Dahil masyado akong interesado sa kaso, hindi na ako nag-abalang i-check kung sino ang VIP na tinutukoy ni Ana.
Now, I was seated at the highest seat inside a huge lecture room. It's the farthest seat from the speaker's view, too. Bahagya pa akong naka-slouch sa upuan para hindi makita ang ulo ko. Hindi matatanggap ng pride ko kapag nakita ako ng speaker na um-attend ng seminar niya. Iisipin niya na ini-stalk ko siya which was definitely not the case!
Dahil nga nagtatago ako, nahirapan si Officer Ana na hanapin ang kinauupuan ko. Bakas sa mukha niya ang inis nang namataan ko siya sa hindi kalayuan pero alam kong hindi sa akin. Naiinis siya dahil may kaso silang hawak at nandito siya, nakabantay sa isang VIP na hindi niya malaman kung paanong naging VIP para sa mga pulis at sa sambayanang Pilipino. Ni hindi naman government official ang speaker. Kahit ako ay magtataka. But then again, I have this slight idea of how he became a VIP for this country.
"Ms. Eva!" tawag sa akin ni Ana nang sa wakas ay makita niya ako. Nagkaway kasi ako ng kamay, sa malas lang, sa ginawa kong iyon ay nakuha ko hindi lang ang atensyon ni Ana kundi pati na rin ang atensyon ng speaker. Now, he's staring straight at me with brutal murder in his eyes. That's for one quick second though. Pagkatapos niya akong titigan nang masama, ibinalik niya kaagad ang atensyon sa mga estudyanteng halatang-halata naman na mukha lang ang tinitingnan sa kanya. I doubted if any of the students here actually were paying attention to what he was saying. I mean not that his lecture was boring or shallow, but his mind-blowing good looks was very demanding it's hard to focus on anything else aside from it.
I retracted my seat even more. Kailangan ko nang umalis! Kaya lang, kailangan ko rin na makausap si Ana. For some reason, this murder cases were really getting into me. Gusto kong makatulong na malutas ang kaso at may pakiramdam akong malaki ang gagampanan kong role dito. You call it instinct or whatever pero nararamdaman kong kailangan kong ma-involve sa kaso. Naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko si Ana, at inabot niya sa akin ang isang OTG type flash drive. Sinalpak ko iyon sa cellphone ko at pinag-aralan ang mga bagong litratong kuha niya.
"Sabi mo wala kayong nakuhang lead sa bagong biktima?" I asked her.
"Wala. Kagaya ng dati, masyadong malinis ang crime scene."
"Isang open lot ito katapat ng isang lumang motel, hindi ba? Imposibleng walang nakahagip na camera. Did you try to check nearby CCTVs?"
Umiling si Officer Ana. "Walang ganoon sa lugar na iyan. Halos abandonado kaya hindi na nilalagyan pa ng mga CCTV."
"Question is, paano dinala ng killer dito ang biktima? I'm sure may mga daan na may CCTV na tinutumbok ang lugar na ito. Hindi pwedeng kinaladkad niya ang biktima dahil magko-cause iyon ng attention. Hindi rin niya pwedeng isakay sa public vehicle. Gumamit ang killer ng isang private na sasakyan kung ganoon."
"Ganoon nga. Pero chineck na namin ang mga CCTV sa mga daan na tumutumbok sa lugar na iyan, iilan lang ang dumaan at hindi nahagip ng camera ang biktima."
Tumango-tango ako kay Ana. Binuksan ko ang Google Maps ng cellphone ko at pinag-aralan ang lugar. Kailangan naming makahanap ng kahit na katiting na lead na magtuturo sa amin sa killer. All we know was that the killer is a man, well built, professional, matalino, at marunong maglinis ng ebidensya. Ibig sabihin, isa itong taong may malawak na kaalaman sa batas. Sa tingin ko rin ay may kaya sa buhay dahil malamang ay pribadong sasakyan ang ginagamit nito sa paggawa ng mga krimen. Isang sasakyan na sa palagay ko ay hindi rehistrado at nakatago sa paningin ng sinuman. This killer has his own space and has his own car.
"Here. This is a parking lot, right?" kaagad kong tanong kay Ana nang may namataan ako sa Google Maps.
Sa tapat ng abandonadong lote ay may parking lot na may nakaparadang mga sasakyan. "Parking lot ng motel 'yan. Nagtanong na kami, wala namang nakapansin sa mga pangyayari. Wala rin sa mga CCTV nila ang nakaharap sa kabilang lote—"
BINABASA MO ANG
The Dark Side of Eve
RomanceForced into a loveless marriage with a billionaire heir, Eva Alcaraz does everything she can to help her father's presidential campaign and save her twin. But when mysterious serial killings are suddenly linked to her, Eva isn't sure what to do anym...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte