Chapter 40

227 12 0
                                    

[loisa's POV]

nakuha ko na yung notebook na naiwan ko and palabas na sana ko pero may nakita kong basketball na pakalat kalat tapos bigla kong naalala yung sinabi kaninang umaga ni bestfriend na pumunta daw akong court so ngayon bigla nalang akong pumunta ng court haha para kasing may tinatago si joshua kanina eh

"jeron! tutulungan kita! ewan ko ba kung bakit kahit na binalewala mo yung plano natin at sinaktan mo ko ng sobra sobra mahal na mahal pa rin kita!"

"mahal din kita! minahal kita! pero paanong tulong ba yang sinasabi mo? ayoko kasi yung sobra siyang masasaktan!"

"masasaktan at masasaktan din siya kahit sa anong way mo pa sabihin na na fall out of love ka na sa kanya!"

bigla ko nalang nabitawan yung hawak kong notebook and naiyak nalang ako

"l-loisa"

"loisa"

palapit na siya ng palapit sakin pero ayoko. ayoko na :''''''(

"w-wag kang lalapit. diyan ka lang"

"loisa"

"please. diyan ka lang. ayoko na. narinig ko na lahat! so plano lang pala ko? alam mo k--"

"loisa! oo  plano lang lahat! plano lang DAPAT lahat pero nag iba kasi nakilala ko tunay na Loisa na siyang nagutuhan at minahal ko pero--"

"pero ano?! pero na FALL OUT OF LOVE KA SAKIN DIBA? tapos gusto mo pa explain eh ang sasabihin mo lang din naman na YOU LOVED ME BUT WE'RE NOT MEANT TO BE! oo na! wag mo ng ipamukha sakin kasi masakit eh masakit dito*sabay turo sa heart* ikaw yung super duper ultimate crush ko! alam mo dati pa may mga nagsasabi sakin na nakaplano lang tong pagiging ganyan mo sakin pero hindi ako nakikinig sa kanila kasi nga masaya ko sayo! "

"sorry"

"sana isang sorry mo lang okay na pero hindi eh."

bago ako umalis may sinabi pa ko

"pero thank you nga pala. thank you kasi kahit plano lang ako naranasan ko na maging boyfriend ang isang Jeron Teng! akala ko ang swerte ko na kasi  finally na love back na ko ng super duper ultimate crush ko. Tangina! naniwala na ko sa forever! pero akala ko lang pala yun kasi ang malas ko pala. pero atleast thank you sa experience"

with that umalis na talaga ko and pumunta ko sa nearest na comfort room tapos may mga tao pa pala dun pero wala kong pake. pumunta ko sa one of the cubicles and umiyak


[Joshua's POV]

ang tagal naman nung babaeng yun. nakailan na kong kain dito oh. sabi kukuha lang ng naiwan niya eh. ayy pucha! tangina!

nagmadali ako papasok and tumakbo agad ako sa court pero yung dalawang kupal lang yung nandun 

"sige na. suntukin mo na ko. ang Gago ko!"

"Gago ka talaga!" 

*BOOGSSH!"

"tama na yan! joshua ano ba!"

"ASAN SI LOISA?!"

"di ko alam!"

"PUCHA! NASAN SIYA?"

"hindi ko nga alam!"

*BOOGSSH*

"WAG NA WAG MONG LALAPITAN SI LOISA! WAG NA WAG!"

tumakbo ako paakyat ng classroom pero wala siya dun. sa may cafeteria wala din. tinakbo ko na kung saan saan na pwede niyang iyakan pero wala siya. 

tsk! magtanong nalang nga ko

"eva! nakita mo si loisa?"

"yep! nasa cr siya. umiiyak"

"sige thank you"

tumakbo ako papunta ng cr pero napatigil ako sa tapat ng pinto kaso pano ako papasok? 

"LOISA! LOISA LUMABAS KA NA DIYAN!"

biglang nagbukas yung pinto and bigla nalang niya kong niyakap

*dug dug dug dug dug dug*

yung tibok ng puso ko.  bakit bigla nalang ganun? siguro dahil lang to sa pagtakbo ko kanina




I'm Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon