Apat na buwan na ang nakalipas simula ng makita ko ang lalaking yun. Minsan naiisip ko parin siya pero, minsan nalang. Busy narin kasi akong nagtatrabhu para may ipon ako para sa darating na pasukan. Hindi naman kasi always malusog ako may times din na nagkakasakit ako kaya kahit summer nagtatrabahu parin ako for emergency purposes at para narin makapagpadala kay mama. Hindi niya tinatanggap ang pinapadala ko kaya kay adelpha ko pinapadala at pinapagrocery ko para kay mama. Matigas din kasi ang ulo ni mama.
Sa gabi nagtatrabahu ako sa chicken inasal. Sa umaga yaya naman ako. Second year student na ako sa pasukan. Nursing, gusto ko maging doctor kong papalarin. Pero habang tumatagal parang gusto ko nalang magtrabahu pagkagraduate.
" Aleem, ikaw na bahala kay baby huh" Nilapitan ng amo ko si baby Krisnah. Hinalikan nito sa noo.
" Upo maam " sagot ko naman. Hinatid namin siya ni baby sa garahe ang mommy niya. Kumakaway si baby krisnah sa mommy niya na paalis. 1 year old and 6 months na si baby krisnah tan. Chinese ang daddy niya na nasa china ito inaasikaso ang bussiness nila. Isa itong bussinessman roon. Si maam Krisha naman ay isang doctor,half chinese at half russian ito, kaya ang ganda. Nasa pilipinas siya kasi may medical mission ito dito. Tatlong buwan lang siya dito at babalik din sa china. May sarili silang bahay dito sa cagayan de oro dahil dito niya palagi gusto magmedical mission tuwing project niya. Nakilala ko si maam krisha ng magsubmit ako ng pt kay maam Rowela ty. Kaibigan siyan ni maam rowela ty. Nang mga panahon na yun kakadating niya lang sa pilipinas at naghahanap siya nang magiging yaya ng baby niya. 1 month old palang nun si baby krisnah. Patapos na ang klase at summer na kaya magtatrabahu ako bilang tagalinis nang bahay nina maam rowela. Senior high school ako ng makilala ko si maam rowela. Kaklase ko ang anak niya nasi rowena at the same time kaibigan na rin. Nakiusap si rowena sa mommy niya na magtrabahu ako sa kanila kaya ayun end of the story.
Sinuggest ako ni maam rowela kay maam krisha. Kaya ayun ako ang nagbabantay kay baby krisnah kada summer kasi kada summer din kasi ang balik ni maam krisha dito sa cagayan de oro.
" Tara baby pasok na tayu sa loob" Hinalikan ko si baby sa pisnge. Ang kyut na niya talaga. Nong 1 month palang siya ingat na ingat pako humawak sa kanya. Si baby krisnah kasi ang first na baby na nahawakan ko mabuti nalang hindi siya nabalian sa mga kamay ko. Matambok ang kanyang pisnge at kay gandang bata talaga manang mana sa kanyang mommy. Isang beses ko lang nakita ang daddy niya ng dumalaw ito sa kanila last summer. Bumalik rin kasi ito kaagad sa china kasi hindi pwedeng iwan ang bussiness roon.
Nilagay ko si baby sa upuan niya para pakainin. Kong hindi ko kasi ito ilalagay sa upuan niya magkakalat pa kami sa bahay dahil ang likot likot nito. Tinimplahan ko siya ng cerelac at nagslice ng apple at binalatan ng orange. Bilin kasi ng mommy niya na pagkatapos kumain ni baby ng cerelac ay pakainin ko siya ng fruits.
" Baby, wag kang sobrnag lilikot huh! Baka pumayat ka nakoooo... patay ako sa mommy mo " Bumungisngis lang ang bata. Hay naku! Ang kyut. Kyut din kaya ako nung baby pako? Siguro? Ewan.
" Aleem! Ano gusto mong ulam? " Napalingun ako kay aling gemma na nasa kusina. Siya ang kasama ko sa bahay. Siya ang tagaluto, tagalinis at tagalaba dito kina maam krisha.
" kahit ano na po aling gemma, okay lang po sakin kahit ano" sagot ko naman dito.
" O siya, magpiprito lang ako ng itlog at tuyo " sabi nito.
" Sige po aling gemma " Tumalikod na rin ito at naglakad na patungo sa kalan.
Pinagpatuloy ko narin pakainin si baby. Pagkatapos ko siyang pakainin ay kinarga ko siya para makaburp. Binilin din kasi ng mommy niya na ipapaburp si baby pagkatapos kumain. Nang makaburp na siya ay nilagay ko siya sa crib at nilagay ang mga laruan niya. Naglalaru na ito kaya't pumunta ako sa kusina para kumuha nang agahan tsaka bumalik sa sala para doon kumain at mabantayan din si baby krisnah.
Pagsapit ng alas dyes at alas tres pinapatulog ko si baby. Natutulog din ako kapag natutulog si baby krisnah kaya yun lang tulog time ko. Doon lang umiikot ang araw ko dahil sa gabi nasa fast food chain ako. 6 pm to 5 am ang duty ko sa fast food. 6 am to 5 pm naman ako kay baby minsan pinaOOT ako ni maam krisha kaya lumiliban ako sa fast food pero iadvance inform naman ako ni maam kaya sa malayo palang nagpapaalam ako sa boss ko sa fast food na liliban ako. Hindi nalang ako nagooff para mabawi ko sa pag absent ko. Kinsenas ang sahod ko kay maam krisha same sa fast food.
" Ahhkikikikkk...... " sabay kiliti kay baby. Tumatawa naman si baby ng malakas kaya napapatawa narin ako. Hindi ko namalayan na alas 5 na pala kong hindi lang pumasok si maam krisha sa kwarto ni baby ay hindi ko pa malalaman.
" Hello? How's my baby?" Nakangiting sabi ni maam. Nakangiti rin akong lumingun sa kanya. Ang bait bait ni maam krisha. Ang gaan ng loob ko sa kanya napakabait niyang tao, caring pa kapag nagkakasakit ako hindi siya pumapasok sa trabahu niya at siya ang nagbabantay sa baby niya. Hindi niya kinakaltas sa sweldo ko ang pag absent kapag umaabsent ako.
Tumayo si baby krisha kaya inalalayan ko ito. Lumapit naman ni si maam krisha at hinagkan ang anak. Inabut niya sakin ang sobre na sahod ko. Nakangiti akong nakatingin sa kanila. Pinaghahagkan na muna ni maam krisha si baby krisnah bago ako balingan.
" Aleem, tomorrow I have a party to attend to. It's around 3 pm and I want you to come with me. I'll bring krishna with me" sabi ni maam sa matigas na accent.
" Okay po maam, ano po bang susuotin?" Wala kasi akong uniform bilang nanny ni krishna. Kaya hindi ko alam anong susuotin ko bukas.
" Don't worry ako nang bahala. I'll give you some of my dresses tomorrow na hindi na kasya sakin para may masuot ka " sabi nito. Napangiti naman ako. Nagpaalam na ako na aalis na ako. Naligu naku para deretso na ako papasok sa fast food. Nagdadala na din kasi ako ng damit para deretso na ako sa fast food.
Hindi ko maiwasan na hindi isipin ang party na dadaluhan bukas. This is not my first time to attend a party with maam krisha. Sinasama niya kasi ako kapag sinasama niya si krisnah sa mga dadaluhan niya. Palagi niyang sponosponsor ang mga damit na isusuot ko. Binibigay din ni maam sakin ang mga damit niya na hindi na kasya. Marami ang mga dresses na sa tuwing pumapasok lang ako sa school ko iyon nagagamit kapag lang nakacivilian kami, at minsan rin kapag may pinupuntahan ako.
Nasa Bachelor's Village ang bahay ni maam. Medyo malayo layo din sa fast food na trinatrabahuan ko nasa cogon pa. Nagbook na ako ng angkas para mas mabilis akong makarating.
Nakasakay na ako sa motor. Papalabas na kami ng village ng may nakikita kaming babae na inaaway ang guards sa gate. Mahigpit kasi dito sa village. hindi basta basta nakakapasok ng walang villager's pass. Binigyan ako ni maam ng pass para mabilis ako makapasok dito.
" I told you, I wan to surprise my boyfriend but you all ruined it" inis na sabi nung babae sa mga guards.
" Dont you know Lexus Nevithan Chua? Isusumbong ko talaga kayo sa kanya. How dare you blocking my way " pagrarant ng babae. Nagpapaliwanag naman ang mga guards sa kanya. Napamenor ang motor na sinasakyan ko ng nagmenor ang sasakyan na nasa unahan. Bumukas ang window nito.
" What's with that commotion?" Tanong ng lalaki. Hindi ko makita kong sino. Ang ulo niya lang ang nakalabas sa bintana. Nilapitan naman siya ng guard.
" Ahh.. sir ethan. Kayo pala,tumatawag kami ngayun sa bahay niyo kasi yung babae pumipilit pumasok kilala niyo daw po siya.." Tanong nung guard. Napalingun naman yung guard na nasa kabila na pilit nageexplain sa babae.
" Sir! Kilala niyo daw po si maam?" Tanong nung guard. Nanalaki naman ang mata nung babae.
" Oh my god babe youre here" sabi nung babae. Malawak ang ngiti nito.
Bumusina yung driver na sinasakyan ko para makaraan kami. Napalingun naman ang driver nung nasa unahan na sasakyan. At sa ikalawang pagkakataon tumibok ang puso ko sa lalaki. Nagtama ang aming mga mata. Huminto ang lahat at tumibok ang puso ko sa iisang lalaki na nagpapatibok ng puso ko.
Ang lalaki ang unang bumawi ng tingin. Gumilid ang sasakyan. Kaya dumaan kami hindi na ulit kami nagkatinginan. Hindi ko alam bakit ang bobo nitong puso ko,kong bat sa tao pa na sa ikalawang pagkikita namin ay lahat tungkol sa mga babae niya.
To be continue...........

YOU ARE READING
Craziest Love
RomanceIs it impossible to fall in love in an unexpected situation? Aleena is an introvert type of person but when he meet the man that he hated the most for being a playboy and cheater for a couple of time that she encountered him. BUt her heart beats...