Part 2

8 0 0
                                    

Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng bagay na ito sa isang gabi lang. My God, Rue! Nung tinawagan ako nina Aldrich to inform me that you and your friends are here, I thought you're one of the earthquake's victim. Shocks, 7.3 and how I'm thankful na hindi ka nasaktan!

Rhy, I owe you explanations. This woman--

Shhh, you don't have to explain anything. I am happy that you're safe and that's enough for me. For sure, Aldrich will do his best para sa kasama ninyong babae.

Hindi alam ni Rue kung paano sisimulan ang lahat. Hindi malinaw sa kanya ang pagkatao ng babaeng sinasabi ni Rhy ngunit malinaw sa kanya ang responsibility niya rito bilang siya ang kasama nito sa kwarto nang maganap ang aksidente. She has accidentally fallen by the debris of the ceiling due to the earthquake and that's the reason why nagdugo ang part ng ulo nito kaya nawalan ng malay pagkakita niya.

At ang isa pang hindi malinaw ay ung papaano niya sasabihin sa gf kung bakit niya ito kasama at nasa kwarto pa? Hindi niya alam kung alam na nito ang sitwasyon at nagsasawalang-kibo na lang o talagang wala itong alam that he committed a big mistake that might break their relationship?

Days passed, and weeks at halos naayos na ang lahat. Everybody went back to their normal life. Rhy hears no explanation; she doesn't ask nor needs it, she said. He did not insist but his conscience tells him to do so.

Lalo na ngayong mag-dadalawang buwan nang walang malay si Hyannis.

They informed her family about it, but unfortunately, she's an orphan at tanging ang mga kaibigan lang ang maituturing nitong pamilya na siyang nakakausap nila tungkol sa kalagayan nito. And Aldrich, Rhy's doctor friend still keeps an eye to Hyannis. Ito pa rin ang nag-tsi-check kung may improvement sa statistics nito.

At nang halos maibalik na nga niya ang sarili sa normal na buhay na parang walang nangyari o anumang pagbabago mula noon ay nabigla siya sa tawag ng doctor isang araw.

I think you have to hear this important matter about the patient. She's been in comatose for two months now, and there's something unusual about her stats that really intrigued me. At ngayong natapos na ang ilang tests, I am sure na magugulat ka sa sasabihin ko. Rue, ang pasyenteng dinala ninyo sa ospital two months ago is nearly eight weeks pregnant.

Nanlabo ang paningin ni Rue pagkarinig noon. This can't be true. How could that happen? At wala siyang ibang alam na dahilan kundi ang nangyari noong gabing iyon. Siya ang unang lalaki sa buhay nito.

Actually, if you could contact her friends and bf about this, mas mapapabilis ang susunod na proseso. A woman in coma cannot bear a child on her womb. This is not a normal thing. Hindi magiging normal ang development, it could also affect them both or worst, they could die with it.

So what could be the solution to it?

There is no other way we they can survive both kung hindi ang magising na siya. At kung sa susunod na 24 hours ay hindi ito mangyari, we need to choose not to continue the life inside her. Makakasama sa kanila, it will not develop normally at unti-unti rin lang iyong mawawala and worst makakalason pa sa katawan niya.

Memories flashes back at that moment in him. He did not expect these consequences of a one night pleasure.

Rhy heard it all from Rue. Hindi man nito tuwirang sabihin ay naipahiwatig na nitong inaako nito ang responsibilidad sa babaeng iyon. Siya ang ama and that woman needs him.

Alam niyang katangahan pero pikit-mata niyang itinatanggi sa sarili at sa lahat ng kakilala niya na walang anumang kaugnayan si Rue sa babaeng nakitang kasama nito sa unit nang araw na nangyari ang lindol. Hindi niya matanggap na magagawa nitong pagtaksilan siya. At ngayon pa nga, the worse is yet to come. Nabuntis nito ang babae at humihingi ng tulong niya upang mabuhay ang magiging anak nito sa iba.

God knows how much she wanted to ask"what about us? What will happen to our plan of marriage?"

Mula nang araw na iyon ay hindi na nakabalik si Rue sa dati. Doon siya nagsimulang magduda. She asked his friends about the girl but they keep on hiding infos. She has instincts. And the thing that bothers her much ay hindi na nga nito tuluyang nabanggit ang pinlano nilang kasal.

And now, she has to make a very significant decision na maaring makabalik kay Rue sa kanya.

You don't have to make it hard to decide. We will pray for her to be awake. Magigising rin siya bago ang kinabukasan...and everything will be alright!

It kills her. For every word she uttered pins her heart. But if it will take his weariness away, then she'll say it again.

Thank you, Rhy. I love you!

That's the last thing she heard those words. Dahil kung nagdilang-anghel man siya ay waring pinagsisihan niya ito. Ilang oras habang nasa bahay siya ay narinig niyang tumatawag si Aldrich.

The patient is awake...

Pagkarinig niya iyon ay nanginginig na ibinalita niya kay Rue na agaran ding bumalik ng ospital without any words.

Ngunit ramdam niya ang katuwaan sa kilos nito...at ang kislap sa mata pagkapasok sa kwarto.

Did I miss something? I didn't knew I have a big family as this.

Anang pasyenteng kagigising lang habang iniikot ang tingin sa kanila. Tho andun din ang mga kaibigan nito, karamihan ng andun ay ang pamilya ni Rue na sadyang umuwi pa ng bansa pagkarinig ng balita.

How are you feeling now, sweetie?

That's Rue's mom. Na kahit kailan ay hindi siya nagustuhan para kay Rue. At nangangamba na siya ngayon para sa sarili dahil kakatwa ang ibinibigay nitong atensyon sa babae.

What's your name, hija?

Uhm, Hyannis po. Hya na lang, Ma'am.

Hya, what a beautiful name. And you call me mom, not ma'am.

Pareho sila ng reaksyon ni Hya na sabay pang gulat na napatingin sa nagsalita. Matapos ay pinagmasdan niyang maigi ang nag-aalangang tango ni Hya na nahihiyang napasulyap din sa kanya.

Nang hindi nakatiis ay tiniyempuhan niyang tulog si Hya para masarili ang ina ni Rue.

Tita, can we talk?

Tungkol saan?

As usual, andun na naman ang cold treatment nito sa kanya. Nasanay na nga lang siya bilang pakikisama na rin sa pamilya ni Rue. Masyado lang siguro niyang mahal ang bf kaya kahit mula noong high school pa ay ipinapakita na nito ang pagkadisgusto sa kanya at madalas na pag-ignore sa efforts niya, tiniis niya kaya tumagal sila ni Rue. Hindi nga niya malaman kung anong ayaw nito sa kanya. Napakabait niyang anak, mayaman din naman ang pamilya nila, matalino siya at kumikita na ng sariling pera. Kaya taking-taka siya sa hayagang pag-ayaw nito sa kanya ganundin ang ama ni Rue.

I just want to clarify po na kahit na may responsibility pa si Rue kay Hya, I'll stay by his side hanggang matapos ito. Then itutuloy nap o naming ang kasal at bubuo ng pamilya. Handa kong tanggapin ang bata.

Hmm, is that so? Well, good to hear. Pero mag-stay ka man o iwan na si Rue, matutuwa pa rin ako. Saka depende pa rin kung yayayain ka ulit ng anak ko.

We haven't talked about it again, but I'm sure he'll open up the topic again.

Don't be so sure about it. Anyway, I've been honest naman siguro na ipadama na hindi kita gusto. But I'll always support the happiness of my son. Kaya lang, now that nangyari ito, dapat maging handa ka.

Tita, don't tell me gusto ninyo siya para kay Rue?!

Unbelievable! Kakakilala lang niya sa estrangherong babae ay gusto na niya? Samantalang siya na buong buhay nang nananalangin para sa approval ng mga ito ay wala?

Kung sakaling gusto ko siya, it will not matter naman. Oo, gusto ko ang personality ni Hya na honest and simple yet adorable. Ano't anuman, si Rue pa rin ang magdedesisyon, ang pipili. Ang concern lang ngayon ay ang bata.

Yeah, his child.

Yes, their child.

Sagot nito at ngumiti habang pinagmamasdan ang natutulog pa ring si Hyannis.

If that confirms the start of a rowing boat, puwes, kailangan niyang kumapit.

Kasi Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon