Chapter 32

326 22 3
                                    

[Loisa's POV]


"Girls! bitch na ba ko?"


"huh? ano bang sinasabi mo loiskiee?"


pinakita ko na sa kanila yung sorry ni jane


"hindi ka bitch okay?"


"bakit kaya siya nag sorry sakin?"


"baka naman pinagtitripan ka lang niyan"


"omg! paano kung sincere?"


"hay nako! hayaan nyo na nga! girls punta lang ako kay jeron ah. pinapapunta niya ko eh"


"oyy san kayo?! sa kwarto nila? anong gagawin nyo?!"


"oy loiskiee! baka pag uwi natin buntis ka na ah"


"baliw! ewan ko sa inyo! ang bastos ng mga utak niyo hahahaha"


lumabas na ko and papunta na kila jeron tapos may nakita ko na babaeng umiiyak tapos mahaba yug buhok tapos naka white! omg! multo ba to?! umiiyak na multo? tinignan ko siyang mabuti and narecognize ko kung sino siya


"jane?"


"uhmm..uhh don't mind me"


"bakit ka umiiyak?"


"loisa,i'm not in the mood para makipag away. kung pupuntahan mo si jeron,puntahan mo na"


sinunod ko nalang siya and pinuntahan na si jeron pero bago pa ko pumasok ng kwarto lumabas na siya


"oh. nandyan ka na pala. dun nalang tayo sa lobby baka mapagalitan tayo eh"


pumunta kami sa lobby and parang may iba sa kanya. ang tahimik niya kasi or baka naman inaantok lang


"bakit kaya siya umiiyak?"


"maybe na realize na niya ang dapat niyang ma realize"


"eh ano ba yun?"


"ewan ko"


"bakit mo ba ko pinapunta sayo?"


"eh akin ka naman talaga eh"


"jusko pinapakilig mo nanaman ako eh"


"hahaha alam mo napakaswerte ko kasi meron akong katulad mo"


"alam mo ang baduy mo hahaha"


"minsan lang to kaya makinig ka"


"lagi kaya haha sige na nga makikinig na ko"


"bakit hindi ka man lang napansin ni joshua? i mean bakit hindi ka man lang niya nagustuhan ganun"


"eh si jane nga yung gusto niya hindi naman ako. nag aaway nga kami kasi lagi nalang si jane yung kinakampihan niya kahit ako namn yung tama"


"loisa and jeron bakit nandito pa kayo? balik na sa rooms niyo"


"sige po. maya maya mga 5 mins."


"now na"


wala na kaming nagawa and bumalik nalang sa rooms namin


__________________________________________________________


[Joshua's POV]


"pre! bangon na! late na tayo"


"woah! woah! francis? ikaw ba talaga yan?"


"ano bang sinasabi mo? syempre ako to"


"pre bakit ba pinapabangon mo na agad kami? ang aga pa"


"hindi ako yun pre. si francis yun! nagulat nga ko sinabihan niya tayo ng 'pre'!"


"nagbibinata ka na! congrats!"


"hay nako! ewan ko sa inyong dalawa! basta maligo na kayo kailangan tayo sa baba"


sumunod na kami and bumaba na kami tapos nakita ko agad yung likod ni loisa kaya tumakbo ako agad sa kanya at niyakap siya. ewan ko ba kung bakit gustong gusto kong niyayakap siya


"ayy palaka ka namang panget ka!"


"grabe ka naman bestfriend! gwapo ng mukhang to tapos palaka lang?"


"hoy wag mong minamaliit yung mga palaka!"


"so usapang palaka ba to?"


"hindi! eh bakit ba kasi ang hilig mo sa back hug! crush mo na ko noh"


"ASA! ang taba mo kasi! para kang teddybear kaya ang sarap mong yakapin!"


"che! eh bakit ka ba nagpunta nanaman sakin? bored ka?"


"hoy hindi naman ako ganun noh! pumunta ko dito kasi ang lakas mo! naging lalaki talaga yung bakla dahil sayo! hahahaha galing!"


"alam mo kahapon mo pa sinasabi yan eh! paulit ulit lang ganun?! oo na! alam ko ng maganda ko matagal na!"


"kaya nga mahal kita eh"


"ayy nanadyan ka na pala"


tsss.. nandito nanaman siya! naglandian nanaman sila dun and umalis nalang ako! nakakainis! nagseselos ako bakit ganun?

I'm Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon