Part 3

2 0 0
                                    

Are you sure hindi ka makakasama?

Halatang alangan si Rue habang pinipilit na pakilusin ang ina na abala sa pagku-cultivate sa mini garden niya.

I've told you, my son, you have to learn those things to be a real father. Hindi kami lagging narito ng dad mo sa tabi mo.

But, mom, it's our 10th year anniversary. You know how much effort Rhy has given para maisakatuparan ang plano naming today!

He's keeping his voice low and trying much to speak in a low voice.

Pero kahit na anong ingat nila ay sadyang malakas ang pakiramdam ni Hya kaya naman siya na ang nagbigay ng excuse.

Ma'am, ayos nap o ako. Makakasama ko naman yung nurse na ibinigay ninyo. Saka puwede kong yayain yung mga kaibigan ko. Andun din naman pos a hospital si Dr. Aldrich para umalalay-

Kalabisan mang sumabat sa usapan pero iyon lang ang tanging maitutulong niya sa sitwasyon. Hindi man siya eksperto sa pagkakaroon ng karelasyon, ramdam niya ang pagiging espesyal ng araw na ito para kay Rue. Bukod nga sa alaga siya ng mga ito sa bahay nila, alam niyang pinipilit ng mga magulang ng lalaki na paglapitin sila. Nahihiya nga lang siyang tanungin kung bakit gayung ang ganda at ang yaman ni Rhys aka mahal na mahal nito si Rue.

Hya! Ilang beses ko bang sasabihin na Mom at hindi Ma'am? At ikaw, hindi ko maaatim na ibang tao ang mangangalaga sa magiging apo ko gayung available naman ang ama.

Singhal nito sa anak bago muling bumaling sa kanya.

Sabihin mo kay Aldrich, atupagin ang mga pasyente niya at bahala na ang OB mo sayo. Mula ngayon, lagi na kayong magkasama nitong si Rue. Ipapalipat ko na rin ang gamit ninyong dalawa sa bahay natin sa Vista. Kayo nang bahalang mag-ayos niyon.

What?!

Apela sana ni Rue pero isang tingin lang ng ina ay tiklop ulit ito. Natatawa na lang siya sa ganoong senaryo ng mag-anak. Halatang spoiled sa lahat ng bagay si Rue at mahal na mahal ng magulang pero gayunman ay napakaganda ng pagpapalaki dahil may disiplina ito.

Pero, dip o ba ilang lingo na lang ay manganganak na ako. Advisable po ban a humiwalay kami eh wala kaming alam pareho sa ganitong bagay. Paano po kung humilab na ang tiyan ko at nataong wala akong kasama sa bahay?

Hindi mangyayari yan hija. Gaya ng sinabi ko, palagi na kayong magkasama ni Rue at bibigyan ko siya ng two months leave para maalagaan ang magiging anak niya. Okay?

Pagtatapos nito at tuluyan na silang itinaboy paalis.

Nang nasa sasakyan na sila't magkatabi bilang ito ang driver, dahil na rin idinahilan ng mom nito na aalis siya't kailangan ng driver sa lakad nito, halata ang pagkadisgusto nito sa nangyayari.

Alam mo ba, makakaapekto daw sa pagbubuntis yung mga negative energy, pagsimangot na mga ganyan kaya kung naiinis ka, wag mo kong pakitaan ng ganyang mukha.

Tho hindi naman nakatingin si Hya kay Rue kundi sa daan, alam niyang nakasimangot ito lalo't hindi makontak si Rhy.

Then don't look at me.

I'm not.

Eh paano mo nalaman?

Sixth sense?

Ano yun, ghost?

Hindi, kung anumang tawag doon, special sense ng mga buntis.

Can you just not talk?

Ok. Pero alam mo nagtataka rin ako sa sarili ko dahil napakatahimik kong tao pero mula nang mabuntis ako, hindi ko alam. Siguro epekto ni baby-

Stop blabbing, okay? Nakakairita na, walang sense ang sinasabi mo.

Nakakainis...alam mo bang friends ko lang ang nakakapagsabi sakin niyan? Bakit ba komportableng-komportable ako sayo? Pati sa mga magulang mo-

Because you are a gold digger. You hear me?

Hala, paano mong nalaman?

Kunwari ay pa-inosenteng tanong niya na parang batang nahuli sa isang pagkakamali.

Kundi lang diyan sa baby ko ay ipinakulong na kita.

Sabi lang nito bago muling nag-dial sa cp.

Totoo naman yun. Bilang laking ampunan siya at mahirap, tinatanggap niya ng walang dalawang salita ang anumang ibigay ng magulang nito. Mula sa condo, kotse, damit, sapatos at cash and savings, bukas-palad niyang tinatanggap. Hindi naman siya humihingi pero sino ba naman siya para tumanggi. Isa pa, iniisip rin niya ang future niya, kundi man siya magustuhan at pakasalan ni Rue, may downfall siya mapupuntahan kahit papaano.

Thank you.

Ha?

Sabi ko salamat. Salamat mula sa aksidenteng nangyari sa'tin, sa mga biyayang natatanggap ko mula sa inyo, sa kabaitan ng magulang mo, pag-unawa ni Rhy, kay baby. Salamat sayo kahit di mo ako gusto. Hindi rin kita gusto..sa ngayon. Pero kung magugustuhan mo ako, baka puwede kitang pagtiyagaan.

At ibinigay niya ang pinakamaganda niyang ngiti. Ngiti ng sincerity.

Stop joking around. Alam ko kung anong habol mo. Pagkapanganak mo, bibigyan kita ng malaking halaga para lubayan mo na kami. Hindi ikaw ang gusto kong pakasalan.

Si Rhy?

Na hindi niya sinagot.

Bumuntunghininga muna siya bago nagpatuloy.

Bagay kayo. Alam mo, kundi ako nabuntis, at kung nagkita tayo sa ibang panahon, siguro aagawin ko siya sa'yo.

What?! Don't tell me-

Oops...hahahha..look at that face! Nakakatawa ka palang magulat! Ahahahaah!!!

Tuluy-tuloy na ang pagtawa niya hanggang unti-unting sumama ang tingin nito sa kanya na hindi pa rin matigil sa pagtawa.

Umabot na iyon ng sampung minute mahigit na sobrang ikinainis nito. Nakarating na nga sila ng ospital nang hindi niya namamalayan.

Tama na ang kabaliwan mo. Marami pa akong dadaanan pagkatapos nito.

Hahaha..sorry. Pero seriously, sorry kung na-ruin ko ang celebration ninyo ni Rhy. Wala akong anumang balak na manggulo ng relasyon.

At sabay na silang pumasok ng building.

Kasi Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon