"THREE"

192 25 4
                                    

      *AYA'S POV*
    
   
    Maaga akong nagising para hindi ako malate sa unang araw ko sa trabaho bilang body guard ni miss suplada pero Ang lintik tulog pa daw my gosh first day namin sa school late agad kanina pa umiinit Yung ulo ni tita chloe dahil Ang unicahija nya eh ayaw pa bumaba kanina pa sya inakyat ni ninang Ang Sabi daw mag aayos na sya pero Hanggang ngayon Wala pa.
  
  
  
  "Pasensya kana iha ha ganun lang talaga Ang Bata nayun palibhasa nasanay sya sa dad at daddy lo nya na sya Ang nasusunod miski mo pag pasok nya sa dati nyang school sya Ang nasusunod sa schedule nya kaya nga nag desisyon ako na ilipat sya ng ibang school, Reyna kasi sya sa dati nyang school" Sabi ni tita chloe na kanina pa humihingi sa akin ng pasensya.
  
  
  
  
  "Nako! Ok lang po yun tita tsaka Isa pa empleyado nyo po ako kaya Wala po ako karapatan mag reklamo" Nakangiting sagot ko dito tsaka hindi dapat sya Ang humingi Ng pasensya kundi Ang anak nya na Hanggang ngayon ay hindi pa bumaba dito.
  
  
  
  "Let's go!, Bye mom sa school nalang po ako mag be-breakfast" Speaking of the Reyna Ng kasupladahan aba Ang ate mo dire-diretso lang ni Hindi man lang tinapunan Ng tingin Ang mommy nya.
  
  
 
  "Sige po tita Mauna na po kami" Pag papaalam ko dito sabay sunod sa anak nya na suplada.
 
  
  
  "Hey! Pwede ba bilisan mo Ang kilos mo baka malate na tayo Nyan eh" Mataray na Sabi nito na nakatayo na sa harap Ng kotse, Aba Ang ate nyo parang kasalanan ko pa ata na male-late kami.
  
  
  
  "Pasensya na po miss" Sabi ko nalang dahil kahit papaano anak parin sya ng amo ko, pinag buksan ko na ito ng kotse sumakay naman sya agad. Hindi din nag tagal Ang byahe namin dahil malapit lang naman sa bahay nila Ang school na papasukan namin agad ako bumaba at pinag buksan sya ng kotse.
  
  
  
  "I have something to tell you pwede ba na wag ka sasabay sa akin sa pag lalakad dapat nasa likuran lang kita dahil ayaw ko na may kasabay ako na cheap" Maarteng Sabi nito sa akin na tinanguan ko lang dahil totoo naman Ang Sabi nya cheap ako kumpara sa kanila Yung mga suot nila branded samantala Yung akin binili ko lang sa ukay-ukay.
  
  
  
  "Besh!!!" Sigaw Ng babaeng kagaya din ni miss suplada na apaka Ganda tumakbo ito palapit Sa pwesto namin ni miss suplada kaya napatulala lang ako na nakatingin sa kanya habang kinakausap si miss suplada.
  
  
  
  "By the way besh who's this cute girl na nag hatid Sayo" Tanong nito Kay miss suplada kaya napa ngiti ako sa kanya, Cute daw ako wag kayo!.
  
  
  
  "Besh cute saan Banda" Natatawang sabi ni miss suplada kaya napa busangot ako "She's my body guard at makakasama din natin sa lahat Ng klase"
 
  
  
  "Wow cool! So it mean's magiging kaklase natin sya" Natutuwang Sabi nito. "By the way I'm Nicole Ford Smith but you can call me nic or Cole" Nakangiting sabi nito na ikinagulat ko so it mean's She's my cousin sya ba Yung sinasabi na unicahija ni Tita Ellen.
  
  
  
  "I'm Aya Morales nice to meet you" Nakangiting sabi ko dito sabay lahad Ng aking kamay na tinanggap naman nya agad. "Ahm I just wanna ask ikaw ba Yung unicahija ni Mrs Ellen Ford Smith?" Tanong ko dito na Lalo nyang ikinangiti.
  
  
  
  "Paano mo nakilala Ang mom ko and yes I'm her one and only daughter" Nakangiting sagot nito sakin.
 
 
  
  "Ah Wala lang Nakita ko lang sya sa magazine I'm her fan" Pag papalusot ko dito, sikat na model si tita Ellen and sa kanilang dalawa Ng magaling Kong ama sya lang Ang nag bigay Ng tulong sa akin Nung mga panahon na may sakit si mama pero agad din sya tumigil ng harangin sya ng magaling Kong ama pero kahit na ganun Malaki parin Ang pasasalamat ko Kay tita dahil sya lang at Ang kapatid kong si Althea Ang tumanggap sa akin sa pamilya nila.
 
 
 
  "Ehem!! Pwede naba tayo umalis" Mataray na Sabi ni miss suplada bago nag simulang mag lakad at sa gitna pa talaga namin ni Cole sya dumaan.
 
  
  
  "Sorry for her attitude ganun lang talaga yun pero believe me mabait yun Tara na baka Lalo Magalit yun" Nakangiting sabi nito sa akin na nginitian ko lang din sabay kami na humabol Kay miss suplada na hindi pa naman nakakalayo pero bago kami makalapit Kay miss suplada ay huminto na agad ako at dahan-dahan nag lakad para hindi ko sya makasabay na  ipinag taka naman ni Cole. "What are you doing?" Nag tatakang tanong nito.
  
  
 
  "Wala Sige na lapitan mo na Ang kaibigan mo" Nakangiting sabi ko dito na sinunod naman nya agad.
 
 
 
  "Nga pala besh Nakita ko nga pala Yung boyfriend mo kanina pinapasabi nya Sayo na may biglaan daw sila practice Ng basketball kaya baka hindi daw Muna kayo maka labas tsaka si Abby nasa classroom na Doon nalang daw nya tayo hihintay" Rinig Kong Sabi ni Cole Kay miss suplada sino kaya Ang boyfriend nito Buti natitiis pa sya sa ugali nyang ganyan pero sa Bagay hindi na sya lugi Kay miss suplada Pano ba naman pinag pala sa kagandahan Ang babaeng Yan eh kaya nga lang ubod ng pag ka suplada.
  
  
  
  "It's ok itetext ko nalang sya later" Sagot nito Kay Cole. "By the way alam nyo naba ni Abby kung saan Ang first class natin?" Tanong nito Kay Cole.
 
 
 
  "Syempre naman besh kami paba inagahan talaga namin Ang pasok para malibot ko itong school and wag ka nakakita agad kami Ng pwede natin pag tambayan" Sagot nito Kay miss suplada.
  
 
  
 
  Gaya Ng inaasahan late na kami Ng makarating sa first sub namin kaya nakayuko ako sumunod sa dalawa na nasa pinto habang sinisermonan ng Prof namin.
  
  
  
  "First day palang late na agad kayo"
 
  
  
  "Sorry po Prof hindi na po mauulit" Sagot ko dito Dahil Yung dalawa parang Wala lang.
  
  
  
  "Pumasok na kayo siguraduhin nyo lang na hindi na toh mauulit dahil ayaw ko sa lahat ay Yung late, Tutal late kayong Tatlo Mauna na kayo mag pakilala sa mga kaklase nyo" Sabi ni Prof na sinunod naman namin.
 
  
  
  "Hi guys my name is Nicole Ford Smith" Pag papakilala ni Cole na sinundan naman agad ni miss suplada.
  
  
  
  "And I'm Sky Lynch Lopez Miller" Cold na pag papakilala ni miss suplada parang labag pa ata sa loob nya mag pakilala ahh.
  
  
  
  "Hi I'm Aya Morales" Nakangiting pag papakilala ko.
  
  
  
  "Sige na humanap na kayo ng mauupuan nyo parang labag pa sa loob mag pakilala ah" Sabi ni sir habang seryoso na nakatingin Kay Sky, mag lalakad na sana ako Ng marinig ko na bumulong si Miss suplada na nag palaki sa Mata ko.
  
  
 
"Ano ba pake mo kalbo" bulong nito na tinawanan pa ng magaling nyang kaibigan, My gosh mapapahamak talaga ata ako sa dalawang toh eh.
  
  
  
  "May sinasabi kaba miss Miller and Anong nakakatawa miss Smith" Tanong ni Prof, Jusko Buti nalang hindi nya narinig.
 
  
  
  "Ahm Wala po Prof nag tanong lang po si miss Miller Kay miss Smith kung saan kami uupo kaya po natawa si miss Smith kasi obvious naman po na Tatlo nalang Yung vacant seat" Pag papalusot ko na tinanguan lng nito kaya nag patuloy na kami sa pag upo at sa kamalas-malasan si miss suplada pa Ang nakatabi ko pwede naman mag palit nalang sila ni Cole eh bakit sakin pa talaga sya tumabi.
  
  
  
  "You pay for this later ginawa mo pa akong Tanga" Mahinang Sabi nito na sapat na para marinig ko kaya napalunok nalang ako sa sarili Kong laway, At ako pa may kasalanan ngayon sa kanya dapat nga mag pasalamat nalang sya eh.
  
  
  
  "Hey! Besh bakit na late kayo tsaka sino sya" Tanong Ng babaeng katabi ni Sky sa kabilang upuan.
 
  
  
  "Taga bantay ko" Maikling Sagot nito ngumiti naman sa akin Yung katabi nya kaya nginitian ko din, Buti pa Yung mga kaibigan nya mabait.
  
  
  
  "Hi I'm Abelaine Cruz Miller but you can call me Abby for short cousin ni Sky" Nakangiting pag papakilala nito, At inabot pa Ang kamay nya sakin, kaya pala mag kahawig sila mag pinsan pala in fairness sa lahi nila ha Ang gaganda.
  
  
 
  "Hi I'm Aya Morales nice to meet you" Nakangiting Kong Sabi sabay abot Ng kamay nya.
  
  
  
  "Pwede pakialis Ng mga kamay nyo sa harap ko nakaharang eh" Mataray na Sabi nito kaya ako na Ang bumitaw sa kamay ni Abby.
  
  
 
   Natapos din agad Ang klase namin dahil first day of school palang Wala pa masyadong gagawin, nag tataka ako napatingin Kay miss suplada na Hanggang ngayon Hindi pa tumatayo sa kanyang inuupuan Hanggang sa naging Apat nalang kami naiwan.
 
 
 
  "Besh Tara na gutom na ako" Naiinip na Sabi ni cole.
  
  
  
  "True Tara na bakit ba kasi hindi pa tayo lumabas" Sabi naman ni Abby.
 
 
  
  "What do you think you're doing miss Morales" Masungit na Sabi nito na nakaharap na sa akin kaya napa tahimik Yung dalawa nyang kaibigan.
  
  
  
  "What do you mean?" Tanong ko kahit na Alam ko naman Ang pinupunto nya.
  
  
 
"Kanina bakit mo ako pinag mukhang Tanga" Inis na Sabi nito My gosh! Ganito ba talaga Ang mayayaman apaka OA parang yun lang dapat nga mag thank you sya eh.
  
  
  
  "Ok fine I'm sorry ayun lang kasi Yung naisip ko na reason para pag takpan Yung sinabi mo kanina Kay sir eh" Sabi ko dito na tinarayan nya lang.
  
 
  
  "Sa susunod na Gawin mo yun mayayare kana talaga sa akin malinaw" Seryosong Sabi nito na sinagot ko lang Ng "Opo".
  
  
  
  
  "Hay nako besh tama na Wala naman kasalan si Aya eh dapat nga mag thank you pa tayo sa kanya eh" Buti pa toh si Cole mabait.
 
 
 
  "Wait nga lang besh ikaw ba talaga Yan last time I check hindi kanaman ganyan Lalo na kung kakakilala mo lang sa tao" Nagtatakang Sabi ni Abby kaya napatingin si sky sa kanya Ng seryoso alam kaya ni Cole na pinsan nya ako.
  
  
  
"Hay nako besh Tara na nga Ng makakain na tayo kung ano-ano napapansin nyo eh" Sabi nito at nauna Ng mag lakad palabas Ng classroom na sinundan naman agad nila Sky kaya dali-dali ko kinuha Ang bag ko at sumunod Kay sky...... Mabilis naman kami nakahanap Ng mauupuan Ng makarating kami ng cafeteria
  
  
 
  "Ako na mag o-order Anong gusto nyo para isabay ko nalang" Tanong ko sa kanila.
  
  
  
  "Carbonara and Apple juice lang Ang akin salamat Aya" Nakangiting sabi ni Abby kaya napangiti narin ako.
  
  
  
  "Carbonara and Coke" Sabi naman ni sky, tatanongin ko na sana si Cole ng biglang tumayo ito. 
   
   
  
  "Samahan na kita para hindi kanarin mahirapan" Nakangiting sabi nito sa akin bago naunang mag lakad.
  
  
  
  "Salamat nga pala ha" Nakangiting sabi ko sakanya.
  
  
  
   "Wala yun tsaka Masaya ako Nakita narin kita Aya alam mo ba na lagi Kang na kwe-kwento sa akin ni mommy" Sabi nito na ikinabigla ko so Ibig sabihin Kilala nya ako.
  
  
  
  "So Kilala mo ko?" Gulat na tanong ko sa kanya na ikinatawa nya.
  
  
  
  "Oo actually gusto nga sana kita yakapin kanina kaya lang baka mag taka si sky tsaka alam ko naman na ayaw mo na may ibang makaalam Ng totoong pag katao mo kaya hindi ko pinahalata kanina" Sabi nito na nag pangiti sa akin parang gusto ko tuloy umiyak ngayon.
  
  
  
  "So tanggap mo ako bilang pinsan mo?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.
  
  
  
  "Bakit naman hindi tsaka tama nga si mommy iyakin ka pigilan mo yan baka mahalata tayo ni sky Nyan bahala ka" Natatawang sabi nito.
  
  
  
  "Kamusta na nga pala si tita Ellen?"
  
  
  
  "Ayun busy sa negosyo nya for sure matutuwa yun pag nalaman nya na nag kita tayo next month nga pala Yung uwi nya kaya punta ka sa bahay ha" Sabi nito na nag pawala sa ngiti ko.
  
  
  
  "Gustohin ko man Makita si tita Ellen pero baka sa susunod nalang Cole baka kasi nandoon Yung magaling Kong ama eh baka mag away nanaman sila ni tita Ellen dahil sakin"
  
  
  
  "Ano kaba ako bahala Sayo kaya wag kana Malungkot, tsaka nga pala hindi ka parin ba binibigyan ni Tito Ng sustento kaya nag tra-trabaho ka ngayon bilang body guard ni Sky?"
  
  
  
  "Kailan ba nag bigay sa akin ng tulong yun nawala nga si mama never nag bigay yun ni piso tsaka pinapatawag lang ako nun sa kanila pag Kailangan ko bantayan Yung anak nya yun lang" Sagot ko sa kanya.
  
  
  
  "I'm sorry to hear that" Malungkot na Sabi nito.
  
  
  
  "Ano kaba Wala yun Tara na nga baka Galit na Yung amo ko dun" Pag iiba ko sa usapan na ikinatawa naman nya.
  
  
  
  "Nga pala Aya si David nga pala Yung boyfriend ni Sky kaya asahan mo na mag kikita at mag kikita kayong mag kapatid" Sabi nito na ikinabigla ko ulit, What the!! Bakit naman Yung tukmol pa nayun Yung naging boyfriend ni miss suplada hanggat maari nga dapat ayaw ko mag Krus Yung landas namin eh.
  
  
  
  "Ay nako Cole wag na wag mo ipaparinig sa tukmol nayun na kapatid ko sya dahil ayaw na ayaw nya ako ituring na kapatid" Sabi ko sa kanya.
  
  
   Naka order din kami agad Ng pagkain at gaya nga Ng inaasahan salubong na Ang kilay ni sky pag kabalik namin ng table ni Cole.
  
  
  
  "Bakit Ang tagal nyo ano ba Yung pinag uusapan nyo kanina" Tanong nito.
  
  
  
  "Wala tinanong ko lang sya about sa something" Sagot ni Cole.
  
  
  
  "Anong something?" Tanong ulit ni sky.
  
  
  
   "Basta secret nayun kumain nalang tayo" Sagot ni Cole kaya umupo na ako sa tabi ni sky na Ang sama Ng tingin ngayon sa akin kaya pinag tunan ko nalang Ng pansin Ang pag kain ko.
  
  
 
  "Hi hon!" Sabi Ng pamilyar na Boses sa katabi ko kaya biglang nag lamig Ang pag katao ko.
  
  
  
  "David! Akala ko ba may practice ka ngayon?" Nakangiting sabi ni sky marunong din pala ngumiti toh akala ko katarayan lang alam eh.
  
  
  
  "Biglaan din pina-cancel eh may emergency daw si coach" Naka ngiting sabi ni tukmol Este David pala, pero gaya Ng inaasahan agad din nawala Ang ngiti nya Ng napatingin sya sa akin kaya naman napalunok nalang ako. "Anong ginagawa mo dito" Seryosong tanong nito sa akin.
 
  
  
  "Kilala mo sya David?" Nag tatakang tanong ni Sky, eto na nga ba sinasabi ko eh.
  
  
  
  "Yup! I know her, sya Yung inuutusan ni dad mag bantay Samin Ng kapatid ko Pag may lakad kami kaya nag tataka ako kung bakit naka pasok Ang katulad nyang hampas lupa dito sa university at naka school uniform pa saan mo Yan ninakaw Aya tsaka bakit nyo Kasama Ang katulad nya baka mahawaan lang kayo ng ka-cheapan Nyan" Mayabang na Sabi nito kaya napa kuyom nalang ako Ng aking kamao.
  
  
  
"David! Stop!" Pag saway sa kanya ni Cole na nginitian nya lang.
  
  
 
  "Why couz! Nag sasabi lang naman ako Ng totoo ah hindi naman talaga Bagay Ang mga katulad nya dito sa university" Sabi nito habang nakatingin sa akin.
  
  
  
  "I said stop David!" Galit na na Sabi ni Cole.
  
  
  
  "Kanina mo pa pinag tatanggol Yan Cole tsaka totoo naman talaga Yung sinasabi ng boyfriend ko kung hindi naman talaga dahil sa binigay sa kanyang trabaho ni mommy Hindi sya makaka apak sa university natoh eh" Sabi ni sky gusto ko na sana umalis sa Lugar nato dahil sa mga pang mamaliit na naririnig ko ngayon kaya lang bigla ko naisip si tita dahil alam ko sa Oras na mag walk out ako ngayon mahihirapan na ako Makita Ng ganitong trabaho Yung Sagot Ang gamutan ni tita and beside tama naman talaga Yung mga sinasabi nila sa akin hindi naman talaga ako nababagay sa ganitong Lugar.
  
  
  
  "So sya Yung sinasabi mo sa akin sa call hon na magiging Tagabantay mo sa loob at labas Ng university" Sabi ulit ni David na tinanguan lang ni sky.
  
  
  
  "Ahm guys tama na Yan kumain nalang tayo" Sabi ni Abby sabay tingin sakin kaya napayuko nalang ako ayaw ko talaga Makita na kinakaawaan ako kahit na Alam ko na kaawa-awa naman talaga ako.
  
  
  
  "Hey! You Aya order mo din ako ng food kagaya din dito sa girlfriend ko bilisan mo" Utos nito sa akin kaya napatingin ako Kay sky pero parang Wala lang sa kanya, sasawayin na sana sya ni Cole ng tumayo ako.
  
  
  
  "Ok po" Sagot ko sabay Alis sa harap nila ayaw ko na mag kagulo pa sila ni Cole baka makarating lang toh sa magaling nyang ama tsaka baka matanggal pa ako sa trabaho pag nag kataon mahirap na.
  

HATES Where stories live. Discover now