CRAZIEST LOVE

2 0 0
                                    

( epilogue )











"Hoy! Alem! Kanina kapa tulala diyan?" Tanong ni kristel kasama ko sa counter.

Napalingun naman ako sa kanya. Nakatingin siya sakin at makikita ang concern sa mga mata niya. I sighed.

" Ano bang iniisip mo at parang tulala ka? Mabuti nalang walang masyadong customer ngayun. Okay kalang ba?" Tanong naman nito ulit sakin.

Hindi ko maiwasang hindi isipin ang mama ko. Tumawag kasi si adelpha sakin dahil nag uubo daw si mama. Nag aalala ako dahil mag isa lang ito sa bahay. Isang buwan na daw itong inuubo ngunit hindi parin gumagaling. Sa tuwing tumatawag kasi ito hindi siya nagkukwento sakin tungkol sa mga sakit niya. Palagi niyang sinasabi sakin na okay lang siya, na hindi na dapat daw ako mag alala, na malakas siya at hindi ko na kailangan mag alala at pagbutihin ko ang pag aaral ko. Sa kaibigan ko lang nalalaman na may sakit pala ito.I sighed.

" Hoy!! Nakakadalawang buntong hininga kana diyan. Okay kalang ba?" Pangalawang tanong niya na rin yan sakin.

" Okay lang ako nu' kaba HAHAHAHA"  Tinatamad akong magkwento ngayun beside wala namang interesting sa story ko.

" Aleem, kong may problema ka pwede ka namang magshare. Wag mong sarilinin, sige ka maaga kang tatan da niyan" Nginitian ko siya.

"Wala nga may iniisip lang sa school. Yun lang " Nginitian ko siya.

"Okay! Sabi mo eh " Nagkibit balikat si kristel ginigive up ang pagtatanong sakin. Hindi ko naman kasi hilig ang magshare ng mga ganap ko sa buhay lalo na ang mga problema ko. Ayaw kong kinakawawaan ako ng mga taong nakapalibut sakin. Mas mabuti ng ako lang ang nakakaalam.

Humihikab ako habang naglalakad papuntang locker para magpalit ng damit. Finally, natapos narin ang shift ko ngayung gabi. Nakakapagod kahit wala naman akong masyadong ginagawa. Iba parin talaga ang tulog sa gabi at umaga hayst.

Pagkatapos kong magpalit ng damit sa locker ay pumunta akong counter para i-claim ang agahan ko. May libre kasi kaming agahan at hapunan sa pinagtatrabahuan kong fast food chain.

" Aliyah ang agahan ko " sabi ko kay aliyah na nasa counter ngayun sila kasi ang morning shift. Gabi ang shift ko sa counter kasama si kristel. Sa counter kasi namin kiniclaim ang mga pagkain namin nirerecord din kasi yan pero hindi na namin binabayaran.

" Ahh..wait lang aleem " sabi nito.

" One regular meal pls " sabi nito sa tigkuha ng mga order tsaka nagtype sa monitor. Naglakad ako para pumunta sa table sa gilid para dun maghintay.

" Uyh aleem! " Napalingun ako ng tinawag ako ni aliyah.

" Uuwi pala ako mamayang gabi samin. Nagleave ako ng isang linggo. So, isang linggo akong wala, Baka kasi hanapin mo ko " sabi nito habang busy din sa pagtatype sa monitor.Kasama ko si aliyah sa Bh na tinutuluyan ko. Mag iisa lang siyang nagrerenta doon nang maghanap siya ng makakasama para daw makatipid siya sa renta. Kaya grinab ko narin para rin makatipid.

" Ahh.. sige aliyah ingat ka " Tumingin siya sakin at Ngumiti.

" Oo naman ako pa " Kinindatan niya ako. Pinapalapit niya ako sa kanya kaya lumapit ako.

" Kasama korin boyfriend ko pauwi samin kaya excited ako " Bulong niya sakin. Malawak ang kanyang ngiti na mahahawaan ka talaga sa mga ngiti niya. Ngumiti rin ako.

"  Aseeyyy! Baka pagbalik mo lilipat kana ng boarding house kasi makikipaglive in kana sa boyfriend mo " Tukso ko sa kanya at  natawa.

" Hoyyy! Di ah! Ayoko pa mag asawa " Pailing iling naman ito pero nakangiti. Alam ko marami pang pangarap si aliyah. Marami kaming pinagkaiba siya walang alam masyado sa buhay ko while ako, marami akong alam sa kanya. Mahilig kasi magkwento sakin tungkol sa buhay niya kahit di ko naman tinatanong. Palakwento kasi ito at iyon ang pinagkaiba naming dalawa.

Craziest LoveWhere stories live. Discover now