Noong isang linggo pa yon at yung unang ginawa kong account ay hindi ko na kaagad mabuksan, buti at hindi ko pangalan yon. Takot ko nalang na makita ng pinsan ko 'yon at asarin ako nang asarin.
Solar
Ayan ang ginawa kong username para hindi magtunog lalaki, nagdownload pa ako nung picture ni hori sa horimiya para hindi nila mapagkamalang lalaki ang gumagamit ng account na ito. Solar ang napili ko dahil any type of energy generated by the sun, and sun gave us light and my name means light—Lucius
Nahanap ko na yung nakita kong highlight ng story na nasa page, ang dami na niyang followers at nakakamangha dahil 3 works palang ang mayroon siya. damnü ang username niya at ang name niya ay D lang tapos animated din ang profile niya at para itong lalaki, ang cover naman niya ay eclipse. Kung siya ang kumuha noon ay napaka perfect shot non.
Ito pala ang last day ko rito kala tita dahil next week ay pasahan nanaman ng requirements sa school kung hindi niyo na itatanong isa akong scholar, matalino naman ako hindi ko lang daw ginagamit ang utak ko sabi nung mga tita kong ang anak ay nauna paganahin ang puke kaysa sa utak.
Nang makauwi ako sa apartment ay wala ritong tao, wala namang bago dahil naghahanap buhay ang mga magulang ko. Hindi kami mayaman, pero nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Ang nakakatandang kapatid ko ay nag asawa ng maaga, isang taon nalang sana at graduate na yon ng kolehiyo pero hindi niya na naituloy dahil hands on siya sa anak niya ngayon.
Nagscroll ako sa facebook page noong school na papasukan ko—PUP. Lahat ng pwedeng pag exam-an ay pinuntahan ko, nag exam pa nga ako sa UST, Ateneo, Up, Arellano at may iilan pa. Pumasa nga ako kaya yung mga tita ko ay inggit na inggit na baka raw nagbayad ako, tangina naman oh wala na ngang makain e. chos.
Sa PUP ko natipuhan mag aral dahil makakamura ako, malapit lang kasi ito ilang estasyon lang ay nandon na ako.
"Lucius?" Paglingon ko, si ate pala. Napahinto ako sa pagscroll dahil mukhang importante ang sasabihin nito.
"Hmm?"
"Sina mama? nashort kasi ako e, walang panggatas tong pamangkin mo." napunta ang atensyon ko ron sa hawak niyang bata.
"Asan ang tatay niyan? bakit hindi muna magprovide?" magkasama pa rin si ate at ang gago niyang asawa sa iisang bahay, pero dahil nga nagpapart time si ate, umaasa nalang sakaniya yung gago.
"Ibinigay na raw niya sa magulang niya ang pera niya, wala raw natira" pabulong na halos iyan nasabi ni ate. Tangina yan, hindi naman ako against na ibigay sa magulang ang pinaghirapan mong pera, pero mayroon na siyang sariling pamilya.
Kumuha ako sa wallet ko ng isang libo, bukod sa kita ko ron sa tindahan noong bakasyon nagsasideline ako at plano ko nga ay mag apply sa mga BPO company.
"Paano ka? diba pupunta ka sa PUP next week?" tanong nito sa akin. "Kaya ko na yon, ayang pera na yan ay para sa bata, ate. pakiusap." Minsan kasi ay hindi niya rin matiis, yung binibigay dito na pera ay hinahatian pa niya ang asawa niyang walang bayag, ang kapal ng mukha na manghingi sakaniya ng pangbisyo.
Pumikit ito ng marahan at nang dumilat ay tinitigan ako, alam ko namang gwapo ako. Bago ito umalis. Nagpatuloy na ako sa pagscroll at nakita ko na may bagong announcement. Huminga lang ako ng malalim, alam ko namang tama itong pinupuntahan ko.

YOU ARE READING
Material World
RomanceR18 P.S huwag po tayo bas2s, R18 dahil baka may hindi kaaya ayang lenggwahe, may mga karakter na bayolente at may alam niyo na ; )