"ONE"

261 25 5
                                    

*AYA'S POV*


"Aya!! Lumabas kana dyan baka malate kana sa pasok mo Nyan" pag tawag saakin ni tita hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na Plano ko ng huminto sa pag aaral at mag focus muna sa aking mga raket para makatulong naman ako sa pang araw-araw naming gastusin dahil kahit hindi sabihin sa akin ni tita ay alam ko na hirap na hirap na sya sa kanyang pag tra-trabaho bilang katulong, Pangarap ko makapag tapos ngunit mas importante sa akin si tita dahil sya nalang Ang Meron ako Sinubukan ko naman dati pag sabayin Ang trabaho at pag aaral ko ngunit lalong nag mamahal Ang mga gastusin sa school dahil 3rd year college na ako, kahit scholar pa ako hindi parin sapat Yung natatanggap ko kaya napag pasyahan ko na Muna huminto dahil Kailangan ko din makatulong sa gamutan ni tita.


"Good morning po tita" Nakangiting bati ko sa kanya pag labas ko sa aking maliit na kwarto.


"Good morning din Aya ko, Umupo kana at kumain na ng makapag ayos kana baka malate kana sa pasok mo nyan" Nakangiting bati sa akin ng aking mahal na tita.



"Tita may sasabihin po ako sainyo pero sana po wag po kayo Magalit ha dahil baka atakihin nanaman po kayo sa puso" Pag papaalala ko sa kanya may sakit kasi sa puso si tita kaya gusto ko narin sya paalisin sa trabaho nya para dito nalang sya sa bahay.



"Ano bayun Aya bakit parang seryoso ka ata?"



"Kasi po tita gusto ko po Muna huminto sa pag aaral para po makapag focus ako sa mga raket ko at gusto ko rin po sana na umalis narin po kayo sa trabaho nyo para po mapanatag ako na Walang mangyayari sayong masama dahil sinabihan napo ako ng doctor na bawal po kayo mapagod kaya sige na po tita dito nalang po kayo sa bahay" Seryosong Pakiusap ko Kay tita.



"Ano hihinto ka sa pag aaral mo dahil lang saakin Aya hindi ako papayag pangarap mo yun Aya kaya wag mo isuko para lang sakin anak" Naiiyak na Sabi ni tita na nag patulo sa luha ko.



"Pero tita ikaw nalang po Yung Meron ako kaya kahit ano kaya kong bitawan para lang Sayo, tita simula nawala si mama kayo na nag alaga sakin kaya sana naman po hayaan nyong ako naman ngayon kasi tita hindi ko napo kakayanin pag nawala Kapa kaya Sige na po tita payagan nyo napo ako please!" Umiiyak na Pakiusap ko Kay tita na umiiyak narin ngayon.



"Sige kung Yan Ang gusto mo pero Kailangan ko Muna pumasok ngayon sa mansion para pormal na makapag paalam Kay madam" Pag suko ni tita kaya agad ko syang niyakap ng mahigpit.



"Sige tita pero sasamahan kita ha" Sabi ko sakanya na sinang-ayunan naman nya.






Pag katapos namin kumain ay dumiretso na agad kami dito sa mansion na pinapasukan ni tita.



"Grabe tita kahit ilang beses na ako nakapunta dito namamangha parin ako sa bahay nila madam Ang Ganda" Manghang Sabi ko habang papasok kami sa mansion.



"Bakit kaba namamangha edi ba ganito din Yung mansion ng...." Hindi ko na pinatapos Ang pag sasalita ni tita at tinakpan ko na Ng daliri ko Ang kanyang bibig.


"Tita don't say bad words please tsaka empleyado lang ako dun diba nga Taga bantay lang ako Ng anak nya Pag may lakad yun" Seryosong Sabi ko Kay tita.



"Hay nako Aya! Pasensya na ha kung sa mundong toh ka nilagay" Malungkot na Sabi ni tita.



"Tita ano kaba Ang saya kaya ng mundong toh dahil Meron akong tita at mama na maganda na mabait pa at mapag mahal pa" Nakangiti Kong Sabi Kay tita.



"Hay nako nakuha mo pa talagang mag biro eh noh" Sabi sakin ni tita na nginitian ko lang kaya nag simula na kami ulit mag lakad papasok sa mansion. "Lea nasaan si madam may sasabihin kasi ako na importante" Tanong ni tita sa kanyang kaibigan pag pasok namin ng mansion.



"Ohh! Hi Aya! Ang aking inaanak na napaka poganda" Nakangiting bati sakin ni ninang Lea.



"Ninang naman eh Sige ka baka maniwala na ako Sayo Nyan at lumaki Yung ulo ko dahil Sayo" Pag bibiro ko na ikinatawa nila ni tita.



"Teka nga Lea dati ko pa Sayo naririnig Yan ano ba yang poganda na Yan ha?" Tanong ni tita na ikinatawa namin ni ninang Lea.



"Hay nako Mitch Ang tanda mo na talaga Ang poganda is Yung katulad namin nitong inaanak ko na pogi na maganda pa diba Aya" Mayabang na Sabi ni ninang Lea, Si ninang Lea ay katulad ko rin na part ng LGBT at hindi nyo naitatanong si ninang Lea ay may gusto sa aking tita ngunit binusted sya ni tita kaya ayun pumayag na Lang sya na maging kaibigan ni tita.



"Lea pwede ba tigilan mo na yang kahanginan mo, kung sa pamangkin ko oo agree ako dahil kitang-kita naman talaga pero Sayo ay nako Ewan ko nalang talaga" Pang babasag ni tita Kay ninang na nakabusangot na ngayon kung titignan mo Silang dalawa para lng silang teenager eh.


"Grabe ka talaga sakin Mitch binusted mo na nga ako dati tapos ganyan Kapa" Pag dra-drama ni ninang.



"Tigilan mo nga ako Lea nasaan naba si madam ng makausap ko na" Pag iiba ni tita sa usapan Ewan ko ba pag nao-open Yung about sa kanila ni ninang lagi nalang iniiba ni tita Yung usapan.



"Nandun sa office nya puntahan mo nalang" Sagot ni ninang kaya agad na pinuntahan namin ni tita Yung sinasabing office daw ni madam Pag kadating namin sa tapat ng Malaking pinto ay kumatok na agad si tita.



"Good morning po madam pwede ko po ba kayo makausap?" Magalang na Sabi ni tita pag katapos kumatok.



"Come in" Sabi ng Boses na babae sa loob si madam na ata yun, sa ilang beses ko na ka punta sa mansion natoh never ko pa Nakita si madam kasi sa tuwing pumupunta ako dito para dalawin si tita nasasakto naman na may business trip si madam miski mo Asawa nya hindi ko pa nakikita maging Yung sinasabi ni tita na nag iisa nilang anak. "Anong Kailangan mo Mitch at sino iyang Kasama mo?" Seryosong tanong Nung madam hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako kinakabahan ngayon dapat pala nag paiwan nalang ako sa labas o kaya Doon nalang ako sa baba Kasama si ninang mukhang bad mood ngayon eh.



"Good morning po madam ito nga po pala Yung lagi ko po kwinekwento sainyo na pamangkin ko si Aya nandito po kami ngayon para po sabihin sainyo na mag re-resign napo ako madam" magalang na Sabi ni tita Kay madam, sa tingin ko mag kaedad lang si madam at si mama ko.



"Ano!?..bakit biglaan naman ata Mitch? Alam mo na ikaw at si Lea lang Ang pinagkakatiwalaan ko dito diba" Gulat na Sabi nito Kay tita.



"Pasensya na po madam ayun po kasi Ang gusto nitong pamangkin ko eh" Nakayukong Sabi ni tita kaya saakin na tuloy tumingin si madam.



"Bakit gusto mo paalisin Yung tita mo dito iha, eh Ang ayos-ayos naman Ng trabaho nya dito ah" Seryosong tanong nito sa akin.



"Sorry po madam kung nabigla po kayo Nung nakaraan lang po kasi nasugod po sa hospital si tita at Ang Sabi po sa akin ng doctor is lumalala na daw po Yung sakit ni tita sa puso bawal napo mag pagod si tita o masobrahan sa emosyon nya kaya po nag desisyon ako na patigilin napo sya sa trabaho para po masiguro na safe lang po si tita sya nalang po kasi Ang Meron ako kaya sana po maintindihan nyo po" Magalang na pag papaliwanag ko Kay madam.



"Naiintindihan ko naman iha pero saan kayo kukuha ngayon ng panganga-ilangan nyong mag tita kung titigil na sa trabaho si Mitch eh Ang Sabi nya sakin nag aaral Kapa nga daw eh" Seryosong tanong sa akin ni madam.



"Nag desisyon po Muna ako huminto sa pag aaral at mag focus nalang po Muna sa mga raket ko po para din po may pang bili ng mga gamot ni tita" Magalang na sagot ko dito na nginitian nya akala ko ba bad mood sya ano yun mood swing.



"Iha hindi mo naitatanong kaibagan ako dati ng mama mo at nakikita ko sya ngayon Sayo ganyan na ganyan din sya dati mas inu-una Yung iba kasya sa sarili nya" Nakangiti nitong Sabi sa akin, pero Teka totoo ba pag kakarinig ko mag kaibigan sila ni mama pero paano eh Ang yaman-yaman neto ni madam. "Sige papayag ako na mag resign na si Mitch pero may offer ako Sayo iha na sa tingin ko ay magugustuhan mo" Seryosong Sabi nito, kanina lang Nakangiti ngayon naman back to serious mood naman sya.



"Ano po yun madam" Sabay na tanong namin ni tita Kay madam.



"Be my daughter's body guard" Sagot Neto na ikinagulat ko.



"Ako po body guard?" Gulat na tanong ko naikinatawa naman ni madam iba talaga mood swing nito eh noh



"Wag ka mag alala hindi naman literal na body guard sasamahan mo lang Yung anak ko kung saan sya mag pupunta-punta gaya mo gusto ko lang na safe Yung anak ko at Alam ko na kaya mo sya protektahan dahil nasabi saakin nitong si Mitch na magaling ka daw sa martial arts gaya ng Lolo mo" Nakangiting sabi nito saakin Ganon ba talaga sila ka-close ni mama at maging si Lolo Kilala nya at totoo Ang sinabi ni madam na magaling ako sa martial arts dahil simula Bata ako tinuruan na ako ni Lolo kaya bago sya nawala lahat ng nalalaman nya ay naituro nya sa akin. "At dahil gusto ko na matutukan mo Ang anak ko kahit saan sya pumunta maging sa school dapat Kasama ka nya kaya ipapasok din kita sa university na pag mamay-ari ng pamilya namin para din mapag patuloy mo pa Yung pag aaral mo sayang kasi kung hihinto ka pa tsaka Balita ko lagi Karin top sa class tsaka gusto ko itigil mo narin Yung pag raraket mo wag ka mag alala sasahuran kita ng 60k monthly at ako narin Ang sagot sa gastusin mo sa school at maging sa gamutan ni Mitch Basta wag mo lang papabayaan Yung anak ko" Sabi nito naikinabigla namin ni tita.



"Madam sobra-sobra naman po ata Yung offer nyo Kay Aya" Sabi ni tita Kay madam na ngumiti lang.


"Mitch Alam mo naman diba kung Gaano kalapit sa akin si Ava na mama ni Aya kaya Sige na tanggapin nyo na Yung offer ko parang pang bawi ko narin toh sa atraso ko Kay ava dapat nga dati ko pa toh ginawa Kay Aya eh pero pinang hihinaan lang ako Ng loob kaya ngayon na nag kita na kami sana Mitch pag bigyan mo ako Kay Aya please" Pakikiusap ni madam Kay tita, ganun ba kaimportante si mama Kay madam para Gawin nya sa akin toh samantala Yung magaling ko ama Wala man lang pakealam sa akin.



"Madam nakalipas nayun at Wala naman po kayong kasalan Kay ava eh" Sabi ni tita Kay madam gulong-gulo na talaga ako sa nangyayari ngayon.



"Kung Wala akong kasalan Mitch eh bakit Hanggang ngayon hindi mo parin ako matawag ulit na ate" Tanong ni madam Kay tita na parang Naiiyak pa.



"Madam payag napo ako na maging body guard ng anak nyo si Aya pero sana lang po wag nyo napo ibalik Ang nakalipas dahil baka mapahamak lang po Yung pamangkin ko" Seryosong Sabi ni tita ano ba talaga nangyayari ngayon at ano bang Meron sa past.



"Kung Yan Ang gusto mo Sige" Pilit na ngiti na Sabi ni madam na ikinatahimik naman ni tita.



"Ahm excuse me po madam tanong ko lang po kailan po pala ako mag sisimula sa trabaho ko?" Magalang na tanong ko.



"Kung pwede sana now na Aya ngayon kasi Yung uwi Ng anak ko galing America pwede ba na ikaw nalang Yung sumundo sa kanya?" Pakiusap nito sa akin kaya tinignan ko si tita kung papayag ba sya.



"Sige na sunduin mo na Ang anak ni madam ok naman ako malapit lang naman dito Yung Bahay natin eh" Nakangiting sabi sa akin ni tita.



"Yung kotse sa baba nga pala Yung gamitin mo itanong mo nalang Kay manong pag baba mo marunong ka naman mag drive diba?" Tanong nito sa akin.



"Opo marunong po madam" Sagot ko sa kanya.



"Nga pala ikaw narin bahala sa kotse nayun ayun Ang gagamitin mo para sa pag hatid sundo sa anak ko" Sabi nito na ikinabigla ko. "Sge na sunduin mo na Yung anak ko sa airport baka Naiinis na yun Good luck Aya" Makahulugan na Sabi nito sa akin na hindi ko nalang pinansin







Dahil malapit lang sa mansion nila madam Ang airport ay mabalis ako nakarating, agad akong bumaba upang hanapin Ang anak ni madam gamit Ang sinend nya sa akin na picture pero wag kayo guys nag mana Kay madam itong anak nya Ang Ganda eh Ang perfect Ng mukha sana pati ugali na na din........ Seryoso akong tumitingin-tingin sa mga taong lumalabas Ng may babaeng naka mask Ang humarang sa harap ko.



"Excuse me miss may Kailangan po ba kayo may hinihintay din po kasi ako" Nakangiting sabi ko dito.



"Ikaw ba Yung ipinadala ni mommy para sunduin ako" Maarteng tanong nito sa akin na ikinabigla ko, so sya ata Yung anak ni madam bakit kasi naka face mask eh.



"Kayo po ba Yung anak madam Chloe pasensya napo naninigurado lang naka mask po kasi kayo eh" Mahirap na baka mamaya hindi pala diba edi iba Yung maiuuwi ko Nyan.



"What the! Hindi ba sinabi Sayo ni mommy kung sino ako I'm the one and only Sky Lynch Lopez Miller natural na mag ma-mask ako dahil baka pag kagulahan ako Ng mga tao dito baka mamaya may makakilala pa sa akin Noh" May kahanginan din pala Ang Isang toh Noh sikat ba sya eh bakit parang hindi ko naman Kilala Yung pangalan nya.



"Pasensya napo mam pero pwede nyo po ba Muna tanggalin Yung mask nyo kahit sandali lang Ng makasigurado ako" Pakisuyo ko dito na parang hindi nya ata nagustuhan.



"Are you kidding me! Do you think na I'm a liar!" Galit na sabi nito.



"Hindi naman po sa ganun mam Ang akin lang gusto ko lang po makasiguro dahil ayaw ko matanggal sa unang araw ko sa trabaho kaya pwede po ba na tanggalin nyo napo Yung mask nyo kung kayo po talaga Ang anak Ng amo ko para po makauwi narin po kayo at makapag pahinga, pero kung ayaw nyo po talaga edi ok, kayo po bahala baka magabihan na tayo Nyan traffic na panaman na mag ra-rush hour na ohh" Pakiusap ko sa kanya.



"Argh!!!" Inis na sigaw nya bago nya tinanggal Ang kanyang mask, Shit na malagkit anghel ba toh na bumaba sa lupa my gosh Ang Ganda nya.



"So ano pwede naba tayo umalis, tama na pag titig mo sa akin alam ko na maganda ako tsaka excuse me Hindi Tayo talo I'm a straight woman and never din ako mag kakagusto sa Isang cheap na kagaya mo kaya tama na pag papantasya mo sakin" Binabawi ko na pala Yung sinabi ko kanina hindi pala sya Ang anghel tsaka Isa pa nagandahan lang ako sakanya pero hindi ko sya type Noh, assuming din Ang babaeng toh eh.



"Wag po kayo mag alala mam hindi ko din naman po type Yung mga katulad nyo" Nakangiting sabi ko dito at sinimulan na ilagay ang mga gamit nya sa kotse, padabog naman sya pumasok sa kotse.



"May dadaanan pa po ba tayo ma'am bago tayo umuwi sainyo?" Tanong ko dito pag ka pasok ko Ng kotse.



"Wala! Bilisan mo nalang Ng makapag pahinga naako" Mataray na sagot nito kaya pinatakbo ko agad Ang kotse.






.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


☺️:Sana magustuhan nyo po and pasensya na kung may mga wrong grammar ako na malalagay☺️✌️☺️.

HATES Where stories live. Discover now